Chapter 31
"Sinong representative ng bloc n'yo?" Our Chem Prof asked. Nag tinginan ang lahat. Wala pang naa-assign ang org namin. Bukas pa daw ang meeting.
"Wala pa po sir" One of my blocmates answered
"Hmm" sabi n'ya "Kailangan ko kasi ng magc-collect ng seat-work mamayang 2 PM"
Tahimik ang lahat
"Miss Fuente?" Nabuhayan ako bigla "Ikaw muna representative ng block n'yo. Collect the papers, okay? Dismissed"
Ang pinakamahirap sa first 2 weeks of school na wala pa kayong ideya tungkol sa isa't isa, kailangan mo panindigan yung mga inatas sayo. If ikaw ang pinaka unang napag utusan mag lead, ikaw na uli sa susunod. Hanggang sa sunod pa. Kasi ikaw lang ang makikita nila. Ikaw na ang iv-volunteer nila sa lahat kasi ikaw yung nauna mag lead.
Napapikit ako nang i-boto ako ng lahat bilang official na 1st year representative ng PICE ngayong meeting ng Presidents sa bawat bloc. Bakit ako binoto nila? Pwede namang si Andrew. Ayaw ba nila sa taga ENS 1-1?
Tumingin ako sa nag-o-officiate ng meeting. 3rd year siya na secretary ng org. She was congratulating me. It was very awkward.
Tumingin din ako sa lahat ng officers sa likod niya at pinako ko ang tingin ko sa President.
Calvin, our org president, is plainly looking at me. No congratulatory face at all. Tinaasan ko siya ng kilay. Wala akong time sa mga pagsusungit n'ya. Mainit ang ulo 'ko. Wala parin akong mahanap na part time para kay Charles.
Nag iwas ng tingin si Calvin "Room 5C. Meeting tayo"
Pano na ako makakahanap ng part time kung active ako sa org? Mag quit kaya ako? Tama. Hindi ko kaya ang responsibilidad.
The officers were very friendly. They were talking to me the whole time we're walking towards the room 5C. Hindi nila ako ino-OP kahit ang tipid ko sumagot.
"Bakit kaya ang sungit kanina ni Pres CA? Ngayon ko lang nakita na ganun yun" sabi nung Auditor
"Baka nainitan sa room. Ang init sa room kanina nila Rep e" tumingin yung Vice President for Internal Affairs sakin. Actually, tatlo lang ata kaming babae. Yung secretary, auditor at ako. The rest puro lalaki na. Dahil nga siguro puro lalaki naman population sa engineering
"Huwag ka mag alala Rep, mabait si Pres CA. Sobra. Kaya wag ka kabahan dun" sabi nung VP for External Affairs.
"Hindi ako takot sa kanya" sabi ko. Natahimik silang lahat at nag ngisian.
"Tamah energy, Rep" sabi ni Auditor at kumindat.
Nakarating na kami sa Room 5C. Hindi siya classroom. Parang quarters siya ng PICE-GVC or Philippine Institute of Civil Engineering- Green Valleys Chapter. Meron din mga computer at mga ref. May ilang chairs pero halatang for meeting lang.
"Any concerns before we start?" Calvin asked as we settled down.
I raised my hand. Nagtinginan silang lahat sakin. Ramdam ko ang gulat ni Calvin pero tinanggal niya agad yun.
"Yes, Charlotte?"
Kinalibutan ako sa pagtawag n'ya sakin ng pangalan 'ko. Nakalimutan niya na ata na nasa org kami. Nagtinginan tuloy lahat sa kaniya at sakin. Ang weird n'ya kasi.
"I would like to quit" sabi ko
Naibuga ni VP ang iniinom nya at lahat sila ay nagugulat na napatingin sakin. Kahit si Calvin ay bahagyang nanlaki ang mata. Wala pa akong isang oras sa posisyon pero magq-quit na ako.
BINABASA MO ANG
Constantly Recurring (Perpetually Series #3)
RandomCharlotte's past wasn't the best place she have been to. It causes her many emotional damage even though she might've appeared to be robotic at times. She wasn't exactly healed when she met Calvin. The walking yellow guy who always screams sunshine...