Chapter 20:

615 45 10
                                    


"Our greatest glory is not in never falling but in rising every time we fall..."
-Confucius



Chapter 20:





=Charlotte=


Nakangiti ako ng tipid habang mahinhin na pinupunusan ang mukha ni Lady Solace. Apat na araw na ang nakakalipas mula ng mailigtas sila ng mga royalties. Nalaman ko din na dahil sa Prinsesang si Alexandra kaya tumulong ang mga prinsipe at prinsesa. Ilang beses na din bumibisita dito ang prinsesa at may iilan pang noble ladies na sinasabing kasama ni Lady Solace mula sa pagkakadakip noon.


"Lady Charlotte.." agad kong tinigil ang pagpupunas sa mukha ni Lady Solace at agad hinarap si Prince Frederick sabay ng marahan kong pagyuko sa harapan nito. Nagtataka pa rin ako kung bakit bumibisita siya kay Lady Solace eh wala naman siyang nakuwento sa'kin na kaibigan niya ang naturang prinsipe.


"Greetings to his highness, Prince Frederick of Hamia Kingdom." binalik ko ang dating postura saka tuluyan ng hinarap ang prinsipe.


"A beautiful lady like you shouldn't bow and hide your lovely smile, Lady Charlotte." napangiwi na lang ako sa tinuran na yun ng prinsipe. He's always like this. I actually wanted to frown in front of him but he's a prince!


Ngumiti lang ako ng marahan sa sinabi nito. Binalik ko ang pansin kay Lady Solace ng bigla na lang bumukas ng malakas ang pintuan sa silid paggamutan nito.


"Haist! Bakit hindi na lang siya ang pumunta dito? Ako pa talaga ang inaabala! Kainis!" agad akong nagbigay galang kay Princess Alexandra ng lumapit ito sa kama ni Lady Solace. "Apat na araw na pero hindi pa rin siya nagigising. Ilang araw pa ako magpapabalik-balik dito kung ganoon?" marahil ay hindi ako ang kausap ni Princess Alexandra. Hindi ko naman alam kung sino ang tinutukoy niya sa kanyang pahayag. Mas binigyan ko na lang ng pansin si Lady Solace.


Pero parehong tumaas ang balikat ko kasabay ng paglaki ng mga mata ko ng may mapansin ako dito.


"Gumalaw ang daliri niya!" kaagad kong naagaw ang pansin ng prinsipe at prinsesa na nag-uusap sa aking likuran.


"Call the head doctor. Now!"




Pagkatapos dumating ng punong manggamot ay agad niyang sinuri ang kalagayan ni Lady Solace. Umilaw ang parehong palad na nakatapat sa noo ni Lady Solace at may ilang kataga pa itong binanggit.


"Are you sure about what you saw, Lady Charlotte?" tumango ako sa naging tanong ni Prince Frederick at muling binalingan ng tingin ang punong manggamot.


"I am! Nakita ko po talagang gumalaw ang daliri niya Punong Manggamot!"


"Sa ngayon ay hayaan muna natin siyang makapagpahinga pa ng matagal. Hindi biro ang mga sugat na natamo niya. May mga bali din siya sa katawan na siguradong matatagalan bago tuluyang humilom."


May ilang pang binibilin ang punong manggamot ng lahat kami ay nagulat ng bigla na lang bumangon sa kanyang higaan si Lady Solace.


"Aray tang-ina!" lahat kami ay natahimik ng makita naming nakaupo na ito ngayon habang sapo-sapo ang tiyan niyang may malalim na sugat. Ilang minuto pang naging ganoon ang nangyari ng bigla na lang gumalaw at lumapit ang punong manggamot kasabay ng pagtanong niya kay Lady Solace. "T-tubig.."


Agad akong pumunta sa maliit na kusina ng silid paggamutan kasabay ng pagkuha ko ng isang baso ng tubig para kay Lady Solace.


"Uminom po muna kayo, Lady Solace."


Paper CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon