Chapter 30
"Asan si Kuya?" Tanong ni Yani.
I shrugged.
Di ko alam. Di ko na alam
"Si Kuya pa-alis alis. Kulang nalang iisipin ko si Kuya Andrew na talaga yung Kuya ko tapos si Kuya Charles yung visitor"
Malakas ang kutob kong may kakaibang nangyayari kay Charles. Hinihintay ko nalang na siya yung magsabi sakin.
Pinatulog ko na ang mga kapatid ko dahil mukang di uuwi si Mama. Sinabi ko na nandito si Charles kahit wala pa siya. Looks like I'm gonna save my twin's ass for a long time. I hate lying to Mama but I want Charles to take his time sa kung ano mang pinagdadaanan nya.
Hindi ako natulog. Inabangan ko si Charles sa sala.
"Pucha" kita ko ang pagkagulat ni Charles n'ong nakita n'ya ako.
"San ka galing?"
"Barkada" sabi niya
"Hindi ka nag inom?" Kasi hindi siya amoy alak or hindi siya lasing
"Kwentuhan lang" sabi niya
"Hanngang 1 AM?" Tanong ko
"Pwede ba Charlotte, pagod ako"
Paakyat na sya sana hagdan nang magsalita ako.
"Nabayaran ko na ang utang mo kay Andrew"
I felt that he froze.
"Sinabi n'ya sayo?" Tanong nya
"No" sabi ko "I heard you two talk. Hanggang ngayong di ko parin alam ang nangyayari sayo. But you should. You should tell me. Tell me what's going on with you"
Napahilamos sya sa muka "Pucha naman Cha" napa-upo siya sa hagdan "Utang ko yun! Bakit mo naman binayaran?"
"You need my help" His teary eyes locked on mine "You need a hand, Charles"
I saw how his tears flow. Napako ang tingin ko sa mabilis n'yang pag tiklop.
"Just tell me, Charles" sabi ko "You don't need to pay. I'll help you. Magkapatid tayo"
Then he broke down. He cried so hard. I never seen this before. But I know this is a huge deal. I know that he's suffering a lot.
"This is exactly what I was avoiding, Charlotte" he said
"What?"
"You, saving my ass" he wiped his tears "8 AM tomorrow. Magbihis ka. I'll bring you there"
Supposedly, mag gagawa ako ng activities para sa Calculus dahil first week of class palang, may mga gawain na. Pero dahil nababahala ako sa nangyayari kay Charles, mas pipiliin ko nalang siguro muna dito sa kambal ko. Kaya naman i-rush yung activity.
Hindi halos ako nakatulog. I put on sunscreen first thing in the morning. Ni hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya nagpakasafe nalang sa ko sa suot kong t-shirt at pantalon.
7:30 palang ay rinig ko na ang katok ni Charles. Mukang malumanay nga talaga siya pag salubong niya sakin.
"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.
"Oo" sabi niya "Susunduin tayo ni Andrew"
Kilala ko si Charles. And I've never seen him this tired before. He's always that happy go lucky slash annoying guy but he's very kind and positive. Kaya I could tell na he's really struggling. He couldn't even hide it anymore. Naaawa ako na naiinis sa kaniya pero ayoko muna pangunahan ng emosyon hanggang hindi ko pa nac-confirm yung dahilan.
BINABASA MO ANG
Constantly Recurring (Perpetually Series #3)
RandomCharlotte's past wasn't the best place she have been to. It causes her many emotional damage even though she might've appeared to be robotic at times. She wasn't exactly healed when she met Calvin. The walking yellow guy who always screams sunshine...