Chapter 15

94.6K 2.7K 2.3K
                                    

Those blue eyes

"My MVD!" Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng malakas na boses.

Malaki ang ngisi ni Joji habang papunta sa amin, nasa likuran niya si Bricks at Russ.

"Madam Donna Kristina, hinahanap ka ng boyfriend mo! kanina pa badtrip, kawawa naman kami, sagutin mo kasi yung tawag," nakasimangot na ani Russ.

Tumaas ang kilay ni Donna. "Ayaw, magkaaway kami."

Natawa ang tatlo. "Away now, lambingan later," ani Joji.

Pati ako ay natawa sa sinabi niya, matampuhin kasi si Donna, seloso naman si Blade kaya lagi silang may lover's quarrel pero wala pang isang araw ay bati agad sila.

Natigilan ako nang makita kung sino ang pumasok sa cafe, simpleng kulay brown na long sleeve na may puting t-shirt na panloob at maong na pantalon lang ang suot niya pero angat na angat siya sa iba.

Hindi lang ako ang napalingon kay Blare, maging ang ibang babae sa loob ng cafe ay nakatingin na rin sa kanya dahil ang lakas ng dating ng isang Blare Yvan, idagdag pa na matangkad siya at malinis tingnan dahil sa  maputi at makinis na kutis ng balat.

Nag-iwas ako ng tingin nang mapansin ko na nakatingin din si Valerie sa kanya. Nang lingunin ko muli si Blare ay naglilikot na ang mga mata niya na para bang may hinahanap.

He suddenly stopped searching when his green eyes met my gaze. Tumalon yata ang puso ko dahil bigla siyang ngumiti, ang guwapo.

Kinagat ko ang sariling labi, sa akin ba siya nakatingin o kay Valerie? Hindi ako sigurado dahil magkatabi kami ng kapatid ko.

Amoy na amoy ko ang mamahalin niyang pabango nang makalapit siya sa amin. He even smells expensive.

"There you are, I've been looking for you everywhere," he said. Hindi ko alam kung sino ang sinabihan niya pero nanatili lang akong nakatingin sa lamesa.

Hindi na ako nag-abala pang tumingin kay Blare dahil ayaw kong masaktan kung si Valerie ang kinakausap niya.

"Vanessa," nag-angat lang ako ng tingin nang banggitin niya ang pangalan ko, he's looking at me intently.

"Can we talk?" he asked. Hindi agad ako nakasagot dahil kitang-kita ko ang disgusto sa mukha ni Valerie.

Mas minabuti ko na lang ang tumanggi kaysa naman makitang masaktan ng harapan ang kapatid ko dahil alam ko naman na may nararamdaman din siya para kay Blare.

"I can't talk right now, naguusap pa kami nila Margaux at Donna," palusot ko para matanggihan siya.

Hinarap ni Blare ang dalawa. "Can I borrow her for a while? May ibibigay lang ako," Blare coldly said.

Tumango sila at pinaningkitan ako ng mga mata. Gusto ko sanang sumama kay Blare pero nandito si Valerie at ayaw kong masaktan siya kaya mas pinili kong tumanggi.

"Vanessa, please?" Blare pleaded.

"Next time na la--" Val cut me off.

"Tayo na lang ang mag-usap, I need to tell you something," natigilan kaming lahat dahil sa pagsingit ni Valerie.

Nagsalubong ang kilay ko at tiningnan si Blare. Sandali niyang sinulyapan si Valerie bago muling lumingon sa akin.

"Si Vanessa ang gusto kong kausap," malamig na aniya bago hinawakan ang pulso ko at hinila ako palabas ng cafe.

Hindi agad ako nakakilos dahil sa gulat kaya hindi ko namalayan na natangay na niya ako hanggang sa makarating kami sa parking lot ng cafe.

Nakakunot ang noo ko siyang hinarap nang huminto na kami, hindi pa rin niya binitawan ang pulso ko pero masuyo ang hawak niya roon.

Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon