Chapter 41
"Ayaw ni Papa ng maarte" paalala ko kay Calvin "Pero dapat malinis ang kotse mo at maingat ka sa gamit. Kikilatisin niyan ang bawat galaw mo.. sige ka"
"Opo Mam" he patted my head "Parating na ba siya?"
Tumango ako "Parating na yun.. di ka ba nagugutom Reign?" Tanong ko sa kapatid kong bihis na bihis. Nakakatuwa makita how he looks forward for Papa. Umiling sya at dumeretso ang tingin sa exit ng airport.
"San mo gusto kumain?" Tanong ko kay Yani
"Di kami gutom ate" deretso din ang tingin niya sa exit ng airport.
Calvin offered us a ride to the airport. Na hindi ko naman tinanggihan kasi napakamahal ng sakay papuntang airport. Plus kasama ko si Yani at Reign kaya hassle magbyahe. Gusto ko din comfortable si Papa..
But that also means Calvin meeting Papa.. okay lang tho. Sigurado akong magugustuhan ni Papa si Cal but introduction to parents is quite of a big steps for me kaya medyo anxious ako. Pero I promised myself I would be brave for Calvin and step out of my comfort zone.
"Papa!" Tumakbo si Yani nang makita niya si Papa binitawan agad ni Papa ang hawak niya at niyakap nang mahigpit si Yani. Napangiti ako at lumapit din kay Papa at niyakap sila.
"Welcome back Pa" bulong ko. Nilingon ko si Reign na nakatayo lang at nakatingin samin. Hindi siya lumalapit.
Unlike us na nakasama si Papa.. mabibilang mo lang sa kamay kung ilang beses nakasama ni Reign si Papa. Hindi siya close dito... hindi niya alam kung paano siya i approach. Nang mapansin niyang nakatingin kami sa kaniya.. lumapit siya para mag bless kay Papa pero niyakap siya nito. I slowly backed out a little pulling Yani as well because this is their moment.
Nilingon ko si Calvin.. he smiled at me a little but I think he looks nervous?
"Pa" tawag ko kay Papa na kinakausap si Reign "San mo gusto kumain?"
Nilingon ako ni Papa at doon niya lang napansin si Calvin na katabi ko. Tinitigan niya si Calvin. Lumakas ang tibok ng puso ko.
"Driver natin?" Tanong ni Papa habang nakatingin kay Calvin
Rinig ko ang malakas na pag tawa ni Yani. Pinigilan ko ang tawa ko... I bit my lips.
"Boyfriend ko, Pa" sabi ko "Pero opo driver din natin"
"Luh?!!!" Tanong ni Yani "Anong boyfriend?? Kayo na??? Kala ko friendship galore lang?"
Napapikit ang mata ko. Hindi ko nga pala nasasabi pa kay Yani.. nakalimutan ko na sa dami ng nangyari. Medyo nagtagal din kasi si Mama dahil nanghihina pa din siya at under monitor.. sumasailalim din sya sa mga stress test at iba pang lab test.. nagising na siya. She told me na hindi muna niya sasabihin kay Papa yung kay Charles. Ako naman.. bukod sa ako nagpapatakbo sa bahay.. tumutulong ako kay Lola para kay Tita Beng. Id-discharge na din naman si Mama mamaya at makakapunta na siya kay Tita Beng. Makikita na niya din si Papa.
"I'm Calvin po" sabi niya at nag offer ng kamay kay Papa. "Kamusta po? Maayos naman po ang flight n'yo?" Iniscan niya ang buong katawan ni Calvin dahil mas matangkad ito sa kaniya nang kaunti. Matangkad din kasi si Papa.. sa kanya ako nagmana actually.
Tinanggap ni Papa ang kamay niya "Boyfriend ka ng anak ko?" Nakakunot ang noo niya
"Opo" he gave him a small smile
"Luh sila na nga!" Hirit ni Yani
"Tama na 'to. Kain na tayo" I shifted the topic. Kinuha ko ang ilan sa gamit ni Papa. Nagkusa din naman si Calvin kumuha ng ilan sa mga yun. I bit my lips.. ano kaya naiisip ni papa?
BINABASA MO ANG
Constantly Recurring (Perpetually Series #3)
AléatoireCharlotte's past wasn't the best place she have been to. It causes her many emotional damage even though she might've appeared to be robotic at times. She wasn't exactly healed when she met Calvin. The walking yellow guy who always screams sunshine...