Deal
"Ayaw kong umuwi," mahina kong bulong kay Blare.
Diretso lang ang tingin ko sa harapan ng sasakyan ngunit nakita ko sa peripheral vision ko ang pagharap niya sa akin.
"Where do you want to go?" tanong niya gamit ang kalmadong boses.
Nilingon ko si Blare at tumambad sa paningin ko ang guwapo niyang mukha na nakatunghay lamang sa akin, ang isa niyang kamay ay nakapatong sa manibela at ang isa naman ay nilalaro ang ibaba ng mapula niyang labi.
Nag-iwas agad ako ng tingin dahil para akong napapaso sa klase ng titig niya. Hindi pa naman ako nakakasagot ay binalik na ni niya ang atensyon sa kalsada nang umusad na ang mga sasakyan sa harapan namin.
"Kina Donna mo na lang ako ihatid," mahina kong saad na sapat lang para marinig niya.
Sinulyapan niya ako sandali na para bang binabasa ang nasa isip ko bago siya bahagyang tumango.
"Alright," I heard him replied.
Naging tahimik lang ang buong biyahe namin, sumasagot lang ako kapag may tinatanong siya. Mabuti na lang at hindi naging makulit si Blare, hinayaan niya lang akong mag-isip ng tahimik.
Kanina ay dinala niya ako sa park at buong araw niya akong sinamahan doon para magpalipas ng oras. Ang sabi ko sa kanya ay iwanan na lang niya ako dahil gusto kong mapag-isa pero hindi niya ginawa-- sa halip ay pinaramdam niya sa akin na hindi ako nag-iisa.
He was there-- just quietly sitting beside me while I'm silently crying, hindi ko alam kung bakit pero gumaan ang loob ko dahil lang sa kaalaman na nasa tabi ko siya.
Sometimes we just need someone's presence to comfort us, kahit wala silang sabihin, walang gawin-- basta nasa tabi lang natin sila ay sapat na.
Huminto ang sasakyan niya sa harap ng bahay nila Donna. Hinawakan ko agad ang pintuan upang makababa pero mabilis niyang pinigilan ang braso ko kaya muli akong napatingin sa kanya.
Naghinang ang mga mata namin pero wala akong mabasa mula roon, Blare is a mysterious guy... no one can read what's running through his mind.
Ako ang naunang nagbawi ng tingin, yumuko muna ako bago siya muling nilingon. "I.. I want to thank you for being with me today... I really appreciate it."
Blare made my day a lot better, kung wala siya ay malamang na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin ako sa gitna ng kalsada.
"I really mean it when I asked for another chance," aniya, natigilan ako dahil bigla na naman niyang inungkat ang usapan namin kanina.
He asked for another chance, hindi ko sinagot ang tanong niya dahil hindi ako sigurado kung ano ba ang dapat isagot.
"Blare..."
"Let me prove that I am worthy for another chance, Van," he sincerely said. Bakas ang sinseridad sa mga mata niya.
Tulad kanina ay hindi pa rin ako sumagot, nanatili lamang akong tahimik at pinagmasdan lamang ang mukha niya... wala akong makitang bakas ng kasinungalingan mula roon.
Wala naman sigurong mali kung susugal akong muli.
Bahagya na lamang akong tumango na ikinangiti niya. I can see sincerity in his smile and honesty in his eyes.
Sana... sana tama ang desisyon ko.
"I'll make myself worthy to deserve you," he mumbled as he kissed the back of my palm.
I blushed and gave him a small smile.
"Don't disappoint me," iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko."I won't, Vanilla," his words were as sweet as his nickname for me.
BINABASA MO ANG
Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)
General FictionThree Kings Series #2 (Blare Yvan Reifler)