"Difficulty is the excuse history never accepts..."
-Edward R. MurrowChapter 33:
=Avery=
"Anong sabi mo?!" walang pakundangan kong sinakmal ang kwelyo ng kawal na kaharap habang parehong nanlilisik at nagbabaga sa sobrang galit ang parehong mga mata. Galit hindi para sa kanya kundi sa mga taong gumawa noon kay Charlotte.
Big and prickly thorns started to appear from where I stand. It started to grow rapidly hanggang sa wala ng ibang nagawa pa si Prinsipe Frederick kundi ang ilayo ako sa kawawang kawal na yun.
"Lady Solace!" he shouted at my face dahilan para saglit akong matauhan sa ginawa ko. Malamig kong tiningnan ang kawal na kaharap kanina.
"Pasensya na." ilang beses akong huminga ng malalim para lamang pakalmahin ang sarili ko. Napapasuklay na lamang ako sa buhok ko dahil sa sobrang prustrasyon. Tang-ina. Tama naman ang pagkakarinig ko diba? Sinabi niyang naputol ang braso ng nakita nilang babae diba? "Saang ospital?" ulit ko pang tanong dito.
"S-sa Central Ruhan Hospital, L-lady.." hindi ko alam kung saan yung putanginang ospital na yan pero automatic na lamang na tumakbo ang mga mata ko. Hindi na ako nagulat pa ng makitang kasabay ko sa pagtakbo si Prince Frederick.
We run straight ahead and went to a lot of alleys and street. Mabuti na lang at sinisigaw ni Prince Frederick ang dapat kong dadaanan. Kakaliwa at kakanan. Nakakahilo pero hindi ko na iyon inalintana pa. Nang makita ko na ang natatanging puting gusali sa gitna ng iba pang mga gusali ay hindi na ako nag-atubili pang pumasok sa loob. Agad akong pumunta sa babaeng nasa front desk ng ospital.
"Saan dinala yung babaeng nakita sa Central City?" habang habol ang hininga ay sinikap ko paring magsalita at magtanong sa kanya. Saglit pa itong nataranta ng makita ang Prinsipe ng Kaharian ng Hamia. Nagbigay galang ito sa harapan ni Prince Frederick bagay na hindi naman na pinansin pa ng prinsipe.
"Doon po." may tinuro itong pintuan di kalayuan samin. Double door ang tinuro niyang pintuan at pareho itong bukas. Dire-diretso akong pumunta doon. Nilibot ko ang paningin ko sa buong silid umaasang makita si Charlotte. Maraming tao ang sugatan. Parang tipikal lang na ospital tulad sa Earth noon.
Bahagyang nangunot ang noo ko ng makita ang ta-tatlong doktor kasama na ang iilang nurses na nakatipon sa isang kama. Sinubukan kong makisilip kung sino ang tinitingnan nila. Gaano ba ito kaseryoso at ta-tatlong doktor ang kailangang gumamot sa kanya.
"The patient lose a lot of blood, sir. We might need a Hearian Herb for her. She has some burns, a fractured leg, bruises, lacerations and the worst is a dismembered arm." nang marinig ang sinabi ng isa pang doktor sa kasama nito ay hindi na ako nag-atubili pang itulak ang nurse na nasa harapan ko. Nang makita ang sitwasyon na kinaroroonan ng babaeng halos nagkulay dugo na ang balat ay para akong pinanghinaan ng tuhod. Mas lumapit pa ako sa kaniya saka ko dahan-dahang hinawi ang buhok na nakatakip sa mukha niya.
Dahan-dahang tumulo ang mga luha sa mata ko ng makita ang halos puno ng pasa, sugat at paso na mukha ni Charlotte. Ang dating mapula-pula nitong balat ay parang kasing kulay na ng papel ngayon.
"C-charlotte.." habang pinupuno ng luha ang mga mata ko ay mas tinatak ko pa sa isipan at puso ko ang bawat sugat niya sa katawan. Para akong tanga na gustong hawakan siya pero dahil sa sobrang takot ko na masaktan pa siya lalo ay agad ko din itong binabawi. Parang sinisilaban ang dibdib ko kasabay ng pagdagdag ng bigat sa loob ko.
I gently touched her hair while I continue to stare at her face. Nang dumako ang paningin ko sa braso niyang mayroong benda ay mas lalong na lamang lumakas ang naging pag-iyak ko.

BINABASA MO ANG
Paper Crown
FantasyAvery Dela Cruz. Averianna Solace Stoneheild Wilson. Two different souls that lives in two different world. One is from the world where science is the true magic that lies and sees beyond the horizon and the other where magics and power truly exist...