(A/n: Please be aware of the timeline from the story)
"Victorious warriors win first and then go to war, while defeated warriors go to war first and then seek to win.."
-Sun TzuChapter 15:
=Charlotte=
We were surprised to the scene we saw the moment we arrive on the deserted street. Two men are dead. One had a stab wounds on his shoulder and stomach while the other has a sword pierced to his heart. Dried blood was around his right eye like someone stab him there.
"I told you she knows how to fight!!" Prince Frederick loudly said. He looks so happy with what he's seeing, exactly the opposite of what the three princesses are expressing. Si Princess Amara ay may mukhang hindi makapaniwala habang mukhang nasusuka naman si Princess Adelaide kaya dali-daling tinakpan ni Prince Frederick ang mga mata niya. Si Princess Daenerys naman ay parang nag-iisip ng malalim habang nakatingin sa mga bangkay. Hindi pa siya nakontento at talagang lumapit pa siya sa mga bangkay at parang may tinitingnan sa katawan nito. She was holding a white handkerchief while holding the corpse tho.
"What are you doing, Daenerys?" I heard Prince Friedrich, second prince of Hamia Kingdom, asked her.
"I'm checking the body. Go around the area. Find for clues." I didn't know if it was natural or she's really just bossy? Dahil sa naging utos ni Princess Daenerys ay napagdesisyunan ko ding tumingin-tungin sa paligid. I walked around looking for clues or anything. It was actually fascinating to know that the princesses and princes are doing all the work. I mean pwede naman nilang utusan yung mga loyal subjects nila pero bakit mas pinili nilang pumunta sa lugar na to?
Nabaling ang tingin ko sa may sahig ng may maapakan akong bagay. I pick it from the ground and notice that there are some dried blood on the handle. It was a dagger. A very familiar dagger.
"What's that?" I turn to face Prince Frederick.
"It's Solace's dagger, your highness." I said, trembling– because of the fear that Solace can't use anything now to protect her from harm.
=Avery=
Hindi ko alam kung ilang oras na ang naging byahe namin bago kami huminto pero ramdam na ramdan ko talaga ang pananakit ng likod at puwetan ko.
"Ahhh!!" nagsigawan ang mga kasama namin sa loob ng karwahe ng bigla na lang kalampagin ng mga kidnappers ang labas bago nila tuluyang binuksan ang pintuan sa likuran namin.
"Lumabas na kayo!!" nasa dulo pa ako nakaupo kaya medyo natagalan bago pa ako makalabas. Tunog ng kumakalansing na kadena ang namumutawi sa kapaligiran kasabay ng mahinang paghikbi ng mga kababaihan. Malakas ang ihip ng hangin at sinasabay nito ang may kahabaan kong buhok.
Nang tuluyan kaming makalabas sa may karwahe ay agad kong pinagmasdan ang paligid. Mukha siyang abandonadong maliit na bayan. May iilang kabahayan sa paligid pero halatang wala ng gumagamit dahil sira-sira na ang mga bubong o di kaya ay ang dingding nito. Tumigil kami sa may kalakihang bahay na gawa sa semento. Ang pader ng buong bahay ay nagkukulay berde na marahil ay dahil nalipasan na din ito ng panahon. Kasabay ng karwahe namin ay may iilan pang kasabay ito. Maliban sa mga lalaking may hawak ng armas ay puros kababaihan na ang nasa paligid. Halos lahat ay nag-iiyakan habang ang iba naman ay parang pinagbagsakan na ng langit.
Binilang ko ang lalaking armado na nakapalibot samin. Aabot hanggang limampu lahat. Kalahati ay naghiwa-hiwalay para mabantayan ang buong lugar habang ang kalahati naman ay sa loob at magbabantay. Hindi ko alam kung tanga lang ba talaga ang lider nila o pinanganak lang talaga itong bobo. Paano ba naman hinahati-hati niya ang mga tauhan niya habang nasa paligid kami. Hindi ba uso ang private meeting sa kanila dito?

BINABASA MO ANG
Paper Crown
FantasyAvery Dela Cruz. Averianna Solace Stoneheild Wilson. Two different souls that lives in two different world. One is from the world where science is the true magic that lies and sees beyond the horizon and the other where magics and power truly exist...