Chapter 3:

1.1K 52 7
                                    

Chapter 3:

=Sephora=

Sandali akong lumabas ng kwarto ni lady Solace at dali-daling pumunta sa kwarto ko para magsulat ng isang liham para sa mangkukulam na hiningan ng tulong ni lady Solace noong nakakaalala pa siya.

Kagalang-galang na mangkukulam ng bayan ng Laraline,

Kinagagalak kong ibalita sa iyo na gising na si Lady Solace mula sa tatlong araw na pagkakahimbing magmula ng gawin niyo ang ritwal. Ngunit sa kung anong kadahilanan ay nawala ng parang bula ang kanyang mga alaala. Nawa'y matulungan niyo ako sa suliranin kong ito.

Lady-in-waiting of Lady Averianna Solace Knightingale,
Sephora Matilson

Pumito ako ng isang beses bago ko binigay sa lumapit na kalapati ang liham na aking ginawa.

"Nawa'y ligtas mong maibigay ang liham na yan, kaibigan.."

=Avery=

Ilang araw na din akong nandito at dahil wala naman akong ginagawa sa loob ng bahay na to ay pinakuwento ko kay Sephora ang lahat na nandito sa mundo nila. And here I thought I was transmigrated in another ordinary world with the monarch empire pero para atang mababaliw na ako ng marinig kong may mga majika ang mga tao dito.

I mean, what the hell? Paanong may magic? Walang magic! Science is the true magic that lies beyond the horizon. It is the future of each and every one of us!

Pero para ata akong napanghinaan ng loob ng mabasa ko sa libro ang history ng mundong to--na nagpapatunay na totoo nga ang magic. And I even discovered that I have one. It would have been so cool if I have the coolest magic in the whole empire but I don't! I can only fucking control some flowers! That's my power!

"Fucking flowers.." inis kong bulong bago itinapat sa lupa ang kamay ko. From the ground a small plant grew until it fully grow to a beautiful blue rose. I carefully pick the rose avoiding the thorns and the familiar sweet scent of a rose filled my nose making me smile a bit.

Buti na lang talaga at tinuruan ako ni Sephora kung paano gamitin ang powers ko. Although kailangan pa ng mana para successful mong mailabas ang powers mo ay okay na din sakin yun. Kinakailangan mo ding sanayin ang katawan mo sa mga physical activuties para kakayanin nitong lumabas ang malaking mana at dahil tinatamad talaga ako nitong mga nakaraang araw ay wala na akong ibang ginagawa kundi ang pagmasdan ang paligid ng bahay ng mga Knightingale. At ang resulta ay heto, hindi ko kayang maglabas ng maraming bulalak kaya pa isa-isa lang muna.

"My lady, hindi pa rin po ba kayo magsasanay?" mula sa pagkakasandal sa upuan dito sa may gazebo sa garden ay idinekwatro ko ang mga paa ko saka ko tiningnan si Sephora.

"Para saan?"

"M-my lady.." parang tanga na naman si Sephora na itataas ang kamay at ibaba din naman. Ano bang gusto nito? "M-my lady, please refrain yourself from sitting like that." pahina ng pahina pa ang boses niya pero rinig ko pa rin naman. Ang kaso nakakatamad umupo na parang babae! Gusto ko nakadekwatro! Kaya hindi ko na lang pinansin si Sephora saka ulit siya tinanong kung para saan ang pagsasanay na yun.

"My lady, kinakailangan niyo po kasing pumasok sa sikat na paaralan sa central city dahil required po yun sa lahat na may edad na labinlima hanggang dalawampo." tinaas ko ang kamay ko para saglit siyang patigilin at sinunod naman niya ito.

"labinlima hanggang dalawampo? Edi kasama ka?" malungkot naman itong umiling sakin na siyang ipinagtaka ko. "Bakit?"

"Ang mga kagaya ko po kasing salat sa buhay ay kinakailangang magtrabaho at isa pa po, hindi po sila tumatanggap ng ordinaryong mamamayan." parang lugmok na lugmok pa si Sephora ng sabihin niyang ordinaryong mamamayan lang siya.

Paper CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon