Chapter 22

128K 3.2K 1.8K
                                    

THIS CHAPTER IS RATED SPG. PLEASE READ AT YOUR OWN RISK.

Bumalik ako sa VIP lounge noong makapag-isip na 'ko ng maayos. Naabutan ko si Blare na umiinom kasama ng iba pa, iginala ko ang paningin at wala na roon si France.

"Where have you been?" tanong ni Blare nang maupo ako sa tabi niya.

He immediately snake his arms around my waist and pulled me closer to him. Pasimple rin niyang inamoy ang buhok ko pagkatapos niyang gawaran ng maliit na halik ang ulo ko.

"Tangina, miss na miss agad?" singit ni Joji, ngayon ko lang napansin na nasa gilid namin siya.

"Nagpahangin lang ako sa labas, it's suffocating here," palusot ko.

Tumango lamang siya at nagpatuloy sa pag-inom, ayaw ko siyang malasing pero hindi ko pa rin siya binawal dahil alam kong kailangan niya ng alak ngayon.

"Saan ka pupunta?" agad niyang hinakawan ang beywang ko nang tumayo ako.

Tinuro ko si Donna. "Kay Dons lang, kakausapin namin si Margaux."

Sinilip niya muna si Donna bago siya tumango at pinakawalan ako pero ang mga mata ay nakasunod pa rin sa 'kin.

Nakangising mukha ni Donna ang sumalubong sa 'kin. "Bakit nga ba laging nakasunod ng tingin ang mga Reiflers sa mga babae nila?"

Napanguso ako at sinulyapan ang kinaroroonan ni Blare. Kahit nasa may kalayuan na kami ni Donna ay nakasilip pa rin siya sa 'kin.

Tinawagan namin ni Donna si Margaux para makibalita hanggang sa hindi na namin namalayan ang oras. Nang lapitan kong muli si Blare ay mukhang natamaan na siya ng alak.

"Blare, lasing ka na," akma ko siyang hahawakan ngunit pinalis niya agad ang kamay ko.

"Blare," I called him, nilingon ako ng mapungay niyang mga mata bago ako inirapan.

Napatawa si Blade na nasa tabi niya, hindi ito uminom katulad ng ibang frat na mga lasing na.

"You're drunk," I tried to touch his arms but he refused. Ano ba'ng problema ng lalaking 'to?

"Blade," he called his brother using his husky voice.

"Hmm?" Blade responded.

"Tell Vanny, I'm drunk... tell her that she needs to take care of me," sumisinok na aniya.

Napatawa ako sa sinabi niya.
"Halika na, I'll take care of you," saad ko at hinawakan siyang muli pero pumiglas na naman siya tulad kanina.

"Blade, sabihin mo naman kay Van may hawak nang hawak sa 'kin dito," pinigil kong matawa sa tono ng boses niya na parang nagsusumbong.

Hindi ko na napigilan na halikan ang namumula niyang pisngi, ang cute niya kasi malasing dahil bigla na lang akong hindi nakikilala.

"Why did you kiss me? Lagot ka sa Vanessa ko," pinilit pa niyang punasan ang pisngi na hinalikan ko.

I giggled. "I'm your Vanessa."

Doon siya natigilan at tinitigan ako gamit ang namumungay na mga mata. Ilang sandali pa ay bigla na lang siyang napangiti at hinila ako payakap sa kanya.

"Ikaw pala 'yan... Pa-kiss nga," then he kissed me on my cheek repeatedly.

Mabuti at hindi lasing si Blade, siya ang nagmaneho sa 'min pauwi sa mansion nila. Tinulungan niya akong dalhin si Blare sa kuwarto nito.

"Ihahatid ko si Donna, wala sila Mommy dito... would you mind taking care of him?" tukoy ni Blade sa kapatid nang mahiga ito sa kama.

"Ako na bahala, uuwi na lang ako kapag okay na si Blare," tumango lamang si Blade at lumabas na ng kuwarto ng kapatid.

Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon