43

13 4 1
                                    

Chapter 43

Hindi ako mapakali pero pinilit ko. Unang exams namin  ang mga Gen-Ed subjects pero dito lang din kami sa room namin sa Palean mag eexam buong maghapon. Si Calvin sa Valero Hall siya nage-exam tapos si Andrew... sa tabi lang ng room namin.

Si Charles?

Bullshit. I closed my eyes out of frustration when I remembered our conversation.

"Tinawagan na namin yung Hotel. Andun pa naman daw si Jade.. stop being paranoid Charles baka nasira lang ang phone" pinagsabihan ko siya.

"Still.. I wanna go there" Charles said "Hindi matahimik ang kaluluwa ko Cha.. I need to go there"

"Charles finals natin yun!" Sabi ko "Hindi ba usapan natin na hindi mo papabayaan ang pag aaral mo?"

"Cha.. please" sabi niya "Kahit bago mag finals.. babalik na lang ako bago mag finals"

"So hindi kana mag aaral? Ibabagsak mo pa din either way"

"I'm sorry Charlotte" He stood up and walked away. After nun.. hindi siya umuwi ng gabi kaya agad ko siyang hinanap. Not hard to find him tho, he was just on Jade's newly purchased apartment. Alam ko agad kasi nakrinig ako ng nagpupukpok na martilyo sa kwarto. Thankfully may susi ako kaya napuntahan ko agad siya

"Anong ginagawa mo?" He's repairing something from the bedroom. Malamang e rinig nya na ang pagdating ko kaya di sya nagulat.

"Inaayos ko na ang kwarto ng anak ko" sabi niya. There were ladders and paint.. binuksan ko ang ilaw kasi naka flash light lang sya.. the room is colored mint green. Na set up na pala niya ang crib na bigay ni Calvin. Inaayos naman nya yung baby drawer.

"Hindi parin ako tinatawagan ni Jade.. Cha" sabi niya. Nagulat ako sa bigla niyang pag iyak kaya nag panic ako. Lumapit ako at umupo sa sahig kagaya niya.

Hindi ko rin siya natiis nung oras na yon at hindi siya kinontra sa pag punta sa Dubai. Supposedly, mamayang gabi pa ang uwi niya kaya abot sya sa mga major exams pero di na sya makakaabot sa Gen Ed.

Ni hindi alam ni Mama kung nasan siya. Alam niya na nakakatulog siya sa pag aayos ng bagong apartment ni Jade. Pinepressure na siya ni Mama makita si Jade kaya ipit na ipit si Charles.


"Nakapag exam ka nang ayos?" Tanong ni Andrew. Siya parin ang kasama ko parati sa lunch kahit naging kami na ni Calvin dahil hindi naman palaging tugma ang schedule namin.. besides, Calvin is super busy inside the university.

"Oo" kinuha ko ang tubig niya at ininom yun. Normally magr-reklamo na yan sya pero hindi niya magawa ngayon. Alam niya ang sitwasyon ko.

"Bukas na ang birthday n'yo, uuwi yun" sabi niya "Focus ka muna sa exams Charlotte. He'll come back home later and watch Harry Potter with you"

But he didn't.

Napalunok ako and play Harry Potter as I approached my birthday alone. For the first time in many many years, he's not with me. Hindi namin sinasalubong ang 20th birthday namin nang magkasama kagaya ng nakasanayan.

But I guess this is what adulting means.

I heard the gate opened so I stood up to see if it is Charles. To my surprise, it was Calvin... holding a bouquet of flower and a box I guess is a cake. I smiled a little and sighed as he approached me.

"Charles specifically asked me to watch Harry Potter with you if he couldn't make it" sabi niya "Sabi niya, if he's not around, I should never let you be alone if you watch Harry Potter. Or I should never let you be alone at all on our birthday since he's not gonna be around always as the years pass by. But I should, I should always be around"

Constantly Recurring (Perpetually Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon