Chapter 16:

613 44 4
                                    


(A/n: Please be aware of the TIMELINE of the story. It might get a little confusing. Kamsamnida!💖💖)



"The supreme art of war is to subdue the enemy without fighting..."
-Sun Tzu


Chapter 16:


Nakalinya kaming lumabas ng basement. Ako ang nasa pinaka-unahan habang nakalinya naman sila sa likuran ko. Umakyat kaming lahat sa may hagdanan. Hindi pa man kami tuluyang nakakalabas ay may narinig kaming mga boses sa labas.  I motion them to stop and gladly, they all followed.


"Sinabi ko naman sa'yo, may narinig nga ako!"


"Eh bakit ako wala?!"


"Bingi ka kasi!"


"Aba't tarantado ka, ah?!" magsusuntukan pa ata sila sa may labas. May dalawang bantay pa pala sa labas ng basement at may iilan pa'ng nasa labas ng bahay.


Nakatayo lang ako sa harap ng pinto habang nag-iisip ng dapat kong gawin. This is much harder than I thought. I imagine that I will be like iron man or superman and will smash them one by one like how I saw it on tv. But then again, I am still weak. I need to accept the fact that I can't fight with fifty bulky men who looks like experts in their own weapons. I might end up as a dead cat being rolled down by a ten wheeler truck. Smashed and flattened out.


Nagtaka ako ng may marinig akong mabilis na yabag na para bang may tumatakbo papalapit sa kanila. Nilapit ko na talaga ang tenga ko sa may pintuan para marinig kung anong nangyayari. Para kasing may kumosyon na nangyayari sa labas.


"Mga t-tol. Inaatake tayo!" I can hear the three guys panicking outside. Nagpapalitan na sila nang argumento kung anong dapat nilang gawin.


"Tumakas na lang tayo!" boy 1

"Anong tumakas? Gusto mong malagot kay boss? Alam mo namang walang nakakatakas sa kaniya diba?" boy 2


"Tingnan niyo na lang ang mga babae sa loob!" boy 3


"Tangina. Tumakas na lang kasi tayo!" boy 1


"Duwag ka ba?! Bakit ka ba nandito kung duwag ka naman pala?!" boy 3


This is the perfect opportunity! Kung sino mang Pontio Pilatong umaatake sa kanila ay napaka perfect ng timing niya!  This is the time where the kidnappers will be busy dealing with the intruder and they will be too busy to check on us!


Bigla kong binuksan ang pintuan startling the three kidnappers. Hindi pa sila nakakahulma ng bigla kong sinipa ang malapit sakin. Agad ko itong sinakal gamit ang latigong nasa kamay ko. Naramdaman kong may papunta sa likuran ko kaya sinipa ko ito ng patalikod habang hindi pa rin binibitiwan ang namumuti ng lalaki. Nagulat ako ng bigla na lang nitong hawakan ang latigo na nasa leeg niya saka ito hinatak ng malakas. Sinalubong niya ako ng suntok sa mukha kaya napaatras ako ng ilang hakbang. Hindi ko pa rin binibitawan ang hawak kong latigo kaya ako naman ang humatak nito para mas maging mahigpit pa ito sa paligid ng leeg niya. Nanlalaban pa din ito at nagkakakawag na para bang isda na inalis sa tubig. Hinatak ko ang latigo palapit sakin saka siya sinalubong ng malakas na tuhod sa sikmura. Hindi pa ako nakuntento at hinawakan ko gamit ang dalawang kamay ang likod ng kanyang leeg siya paulit-ulit na tinuhod. Tumigil lang ako ng nagdudugo na ang ilong niya at ang kaninang nakahawak saking kamay niya ay nasa magkabilang gilid niya na. Pinilipit ko ang leeg niya saka siya hinayaang bumagsak sa lupa. Pinulot ko ang latigong nabitawan Lo kanina saka binalingan ng tingin ang mga kasama. Nagulat pa ako ng pagtulungan ng mga kasama kong babae ang dalawang lalaki. May humahampas sa kanila ng kahoy at meron ding sumasampal sa kanila. Meron pang sumampa sa likod ng isang lalaki saka siya kinagat sa may tenga.


Paper CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon