"On the day when man told the story of his life to a man, history was born."
-Alfred de VignyChapter 32:
=3rd POV=
Sandaling natahimik ang buong silid na kinalalagyan nilang tatlo hanggang sa napuno ito ng halakhakan ng dalawang lalaki. Nakakabingi at nakakatakot. Yun lamang ang dalawang salitang nangingibabaw kay Charlotte habang patuloy na pinagmamasdan ang walang sawang pag halakhak ng dalawa. Mula sa maingay na paghalakhak ay bumalik ito sa pagiging tahimik. Ang lalaking may hikaw sa ilong at dila na nagngangalang Leo ay galit na galit na naglakad kay Charlotte saka walang pakundangang sinampal ito ng malakas. Nagdulot ito ng panibagong sugat sa mukha ng dalaga at kahit hindi man aminin, mas lalong nadagdagan ang takot na kanyang nararamdaman lalo na sa kasalukuyan niyang sitwasyon.
"Hindi ka pa rin magsasalita? Ha?" napangiwi si Charlotte ng malakas na sinabunutan ni Leo ang buhok nito at pilit na pinatingala ang mukha para magpantay ang kanilang paningin. "Hindi pa rin?!" nagmistula itong bata na hindi na nakuha ang nais na laruan. Gigil na gigil nitong sinasabunutan ang dalaga kasabay ng walang habas na pagdutdot ng sariling kamay sa mga sugat nito sa mukha.
"Ughh." ang mahihinang daing na lamang niya ang maririnig na salita mula sa dalaga. Para na itong papanawan ng ulirat dahil sa dami ng pinagdaanan niya sa kamay ng dalawang nagbabantay sa kanya. Muli pa sana siya nitong sasampalin ng bigla na lamang bumukas ang pintuan sa silid na kanilang kinaroroonan. Pumasok mula sa labas ang isang babaeng naka suot lamang ng bra bilang damit pang-itaas at itim na pantalon sa ilalim. Katulad ng mga lalaking humabol sa kanya ay punong-puno din ng tattoo ang katawan nito kahit na ang magkabilang dibdib nito. Kulay pula ang buhok na nakabuhaghag at meron hinihithit na sigarilyo habang maangas na nakatingin sa kanila.
"Ano yan?" puno ng awtoridad at diin ang pagkakatanong nito na kahit ang dalawang lalaling nagmistulang tigre sa harap ni Charlotte kanina lamang ay parang naging isang tuta. Parehong nakayuko ang mga ulo na parang takot na takot na makasalubong ang mga mata ng bagong dating na babae.
"Boss. Kaibigan daw niya yung pinapahanap niyo." saad ng lalaking nagngangalang Leo. Napataas ang isang kilay ng babae. Nagsimula itong maglakad papunta sa harapan ni Charlotte na wala ng ibang nagawa pa kundi pagmasdan ang babae sa harapan niya habang pilit na pinapatatag ang sarili.
"Talaga?" sinakmal nito gamit ng isang kamay ang kanyang buong panga at pilit itong hinaharap sa kanya. Baon na baon ang matutulis nitong kuko sa balat ni Charlotte na napapangiwi at napapadaing na lamang dahil sa sakit na nararamdaman. "Nasaan siya?" hindi sumagot ni isang salita ang dalaga na labis na nagpainit ng ulo ng bagong dating na lider nila. Buong puwersa niyang sinuntok sa mukha si Charlotte dahilan para tumaob ang nakataling upuan niya. Blood came rushing to her nose and black spots started to fill her vision. She remained strong despite what she's going through holding on to the idea that she needed to do this for the sake of her friend. The two minions went to her para ayusin ang pwesto niya mula sa pagkakataob niya.
"Pilitin niyong magsalita ang hinayupak na yan. Kung ayaw pa rin, pahirapan niyo at itapon sa gitna ng Central City ang katawan."
Charlotte started to get shaken with their threats. She was afraid– more than afraid but she wasn't going to tell them what they wanted to know. Tama nang siya ang nasa ganitong sitwasyon huwag lang madamay ang kaibigan niya.
Until the both of them started to torture her to death. Salitan ang pambubogbog sa kanya habang pinipilit siyang magsalita. Hanggang sa hindi na kinaya ng pasensya ni Leo ang mga nangyayari at kumuha na ito ng mahabang pako at malaking martilyo. Lantang gulay at wala ng lakas para iangat pa ang ulo, hindi na inalintana pa ni Charlotte ang mga susunod pang mangyayari. Sinimulang alisin ng isa pang lalaki ang lubid na nakapakibot sa buong katawan ni Charlotte. Parehong nakasaradong ang mata dahil sa matinding sugat na natatamo ng kanyang katawan, ang tanging naririnig na lamang niya ay ang lamesang hinihila papalapit sa pwesto niya. Nang tuluyan ng maialis ang lubid, kinuha ng isang lalaki ang kamay ni Charlotte saka ito tinuntong sa lamesa. Charlotte who is starting to get the idea of what the two men will do next started to wriggle herself out of their hold.
BINABASA MO ANG
Paper Crown
FantasyAvery Dela Cruz. Averianna Solace Stoneheild Wilson. Two different souls that lives in two different world. One is from the world where science is the true magic that lies and sees beyond the horizon and the other where magics and power truly exist...