"His familiar gray orbs and white hair only symbolizes one thing— he is a Blood. He is connected to the very same person who killed and massacred my whole family.."
-AveryChapter 52:
=3rd POV=
Ang Imperyo ng Monian ay kilala sa mga produktong alahas nila. May tatlong kaharian ang nasa ilalim nito pero maayos at tahimik ang pamumuhay. They also belong to the Empires you wouldn't want to mess with. From Emperor Edward to his two sons and only daughter. Their family is perfect. Even the Empress are well loved by the Emperor and its citizens. Maayos at mapayapa. At lahat ng iyon ay dahil sa maayos na pamumuno ng kasalukuyang Emperador nito.
At ngayon, kasalukuyan silang nagpupulong tungkol sa nalalapit na kasal ni Prinsesa Monique. Nasa sampung opisyal ang nasa harap ngayon ng Emperador at Emperatris upang ipahayag ang opinyon ukol dito. Lahat sila ay binibigyan ng pagkakataon ng mag-asawa na magsalita na taimtim namang pinapakinggan ng dalawa. Lahat ng mga opisyal ay personal na pinili ng Emperador na may kanya-kanyang katungkulan din sa kanilang Imperyo. Ang iba dito ay Duke, Viscount, at Earl na ministro sa iba't-ibang sangay ng Imperyo.
"Your Majesty, please consider your decision. The Princess is still young to be married!" saad ng isang opisyal na malapit sa Prinsesa. Everyone in their Empire value the sanctity of marriage. They didn't just get married because of political reasons. Dahil isa yun sa mga moral values na tinuturo nila sa bawat mamamayan. Kaya hindi na kataka-taka ang naging reaksyon nila sa naging desisyon ng Emperador na sinang-ayunan pa ng Emperatris.
"Punong Ministrong Clark. Kinukuwestyon mo ba ang naging pasya ng Emperador?!" sabat naman ng isa pa.
"Gusto lamang malaman ni Punong Ministrong Clark ang dahilan, Punong Ministrong Dino. Wala namang masama doon, diba?" hindi na napigilang sumabat ng isa pa sa diskusyong nangyayari. Parang wala nang katapusang ang pagtatalong nangyayari sa harap ng mismong Emperador at Emperatris ng Imperyo. Mistulang nasa isa silang hukuman at hindi pulong kung makipagtalo sa bawat isa sa kanila. Para bang hindi nila batid na ang kasama nila sa iisang silid ay ang dalawang namumuno sa buong Imperyo. Parang nakalimutan na nilang umakto ng naayon sa kanilang katungkulan dahil nagkanya-kanya na silang pataasan ng boses.
Bago pa man makapagsalita ang Emperador para patigilin ang kanyang mga opisyal ng bigla na lamang may bumagsak na isang dalaga sa mesang nasa harapan nila. Biglang umingay ang paligid ng mapuno ng usok ang lugar dahil sa nasirang mesa kung saang nagpupulong ang mga opisyal. Bakas ang gulat sa kanilang lahat lalo na't ang mesang iyon ay gawa sa pinakamatibay na puno sa kanilang Imperyo. Mahal ang binayad ng Emperador para lang mapagawa ito pero ngayon ay mawawasak lang ng dahil sa isang estranghera na nagmula sa.. langit?
Lahat ng mga kawal sa labas ng silid ay pumasok at agad na pinaligiran ang lugar na binagsakan ng isang tao. At nang unti-unting napalis ang usok mula sa nasirang mesa ay saka lamang nila nakita ang isang dalagang hawak-hawak ngayon ang nasaktang balakang niya. Her long and straight black hair was disheveled but it didn't even put justice to how majestic she looks right now. Her face was frowning while massaging her hips. Her mouth continue to gasp as she started to rant how she felt being pulled out of air and being fall down like a meteor in the sky. Everyone was bewitched with her beauty, silencing all of them at once.
"Aray ko, tang-ina. Kailan ba ako masasanay dito? Ah, ang balakang ko." Avery who was clueless with her surroundings continue to massage her hips na siyang napuruhan sa pagbagsak niya. At nang unti-unti nang mawala ang sakit dito ay saka lamang siya tumayo at ininat ang buong katawan. Nahigit ng lahat ang kanilang hininga ng makita ang pares ng kulay berde nitong mga mata na tumingin sa paligid niya. Kababakasan ng gulat ang pareho nitong mga mata habang sinisipat ang daang-daang espada na nakatutok sa kanya.
BINABASA MO ANG
Paper Crown
FantasyAvery Dela Cruz. Averianna Solace Stoneheild Wilson. Two different souls that lives in two different world. One is from the world where science is the true magic that lies and sees beyond the horizon and the other where magics and power truly exist...