She's my wife
"I'm sorry if I'm late, let your tears flow, and I'll be here to catch every drop until you're calm again."
Kusang tumulo ang luha ko nang marinig ko ang mga salita niya. Mas lalong humigpit ang yakap sa akin ni Blare. Ramdam na ramdam ko rin ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko habang hinahagod ang likuran ko.
Tumagal kami nang ilang minuto sa ganoong posisyon. Lumayo ako nang kusa nang matauhan ako.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" Pinunasan ko ang ilang luha na natira sa pisngi ko.
"Sinusundan ka," simple niyang sagot at naglabas ng panyo mula sa bulsa ng suot niyang slacks at inabot iyon sa akin.
"Paano mo nalaman na nandito ako?" muli kong tanong. Nag-iwas ako ng tingin at tinanggap ang panyo na inaabot niya.
"I'll always have my own way of finding you wherever you are," prente niyang sagot sa akin.
Hindi pa rin ako makatingin nang diretso sa kanya kaya itinuon ko ang atensyon sa pagmamasid sa suot niya. Formal iyon at halatang may pupuntahan siyang importanteng event.
Kulay itim na coat ang nakapatong sa kulay puting shirt. Bakat na bakat ang hubog ng katawan niya kahit sa simpleng T-shirt na panloob. Nakakaagaw din ng pansin ang kwintas niya na may initial na 'BWV'. Matagal ko na itong nakita ngunit hindi ko lubos maisip na kilala pala niya ang anak niya nang mga panahong iyon, pero ngayon ay sigurado na ako na initials ni Wrangler ang nasa pendant niya.
"Why are you here and why are you dressed like that?" kalmado niyang tanong.
Sinabi ko sa kanya na gusto kong puntahan si Papa sa huling pagkakataon dahil uuwi na ako sa Pilipinas.
"I'll help you, I always got you." Hinawakan niya ang baba ko at bahagyang pinisil iyon na para bang sinisigurado niya na hindi niya ako pababayaan.
"There they are!" Muli akong nasilaw nang paulit-ulit na flash ng camera ang tumama sa mga mata ko.
Nahuli kami ng ilang paparazzi at nagsimula na namang kumuha ng mga pictures. Naramdaman ko ang paghawak ni Blare sa kamay ko at bigla na lamang niya akong hinila palayo.
"Let's runaway, Van," bulong niya sa akin at nagsimulang tumakbo.
Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko. Sabay kaming tumatakbo nang magkahawak ang kamay habang ang mga paparazzi ay nasa likod namin at hinahabol kami.
Nilingon ko si Blare, kahit na tumatakbo ay kalmado pa rin ang mukha niya pero halata ang pag-aalala mula rito. Nang lingunin niya ako ay mas naging malinaw sa paningin ko ang mga mata niya na tila ba ay natatakot. Hindi ko alam kung ano ang ikinakatakot niya at kung bakit pero isa lang ang alam ko, hindi ko maramdaman iyon ngayong kasama ko na siya at hawak niya nang mahigpit ang kamay ko.
Pinagtitinginan kami ng mga tao habang tumatakbo. May iba na mukhang nakikilala siya kaya naman pasimple kong tinatakpan ang mukha ko dahil may mga cellphone nang nakatutok sa aming dalawa. Natatakot ako na baka mayroon na namang kumalat na picture naming dalawa sa social media.
Nang medyo malayo na kami ay bigla na lang akong hinila ni Blare sa isang boutique. Nagulat ang mga staff at ilang namimili nang bigla na lang kaming pumasok pero hindi kami pinigilan; hinayaan lang nila kaming magtuloy-tuloy papasok sa fitting room.
"Blare," I called him using my breathless voice.
"Hmm?" Habol din niya ang paghinga nang sagutin ako.
"Bakit bigla na lang tayong pumasok dito?" I asked innocently.
"We're going to get change," simple niyang sagot sa akin.
BINABASA MO ANG
Embracing Her Lies (THREE KINGS SERIES #2)
General FictionThree Kings Series #2 (Blare Yvan Reifler)