35

13 3 1
                                    

Chapter 35

"Pres" pinasa ko sa kanya yung hinihingi niyang list ng students every bloc with their respective student numbers. Tumango lang sya at tinuloy lang ginagawa nya.

I creased my forehead. Problema naman nito?

Nag uusap usap kaming mga representative tungkol sa session or seminar na magaganap sa AVR with the ME nang marinig kong magsalita si Calvin.

"Ms. Secretary paabot kay Rep" sabi ni Calvin

"Sinong Rep?" Janine asked

"1st year" sabi ni Calvin at binalik ang tingin sa ginagawa. Tumingin sakin si Ate Secretary at medyo kumunot ang noo. Pati ako napakunot ang noo. Ang lapit lang naman namin.. tsaka bakit Rep na ang tawag nya sakin? Anong problema nito?

"Galit ba sayo?" Tanong sakin ni Ms. Secretary.

I shrugged and received the document... indicated dun ang list ng mga wala pang org fee at walang information sa office such as alma matter etc.. pero bakit di niya na lang i direkta sakin? Pede naman sya magsabi nun?

Anong problema naman ngayon ni Calvin?

Hindi ko napapansin kung may nagawa ako kasi busy naman ako these past few days. Gumagawa ako ng mga requirements at busy din ako kay Jade dahil sa guest room namin siya tutuloy ngayon.

"Jade is freaking out" Sabi sakin ni Charles "She wants to stay somewhere else.. ayaw niya malapit sa ospital na yun"

"Did she tell you why?" Tanong ko

He sighed "Sabi niya she'll tell me once I got her out there"

Napaisip ako "San naman kaya pede mag stay? We don't have that much of resources"

"Hindi ko na alam Charlotte" Sabi ni Charles. Nag freak out naman ako nung nag hilamos sya ng muka.

"Why don't we let her stay muna sa buhay?" Tanong ko "Wala si Mama ng isang linggo.. sabihin nalang natin na kaibigan ko si Jade if ever umuwi si Mama o ano man"

And so we did...

Today.. susunduin nila ako sa parking lot gamit ang kotse ni Andrew. Para mag appear na galing kaming school. I even got Jade to wear my uniform. Almost same body frame kami kaya lang mas payat siya... hindi pa din halata ang bump nya hanggang ngayon. 13 weeks na syang buntis... halos patapos na ang trimester nya pero dahil ata sa genes ay hindi talaga halata yung bump nya.

"Ilang araw lang naman.. sabihin natin na may personal problems si Jade tinutukungan natin kaya di makapasok" sabi ni Charles sa shotgun seat. Nasa passenger seat kaming dalwa ni Jade habang si Andrew obviously ay nasa driver's seat.

"Pano pag nakichismis si Yani?" Tanong ko "Anong sasabihin kong problema ni Jade?"

"Sabihin mo namatay tatay nya" sabi ni Andrew

"Gago ka" hinampas ko siya nang bahagya

"That will do" sabi ni Jade. Nanlaki ang mata ko... gaga din 'to! Ganun na ba talaga sya ka eager magtago?

"Sabihin mo nag drop sya ganun dahil family problems" sabi ni Charles. Tumango ako. Bahala na.. mas madali ang ganitong set up. Mas madaling makakatakas si Charles sa loob ng bahay kesa sa palipat lipat pa.. less hassle less pagod for a few days.

Naging sobrang busy ako sa requirements these past few days and I'm just practically surviving. Kaya nagtaka din ako sa treatment sakin ni Cal.. bakit ganun yun? May nagawa ba akong masama?

Constantly Recurring (Perpetually Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon