"History is a vast early warning system."
-Norman CousinsChapter 26:
=Avery=
This is so disappointing. I was so freaking excited about the training earlier pero ngayon na nandito na ako ay nakakadismaya din pala.
"What are you doing, Lady? Start now! You have no time to waste on useless things!" palihim akong napairap sa ere. I started to carry the sand bag and started to run around the training room. Hindi pa man ako nakakaisang ikot ay grabe na ang tagaktak ng pawis ko. Hindi ko tuloy maiwasang mapasimangot. I was thinking about using a weapon on my first day tapos magiging astigin na ako.... pero wala! Totoo pa lang ang kasabihan na kapag nagexpect ka ay madi-disappoint ka.
Ginawa ko yun ng limampung ulit. Pinagpahinga niya lang ako ng ilang minuto at pinatakbo naman habang may suot akong bakal na posas sa parehong paa ko. Para akong pagong habang pinipilit na makausad. Higit tatlumpong kilo ang bigat ng isang posas kaya pakiramdan ko talaga ay maiiwan na ang paa ko.
Huhuhuhu.. This is hell!
--
Halos gumapang na ako palabas ng training room. Mas lalo pa akong pinapahirapan dahil sobrang layo pa ng dorm namin dito!
"Fudge. I feel like I'm about to lose my legs. This is insane! Ang sakit pa ng likod ko tapos pakiramdam ko ay mamatay na ako ng maaga." I continue to rant my frustrations out habang minamassage ang ilang parte ng katawan ko. Sobrang sakit talaga. Sa sobrang sakit gusto ko nalang mag evaporate at maging usok habang buhay.
"We need to train your physical body to strengthen your stamina. Hindi pwedeng lalamya-lamya habang nakikipaglaban." napanguso na lang ako sa sinabi ni Master Haye. Ang sabi niya kasi sakin kanina ay Master Haye na lang daw ang itawag ko sa kanya.
"Bakit niyo ba ako sinasanay?" I was curious and I wanted to know the answer. Kahapon pa ako nagtataka kung bakit ako ang sinasanay nila kung pwede namang iba.
"It was the Headmaster's order. Now, go and rest."
"Paano pa ako makakapahinga kung hindi ko nga kayang igalaw ang sarili ko. Tsk." I whispered to myself. Nagsimula na itong maglakad hanggang sa maiwan na lang akong mag-isa sa training room. I spent fifteen minutes resting my body until I decided to move and rest on my own room. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad palabas. I was holding the wall as a support and stop several times kapag kumikirot na talaga ang katawan ko. Hindi pa ako nakakalayo sa mismong pinagsanayan namin ng bigla na lang may kumuha ng kamay ko sabay lagay nito sa leeg niya. Agad akong napatingin sa kanya and was not surprise to see him helping me.
"Prince Alaric." he carried me in bridal style then slowly, he started to walk towards the girl's dormitory. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" I was plainly asking him. Ni hindi ko na inabala pang alisin ang kamay ko sa leeg niya dahil malaki talagang tulong ang ginagawa niyang pagbubuhat sakin. I even leaned my head on his chest memorizing his strawberry like scent. Ang bango naman nito. Parang ang sarap kainin.
"I am helping you, Lady Solace. I heard from my sister that you are starting your training now and knowing Lord Haye, he won't hesitate to train you the same way he train us even if you are a girl."
Bait naman nito. Concerned ka? Sabagay, tama naman talaga siya. Noong una, minaliit pa niya ako pero pantay naman pala ang trato niya sa lahat ng mga studyante niya.

BINABASA MO ANG
Paper Crown
FantasyAvery Dela Cruz. Averianna Solace Stoneheild Wilson. Two different souls that lives in two different world. One is from the world where science is the true magic that lies and sees beyond the horizon and the other where magics and power truly exist...