Daddy meets Wrangler
"I want to meet our son, Vanessa."
His voice and the words that came out from his mouth stopped me from breathing. Natulala ako nang ilang minuto. Kung hindi pa ako hinila ni Wrangler ay hindi pa ako makakagalaw. Nanatili pa rin ako sa mga bisig ni Blare. Kahit na nasa loob siya ng dinosaur costume at hindi naman nagdidikit ang mga balat namin ay iba pa rin ang kilabot na nararamdaman ko sa tuwing magkalapit kaming dalawa.
I tried to clear my throat. "No . . . not now. Do not even think about telling him about you," I told him in a low voice making sure that the authority is evident in my tone. "Hindi pa maiintindihan ng bata. Maguguluhan pa ang anak mo sa ngayon."
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sa akin ni Blare. Mukhang may sasabihin pa siya ngunit bigla na lang akong nilapitan ni Wrangler at pilit akong dinala sa dalawa pang mga dinosaur na nasa likuran ni Blare.
"Mommy ko, ibang dinosaurs naman ang hug mo po." Hinawakan ni Wrangler ang kamay ko.
Wala na akong nagawa kung hindi lumapit sa mga ito. Akmang yayakap ako sa dalawang dinosaurs kagaya ng gusto ng anak ko ngunit kaagad na humarang sa gitna namin si Blare kaya naman natigilan ako.
"Sabi ko nga, bawal yumakap sa asawa mong hindi alam na asawa ka niya."
"Takot ipayakap sa iba, palibhasa dinaan niya sa pikot."
Nalaglag ang panga ko nang marinig ko ang bulungan at sagutan ng mga tao sa likod ng mga costumes. Kilalang-kilala ko ang mga boses na iyon dahil boses iyon nina Blake at Blade. Ibig sabihin ay alam nila ang ginawa ni Blare. Ibig sabihin ay totoo ngang ikinasal kami at hindi si Vega ang asawa niya? I was so lost and confused again.
May pagkakataon na naniniwala akong si Vega ang asawa niya dahil dinala pa niya ang pinsan ko sa bahay nila at nakilala ng pamilya niya tapos ngayon ay ganitong usapan ang maririnig ko?
"Mommy ko, bakit po parang maingay sila? Ano po ba ang pinag-uusapan nila?" Ipiniling ng anak ko ang ulo niya na para bang nagtataka.
Mabilis kong kinuha si Wrangler at binuhat. "Tara na, Anak. Busy ang mga dinosaurs today kaya kumain na lang muna tayo." Sinubukan kong ibahin ang usapan at alisin mula sa lugar na iyon ang anak ko ngunit tulad ng inaasahan ay nagpumiglas siya kaya agad ko rin siyang binaba.
"No, Mommy! Dito po ako sa mga Dinos, please?" Tumulis ang nguso niya at nangilid ang luha. Ganito talaga siya kapag ayaw niyang sundin ang sinasabi ko.
"Wrangler kasi—"
"Van!"
Napalingon ako sa boses ng tumawag sa akin. It was Margaux and she's with Mama Amanda and the kids. Nilapitan niya ako at nakipagbeso sa akin. Ganoon din ang ginawa ni Mama Amanda.
"Surprise! Mama Amanda told me na nandito si Little Dino kaya dinala ko rin ang mga bata so they can play."
Nagtatakbo si Wrangler papunta kay Mama Amanda. Si Lei naman ay dinaluhan sila. Umaalog pa ang matatabang pisngi ng bata habang tumatakbo papunta kay Wrangler. Nakasunod sa kanya ang dalawang batang lalaki na sina Yvo—ang kambal niya, at si Roe na anak naman ng kakambal ni Margaux. Ang bata ay nasa pangangalaga niya ngayon.
"Bless kay Tita Van, Boys," utos ni Margaux sa dalawang batang lalaki na kaagad sinunod ng mga ito pagkatapos ay kumapit na rin sila kay Mama Amanda.
Malaki ang ngiti ni Mama Amanda nang palibutan siya ng mga bata. "Come on, Kids. Maglaro kayong magpipinsan sa playground and I'll bring you ice cream!"
"Pinsan po?" nagtatakang tanong ni Wrangler habang buhat na siya ni Mama Amanda.
"Yes, my Little Dino." Mama Amanda kissed his cheek.
BINABASA MO ANG
Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)
General FictionThree Kings Series #2 (Blare Yvan Reifler)