Chapter 45

46.2K 1.7K 611
                                    

Our son

Bumalik ako sa New York kasama si Axcel dahil nakatanggap na naman ako ng tawag mula sa mga tiyahin ko. Ang sabi nila ay nawalan daw ng gana si Papa na kumain at gabi-gabi raw itong sinusumpong ng sakit. Noong una ay ayaw ko na sanang bumalik pa sa New York dahil ayaw ko na muling makaharap pa ang mga taong nanakit at nanloko sa akin pero ito pa rin ako at bumabalik sa kanila dahil hindi ko pala kayang maging katulad nila. Kahit ano ang pilit ko na tiisin sila at maging masamang tao ay hindi kinakaya ng konsensya ko. It only proves that I am a better person than them.

Palabas pa lamang ako sa lobby ng ospital kung saan naka-confine si Papa ay narinig ko na agad ang hiyawan mula sa kumpulan ng mga tao sa labas ng hotel.

"Is that Blare Reifler? The Blare Reifler?"

Nagpanting ang tainga ko at huminto ang pagtibok ng puso ko nang marinig ko ang pangalan na iyon. Kahit saan talaga ay sinusundan ako ng multo niya, kahit saan ay naririnig ko ang pangalan at boses niya na para bang kasama na siya sa sistema ko.

Aalis na sana ako ngunit napahinto akong muli nang makita ko siya sa hindi kalayuan. What is he doing here? Hindi kaagad ako nakakilos; nakatitig lamang ako sa kanya na para bang nakakita ako ng multo.

"Blare, let's take a photo!"

Tumalikod ako mula sa kinaroroonan niya at handa nang lumayo. Tuluyan nang nawala sa paningin ko si Blare dahil napalibutan na siya ng mga fangirls niya ngunit dalawang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay biglang may malalaking kamay ang humawak sa braso ko.

"Vanny," he whispered my name using his hoarse voice while catching his breath. Halatang-halata na tumakbo pa siya para habulin lamang ako.

Nanlalaki ang mga mata na nilingon ko ang mga fangirls niya na nasa likuran naming. Nagtatakbuhan din ang mga ito para habulin si Blare.

"Shit," Blare murmured when he saw a bunch of paparazzi running towards us.

Kung kanina ay mga fangirls lamang niya ang tumatakbo palapit sa amin, ngayon naman ay nagsulputan ang mga lalaking may dalang malalaking camera upang kuhanan kami ng pictures.

Napatakip ako sa sariling mukha dahil nasisilaw ako sa mabilis at paulit-ulit na flash na rumerehistro sa mukha ko. Ramdam na ramdam ko ang mahigpit na yakap sa akin ni Blare habang iniiwas niya ako sa mga paparazzi. Itinago niya ang mukha ko sa jacket na suot niya kaya naman nanunuot sa ilong ko ang mabango niyang amoy.

Maingay ang paligid at paulit-ulit na sinisigaw ng mga tao ang pangalan ni Blare ngunit ang atensyon niya ay nasa akin lamang. Inilapit niya ang mukha sa mukha ko at paulit-ulit na itinatanong kung ayos lang ba ako.

"Are you alright? I'm sorry for dragging you into this mess, Van," aniya habang pilit akong inilalayo sa paparazzi na nais makuhanan ng picture ang mukha ko. "Leave us alone," kalmado ngunit bakas na bakas sa boses niya otoridad.

Imbis na tumigil ay lalo kaming pinagkaguluhan ng mga ito. Napasinghap ako nang may humila sa braso ko at pinilit akong kunan ng litrato.

"Don't touch my girl! I said, fucking leave us alone!" Natutop ko ang sariling bibig nang bigla na lang itinulak ni Blare ang lalaking humawak sa akin.

"Stop!" awat ko gamit ang nanginginig na boses. Hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin.

Para namang nabuhusan ng malamig na tubig si Blare at bigla na lamang umamo ang mukha nang mapatingin sa akin. Mabilis niya akong ikinulong sa mga bisig niya at isinakay sa Lamborghini na hindi ko namalayang huminto sa harapan namin.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa loob ng sasakyan katabi ng lalaking nagpapagulo na naman sa isipan ko. Mabilis ang takbo ng sinasakyan naming Lamborghini pero mas mabilis pa rin ang pagtibok ng puso ko dahil ramdam na ramdam ko ang mainit niyang mga titig kahit na ang mga mata ko ay nananatili lamang na nakamasid sa labas ng sasakyan.

Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon