Worse
"Blare, sumama ka na lang sa kanila pauwi," I told him, tukoy ko sa frat na naghahanda na pauwi sa Manila.
Pinipilit ko si Blare na huwag nang manatili rito sa Laguna kahit na ayaw niya akong iwanan. Kanina pa kami nagtatalo dahil gusto niyang samahan ako hanggang sa libing ni Lola.
"Bakit? Ngayon mo ako kailangan kaya hindi kita kayang iwanan, Van." I sighed heavily as he started to pull me closer to him.
I look at him intently then move away from his hug, mabilis na nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Blare nang kumalas ako sa yakap niya. Para siyang naiinis na pero hinahabaan lang ang pasensya, kanina pa kasi kami nagtatalo.
"Why don't you want me to stay? Did I do something wrong?" I immediately shake my head as a response.
Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang paligid para tingnan kung nakatingin pa ba sa amin si Valerie na nakatayo mula sa pintuan and I'm right, she's still looking at us through the door.
Lumapit ako kay Blare at bumulong, "I just don't want you near my sister," I honestly told him.
Blare stand still and stare at me before moving his eyes on my back to look at my sister. Nang ibalik niya ang tingin sa akin ay bigla siyang nagbuga ng hininga.
"Is that the reason?" hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ko. "Pinapaalis mo ako dahil nandito ang kapatid mo?"
Hinawakan ko ang kamay niya na ngayon ay magaan na humahaplos sa pisngi ko. "Sort of, I'm just worried that she might trigger herself again."
Sinilip ko muli si Val bago ko hinila si Blare patungo sa labas ng BMW niya. Hindi ko maiwasan ang mailang lalo na kapag pumapasok sa isip ko kung paano namin 'yon ginawa sa loob mismo ng sasakyang 'to.
"Nakasama ba na nagpunta ako? Did I made things worse?" Blare looked at me using his worried green eyes. "I just want to be with you, Van. I don't want to leave you while you're grieving."
I want to be with him too, he's my comfort and I found peace in his arms but I don't want to make Valerie uncomfortable. Halata naman kasi na ayaw ng kapatid ko na nakikitang kasama ko si Blare kaya hanggang nandito si Val ay ako na lang ang mag-a-adjust para sa kanya.
Hindi na tulad ng dati si Valerie na biglang nawawala sa sarili kapag nakikita siya dahil kaya na niyang kontrolin ang emosyon niya pero halata naman ang excitement sa mukha ni Val kanina noong nakita niya si Blare.
"Napansin mo ba kung paano nagbago ang itsura ni Val noong nakitang hawak mo ang kamay ko? She disliked what she saw! Kinakabahan ako na baka any moment ay bigla na lang sumumpong ang sakit niya," I told him as I brushed my fingers on his now creased brows.
Blare blurted out an exasperated sigh then hold both of my waist. "Vanny, hindi puwedeng laging ikaw o tayo ang mag-adjust sa kapatid mo. She should accept the fact that we love each other."
Natigilan ako sa sinabi ni Blare. My mind stopped working for quite while after hearing him casually professed that he loves me.
Lumayo ako sa kanya upang mapagmasdan mabuti ang mukha niya pero mas lalong kumabog ang dibdib ko nang makita ko sa mga mata niya kung gaano kaseryoso ang titig niya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko alam kung paano mag-react sa narinig ko dahil hindi naman ako sanay na may nagsasabing mahal nila ako.
Agad hinawakan ni Blare ang baba ko at hinarap sa kanya. "Van... Vanilla," he called out using his cold but warming voice.
"Blare, please?" I looked at him using my pleading eyes. Ayaw ko talagang magtagal siya rito lalo na at nandito rin si Valerie.
BINABASA MO ANG
Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)
General FictionThree Kings Series #2 (Blare Yvan Reifler)