03

16 2 0
                                    

Chapter 03

"I'm going to the Caf. May papabili ka?" Andrew asked. Inalis ko ang tingin ko sa novel na binabasa ko at tinignan siya. For the past few weeks, I don't know how— trust me, Andrew and I grew to be closer to each other. Maybe because of the paired works or academic responsibilities.. pero naging close kami kahit parehas kaming tahimik.


"I'm not sure" I said. Hindi ko alam ang tinda sa Cafeteria kasi hindi ako madalas pumunta don. I have lunchbox.

"Just go with me" Andrew said. Sungit. Napasimangot ako.

I was behind Andrew all the time which clearly annoyed him because hindi ako sumasabay sa kaniya maglakad. He told me to sit on a table and ask me what do I like so I just told him very specifically what that is that interests me.

Napatingin ako sa paligid and I almost flinched nang biglang sumulpot si Charles sa harap ko.

"Hoy sino yun?" Charles asked

"Kaklase ko"

"Weh?" He wasn't convinced "Pinopormahan ka?"

"Hindi" I answered

"Mamatay man?"

"Bakit kailangan mamatay?" Tanong ko

"Bahala ka. Dito ako kakain" he said at umupo sa harap ko.

"Okay. Pero may kasama ka?" Turo ko dun sa pinagmulan niya. Doon ko lang napansin na nakatingin saamin lahat ng kaniyang barkada. Those are his new friends. Ang bilis niya naman magkaron ng friends.

"Hayaan mo sila" sabi niya "Wag ka nga tumingin sa mga 'yon. Kukunin ko lang pagkain ko"

"Napaka OA mo, Charles" sabi ko sa kaniya.

Pero hindi na niya ako narinig dahil tuloy tuloy na siyang tumayo para kuhanin ang pagkain niya. Sabay naman n'on ang pagdating ni Andrew, tumabi siya saakin kaya napa isod ako. He brought me the my order— tapsilog i told specifically that he should choose how the egg was cooked. Medyo pihikan ako sa pagkain.

Hindi ko pa man din nasasabi na sasabay daw kumain saamin si Charles ay sumulpot na siya sa harapan namin. Andrew's forehead was creased when Charles glared at him.

"That's my brother" sabi ko kay Andrew

"Oh.. hello" he said emotionless. And look down on his food. Nagpatuloy siya sa pagkain.

"Nililigawan mo siya?" Tanong ni Charles kay Andrew

"Charles" suway ko

"Hindi. Bakit?" Tanong pabalik ni Andrew

"May gusto ka sa kanya?" Tanong ulit ni Charles

Bago pa man ako makasabat ay sumagot na si Andrew

"Wala. Bakit?" Sagot ni Andrew

Napaawang ang bibig ni Charles. Bakit siya nagugulat? Ganyan din naman ako makipag usap sa kanya.


Lumapit saakin si Charles at bumulong

"Okay na. Convinced na ako na magkaibigan lang kayo"

"Bakit?"

"It's like talking to a duplicate you"

"Huh?" Tanong ko pero nginisian lamang ako ni Charles. Bumalik na ako sa pagkain tahimik lamang kaming kumakaing tatlo nang napansin kong nakatitig samin si Charles.

Constantly Recurring (Perpetually Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon