"Lovers quarrel? Quarrel, yes.. but we were never been
lovers.."
-AveryChapter 51:
=Avery=
"Inaasahan ko ang pakikiisa mo." pormal kong saad saka inilahad sa harap niya ang kamay ko. Tinanggap naman ito ni Bu'lak habang bakas sa mukha nito ang hindi pagsang-ayon. Well, may magagawa pa ba siya? Eh kasunduan na namin ito ni Áma bago pa man siya maging pinuno. Haayst. Naalala ko na naman si Áma. Ni hindi ko man lang napansin na isa pala siyang spirit guardian. He was living his life and he even became the leader and yet he's not even human in the first place! And I'm glad he chose me to be his master.
"Just contact us, Your Highness. Help will surely come your way." isang tango lang ang isinagot ko dito bago ako umalis sa dating bahay ni Áma. Unti-unti nang inaayos ng mga ka-tribo nila ang mga nasira ng dahil sa nangyari. I can see them helping each other out with all the things they do. Kahit na halatang malungkot ang halos lahat sa kanila ay hindi nila iyon pinahalata at pinagpatuloy ang kanya-kanyang ginagawa. Nadatnan kong naghihintay sa labas si Denise at Mang Julyo. Naglakad ako palapit sa kanila bago sila tinawag.
"Denise.." Denise looked at me before bowing. Ganoon din ang ginawa ni Mang Julyo. "We'll proceed to what we had planned." ilang segundo kaming nagtitigan ni Denise bago ito sumang-ayon sakin. Both of them started to walk away towards their comrades that's holding a rope around the nose of a galoot. Nang marating ng dalawa ang puwesto nila ay tumingin muna sila sakin. And when I nodded my head, they started to ride at the back of the galoots before giving me their one last bow. One by one, they all started to sped up leaving me alone in front of the house of the new tribe leader. And when all of them disappeared from my sight, kinuha ko ang isang teleportation stone saka ito nilunok. Napangiwi ako ng wala sa oras bago nagsalita.
"Alexandra's room, Ruhan Imperial Palace." para akong masusuka ng may humila sakin pataas saka ako ibinagsak pagkatapos ng ilang segundo. Mahilo-hilo kong hinawakan saka minasahe ang sintido ko bago huminga ng ilang beses. And thank god bumagsak ako sa kama ni Alexandra na nasobrahan sa lambot! Pagkatapos mawala ng hilo ko ay humiga ako sa kama niya. Ilang beses akong nagpa-ikot ikot sa kama niya.
Ahh. Ang ganda talaga ng kama niya! Tinalo pa yung kama namin na parang kasing tigas na ng semento. Sabagay prinsesa siya habang anak ng baron lang kami.
Tumigil ako sa paikot-ikot ng maisip ko si Augusto at Áma. Kahit na ang kalagayan ni Charlotte ay dumaan din sa isip ko. Am I still doing the right decision? Tama pa ba itong ginagawa ko kahit na may nadamay at may madadamay pang iba? Tsk. Bakit ko pa ba ito iniisip eh nandito na? Wala na akong panahon para umatras. All I need to do is to move forward.
Wala sa oras akong napaupo habang nakaharap sa pader ng kuwarto niya. At nang tumalikod na ako ay saka ko nakita ang isang espada na papalapit sakin. But what odd is, its like it is moving in a slow motion. At parang may sariling utak ang kamay ko dahil bigla nitong kinuha ang dagger na nakatago sa hita ko bago ito humaba at agad na sinangga ang paparating na sandata.
Biglang nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagnga-nga ng bibig ko.
"What.." the dagger transformed into a black sword with two sharp edges. Kahit itim ang kulay nito ay halata ang pagiging matalas nito lalo na't kitang-kita ko ang repleksyon ko dito. Mahaba ang hawakan nito na may disenyo ng crescent moon sa mismong ibabaw ng hawakan nito. A dragon was engraved in the hilt na ramdam na ramdam ko habang hawak-hawak ito. Black veins started to crawl from the sword up to my arms just a few inches below my elbow.

BINABASA MO ANG
Paper Crown
FantasyAvery Dela Cruz. Averianna Solace Stoneheild Wilson. Two different souls that lives in two different world. One is from the world where science is the true magic that lies and sees beyond the horizon and the other where magics and power truly exist...