Chapter 10:

795 39 7
                                    

"Only the dead have seen the end of war.."
-George Santayana, 1922

Chapter 10:

One week later...

"My lady.. My lady wake up." bigla akong mapabalikwas ng bangon ng maramdaman ang pag-uga ng karwahe. Nabangga pa yun ulo ko sa loob ng karwahe. Hindi naman kasi malaki ang loob nito. Tsk.

"Oo gising na." Tang-ina mo po. Bakit kailangan niyo pang igalaw yung karwahe? Gusto ko pang idagdag yan pero napagdesisyonan kong wag na lang dahil hindi ko naman tao yan. Tinulungan na nga ako tapos mumurahin ko pa? Tsk. Mananahimik na lang ako.

Kinuha ko ang dalawang bagahe sa loob ng karwahe ng makababa na ako mula dito. I was greeted by the morning sunlight and the peaceful sounds of birds singing their own song of joys. I didn't get the chance to see the whole empire because I was asleep during the whole travel. I got no choice. I've got nothing to do with anyway.

Nang bumaba din ang prinsipe ng Hamia ay nag-bow kaming tatlo dito tanda ng pagsasalamat namin sa kanya. Hindi na ako nagsalita dahil alam ko namang ang dalawang kasama ko na ang bahala doon. At hindi nga ako nagkamali.

"We will remember the kindness you have shown to us, your highness. We will forever be indebted to you." hindi ko na pinakinggan pa ang kaplastikan nilang magkapatid at mas binigyan pansin ang kinatitirikang lupa ng paaralan. May malaking gate ang nasa harapan namin ngayon at may nakakasabay pa kaming iilang nobles na nagbibigay galang din kay Prinsipe Frederick. Hindi pa kita ang loob dahil sarado pa ang gate pero sa sobrang laki ng skwelahan hindi ko na makita pa ang dulo ng pader na nakapalibot dito. Maliban pa doon nabasa ko talaga sa isang libro na malawak talaga ang paaralang ito sa Ruhan dahil dito nag-aaral ang lahat ng mga nobles kasama na ang mga prinsipe at ang susunod na magiging hari ng mga kaharian sa imperyo.

Nagsimula na kaming pumasok sa loob ng umalis na ang mahal na prinsipe kasama ang sangkatutak niyang bantay. Nung una nga nagulat pa akona sobrang dami niyang kasama. Siya lang naman ang kasabay namin pero nasa isang daan o mahigit pa ang bantay niya pero then again, crown prince siya ng Hamia kaya siguro natural lang ang ganoon.

Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ay hindi ko na maisara ang bibig ko dahil sa sobrang paghanga sa eskwelahan. Pagkapasok mo lang sa loob ay para ka nang nasa Greece dahil sa malalaking column na siyang pundasyon ng buildings dito sa loob ng skwelahan. Tantya ko ay ang main building na ang kaharap namin ngayon dahil doble pa ang laki nito kesa sa ibang building na nakapalibot dito. May anim itong corinthian column sa harap at para itong templo na kulay puti. Kahit saan ko ibaling ang tingin ko ay para akong nasa Greece. Ganitong-ganito ang nakikita ko sa mga movies eh.

Nagsimula ng maglakad ang lahat ng mga kasama ko kaya sumama na lang ako sa kanila.

Saan ba kami pupunta?

Mahaba-habang lakaran din ang nangyari kaya medyo nanakit na ang paa ko. Pinasuot ako ni Sephora ng sandal na may takong pero dahil wala naman siya ay mas pinili kong magtsinelas tutal hindi naman nakikita ng mga tao dito dahil abot hanggang sahig naman ang damit ko. Tumigil kami ng mapansin kong nasa loob kami ng isang building at nasa isang malaking silid na kami.

Kelan pa kami pumasok sa isang building?

Everyone was talking in a small voice and it was like a formal gathering if you are only in my position. Nobles are in groups and elegantly talks to their peers avoiding some nobles that they don't want to be acquainted.  Tumahimik ang lahat ng may pumasok na babaeng nakasuot ng puting bestida na abot hanggang tuhod at may suot itong gladiator sandal. A thin gold belt was around her waist and gold bracelets around her wrists. She looks like she's in her 30's but she looks so elegant and strict standing in front.

Ganyan ba ang damit nila dito? Cool. Greece talaga mula sa architecture papunta sa damit. Could it be possible that they only copied it to that country or is it the opposite? Nah. I don't think so. Maybe its a coincidence.

(A/n: Lady Branwen is wearing the dress on top 👆

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(A/n: Lady Branwen is wearing the dress on top 👆. Just imagine that she's wearing a gladiator sandals. Thankies! 💖)


"A wonderful morning, lords and lady's from different kingdoms. I am Lady Antebellum Branwen from the House of Branwen in the land of Avis." I have read her last name from a book before. I was actually familiarizing the famous clan names so that I can make some connections here in this world in case of emergency. Her family is actually the most trusted aide of the emperor as of the moment. They have been labeled as the most influential family next to the emperor's and royal's. I remembered that the current head of the family is the Duke of Avis and it is said to be the royal advisor of the emperor. "The day after tomorrow will be the official start of the classes. Lords from different household will be trained from military strategies and war while the ladies will be trained from embroidery to household rules and etiquette while both will be trained with their own magic."

Ano daw? Embroidery? Tsaka household etiquette? Anong tingin nila samin magiging housewife na lang forever? Bakit walang military ang physical classes ang mga babae?

It was obvious as hell that they are degrading the women when it comes to physical combat that's why ang hawak lang naming mahika ang ituturo nila.

Tsk. Akala ko masaya ang magiging buhay estudyante ko dito. Paano na ang page-espada ko nito? Nangako ako kay Mang Julyo na hindi ko ito titigilan at mas lalo ko pa itong pag-iigihan. Gusto ko ring matutong gumamit ng pana. Ito na ba yung dream school ni Sephora? Tsk.

"School dormitories of lords and ladies will be different as well as the classrooms. Formal events will be held in the Grand Hall while some events will be held in the colliseum. Each one of you will be given your map and key to your assigned rooms and you are all free to go." pinapila kami ng kasama ni Lady Brawen para kumuha ng mapa at maibigay ang kanya-kanya naming susi. Nang makuha ko na ang susi ko ay tiningnan ko ang mapa papuntang girls dormitory dahil nabibigatan na ako sa hawak kong bagahe. Ilalagay ko na muna to doon bago ko hahanapin ang canteen o cafeteria o kainan nila dito para makakain na ako dahil kanina pa ako nagugutom.

Sinunod ko lang ang mapa ng mapansin kong may iilang akong nakakasabay na papunta din dormitoryo.

Nang marating ang gusali ay agad akong pumasok saka ko tiningnan ang key chain na nakasabit sa susi. Kahoy siya na parihaba at may nakasulat na 304. Ibig sabihin third floor fourth room. Yun ang kwarto.

I arrive safely to my room and before getting in I knock first bago ako tuluyang pumasok. Sabi ng babaeng nagbibigay ng susi namin. Dalawang studyante kada kwarto kaya gustuhin ko man o hindi may roommate ako. Nasa loob na din daw ang magiging skedyul namin kasama ang magiging uniporme namin.

"Hello? Anybody here?" ng wala akong marinig na sagot ay binuksan ko ang pintuan na una kong nakita. The room contains a white bed, one study table, a cabinet and a small book shelf. Is this my room?

Pumasok ako sa loob ng kwarto saka ko pabalya na binagsak ang dalawang bagahe na bitbit ko bago ito sinipa sa ilalim ng kama. Ano pang silbi ng kabinet kung pwede ilagay ang gamit ko sa ilalim ng kama?

Humilata ako sa kama at tiningnan ko ang kulay puti kong kisame. Sana naman maging maayos ang buhay ko dito.



--
archangel_dina

Paper CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon