Wrangler
After 4 years....
"Pauwi na 'ko, baby. Naipit lang ako sa traffic," hindi mapigilan ang mapangiti ng malaki pagkarinig ko sa nagtatampo niyang boses.Sa isang iglap ay nawala ang inis ko dahil sa mahabang traffic. Mas lalo tuloy akong nasabik na umuwi para makita siya.
"Pauwi na nga po, marami kasi akong tinapos na requirements sa med school. See you at home!" kahit wala na akong natitirang lakas ay pinilit kong pasiglahin ang boses ko para hindi niya mahalatang pagod ako.
I don't want him to see that I'm getting tired so I ended our call. I recline the driver seat to lean my back and massage my temple. Sumasakit ang ulo ko sa dami ng requirements sa med school kung saan ako naka-enrolled.
I'm currently taking my second year of med proper at St. Luke's College of Medicine. I took a gap year after graduating college then I took and pass the National Medical Admission Test the year after. Mahirap pero gagawin ko para sa pangarap.
Sinulyapan ko ang wristwatch at tahimik akong napamura dahil ilang minuto na akong nakaipit sa traffic. I turned on the radio to play some music. Natigilan ako dahil bumungad sa akin ang bagong kanta ng banda ni Blare, pasimple akong napangiti nang marinig ko ang boses niya.
Blare is now a vocalist of Xerxes, a famous pop boy band formed in London four years ago. Sumikat ang banda nila dahil nag-trending ang debut album nilang 'Athena' na si Blare mismo ang nagsulat sa bawat kanta.
I still remember how much I cried after hearing every song in that album, alam ko kasi na para sa akin ang buong album na 'yon. He fulfilled his promise, he dedicated his very first album to me. Ilang beses ko rin naisip na puntahan siya sa loob ng apat na taon pero mas pinili ko na lang ang mamuhay ng tahimik at tuparin ang pangarap kong maging ganap na Doktor.
Ngayon ay sapat na lang sa akin ang pakinggan ang boses niya sa lahat ng radyo, TV o Internet. Nakuntento na lang din ako na makita ang mukha niya sa mga billboard katulad na lang ngayon, nakatapat ang sasakyan ko sa isang malaking billboard kung saan tanaw na tanaw ko ang berde niyang mga mata.
He looks exactly like him. His green eyes reminded me of someone.
Mahigit sampung minuto pa ang hinintay ko bago ako makauwi sa tinitirahang apartment na pagmamay-ari ko. Ibinenta ko ang ilang ari-arian na pinamana sa akin ni Lola noong umuwi ulit ako sa Pilipinas at ang pinagbilhan ng mga 'yon ay ginamit ko para magpatayo ng apartment at dormitory malapit sa University kung saan ako pumapasok.
I'm still a student, wala pa akong maaasahan na trabaho kaya naman mas pinili ko ang magpatayo ng pagkakakitan para sigurado ako na may pumapasok pa ring pera para sa amin. I want to save money for his future because I want to give him every best thing that I can.
Dumaan muna ako sa drive thru para bumili ng pasalubong dahil sigurado akong nagtatampo na naman sa akin 'yon dahil late na naman akong nakauwi.
"Ma'am, ginabi ka yata? Kanina pa pabalik-balik si Kulit dito para itanong kung naka-uwi ka na." Bati sa akin ng may edad na naming guard sa apartment noong binaba ko ang bintana ng sasakyan para kumustahin siya.
"Oo nga po, tawag nga nang tawag sa akin," natatawa kong saad habang binibigay sa kanya ang burger at fries na binili ko kanina. " Miryenda po muna, manong."
"Naku, si ma'am Doc naman, nag-abala pa. Kaya ang dami mong manliligaw, ma'am. Pati anak ni Governor, nabibihag mo. Maganda ka na kasi, mabait pa." Tinawanan ko na lang ang pambobola niya sa akin at nagpaalam na bago pumasok sa loob ng apartment namin.
BINABASA MO ANG
Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)
General FictionThree Kings Series #2 (Blare Yvan Reifler)