Chapter 4:
I remember the angry expression painted on my aunt's face when she kicked me out of her house because I ate the loaf bread inside her refrigarator. According to her, I shouldn't ate that bread and wait for their leftovers because I don't belong in their family. In her own words-- sampid lang naman ako.
I experienced sleeping in the streets, eating food in the garbage cans and I even learn how to stole other people's things and belongings. Natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa at sa murang edad nakita ko ang mga bagay na iilan lang ang nakakakita.
And it was the ugly truth in this cruel world. Aabusihin ka kung mahina ka, walang mangyayari sa iyo kung hindi mo gagamitin ang utak mo at higit sa lahat, walang tutulong sa'yo kundi ang sarili mo.
But now that I was transported in this world... how can I forget that every people do not receive a fair life? Even though some of the people here have some magic, even though everything in here shouts fantasy, each and one of us has our own struggles that we face alone.
Tahimik akong umalis sa eskinitang iyon para hanapin si Sephora, completely forgetting about the strange woman I saw. Nakita ko itong aligaga habang nasa harap pa rin ng tindahan na pinag-iwanan ko sa kanya.
"My lady!" agad itong lumapit sa kin saka tiningnan ang buong katawan ko. She even lift both of my hands sidewards. "Saan po ba kayo galing? Kanina ko pa po kayo hinahanap. Ano po bang nangyari? Bakit po kayo umalis? At bakit hindi ka po nagpaalam sakin?"
I sometimes wish that Sephora would stop using her mouth when I'm clearly not in the mood. Gusto ko rin siyang kaltukan minsan dahil hindi siya marunong makiramdam.
"Tsk." inirapan ko muna ito ng matindi bago ako nagsalita ulit. "May pera ka pa bang dala?"
"Bakit po?" nate-tempt na talaga akong sabunutan ang isang to. Kitang naiinis na ako tanong pa ng tanong! Kainis!
"Sagutin mo na lang pwede?"
"Opo."
"Ibili mo ng tinapay." mariin kong utos sa kanya.
"Para kanino po?" akmang itataas ko na ang kamay ko para abutin ang buhok niya ay agad na siyang tumakbo papunta sa malapit na bakery.
Buti naman napansin niya din sa wakas na kanina ko pa siya gustong sabunutan. Kung di pa siya tumakbo baka nakalbo ko na siya sa kakatanong niya.
"Tsk." inis kong palatak sa sarili.
Ilang minuto din ang tinagal ni Sephora sa tindahan at nung lumabas siya ng bakery ay may dalawang paper bag na siyang bitbit na punong-puno ng mga tinapay. Nang makaabot siya sa pwesto ko ay agad kong kinuha ang isang paper bag at binitbit. Pinandilatan ko pa siya ng mata ng ibubuka na naman niya ang nakakairitang bunganga niya.
"Isang salita mo pa at ipapasak ko tong tinapay sa bibig mo." banta ko sa kanya. Nauna na akong naglakad habang nakasunod sakin si Sephora. Dumaan kami ulit sa eskinita at nakailang liko pa bago ko nakita ang iilang pulubi na nakita kong nangangalkal ng basurahan kanina.
I approached one of them before squatting in in front of the kid.
"Bata.." mahinahon kong tawag dito. Tumingin pa muna ito sa dalwang kasama niya bago tuluyang humarap sakin.
"Bakit po?" tumingin pa muna ako sa paligid bago siya sinagot.
"May mga kasama ka pa bang naninirahan dito?"
"Opo.. " ngumiti muna ako ng marahan bago ko inabot sa kanya ang isang bag ng tinapay.
"Pagsaluhan niyo na muna yan para may makain kayo." ngumiti naman ito ng malaki sakin bago nagpasalamat at bumalik na sa mga kasama niya. Nakita ko pang binigyan niya ang mga kasama niyang bata bago sila lumiko sa isang eskinita na hindi na abot ng paningin ko. Lumapit naman kami sa isang matandang nakaupo sa gilid ng eskinita at saka ko pinaabot sa kanya ang hawak ni Sephora na isang bag din ng tinapay.
"Maraming salamat, iha. Ngayon na lamang kami ulit nakakain ng ganitong pagkain." nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya kaya hindi ko na naiwasang magtanong.
"Bakit po kayo naninirahan dito? Hindi po ba kayo humingi ng tulong sa tanggapan ng hari? O sa kahit sinong opisyal na miyembro ng palasyo?" natawa naman ito ng sarkastiko bago kumagat sa sariling hawak na tinapay.
"Kung sa tingin mo'y may pakialam ang hari sa mga katulad naming normal na mamamayan ay diyan ka nagkakamali, iha. Kung tratuhin kami nila ay para kaming dumi na kailangan idispatsa o di kaya'y baho na kailangang itago para sabihin ng iba na perpekto ang kaharian na to." saglit pa itong huminga ng malalim bago ako tiningnan ng seryoso. "Ang kasalukuyang hari ay walang pakialam at malasakit sa kanyang nasasakupan. Ang gusto niya lamang ay ang trono. Trono na hindi naman sa kaniya sa simula pa lang.."
Trono na hindi sa kanya sa simula pa lang? Anong ibig sabihin ng sinabi niya?
"Po? Anong ibig niyong sabihin?" misteryosong ngumiti lamang ito sa akin bago binigyan pansin ang tinapay na hawak.
Kunin ko kaya ulit yung tinapay para sakin na ang buong atensyon ni tatay? Putol-putol kong magsalita! Nakakainis!
"Hayaan mong ikaw ang makahanap ng sagot sa lahat ng iyong katanungan, iha." saglit ko itong inirapan bago ako nagdesisyon na umalis na ng eskinitang iyon. Tutal naibigay ko naman na ang dala kong mga tinapay kaya wala na akong ibang gagawin doon. Bumalik kami ulit sa sentro ng bayan at salamat naman sa diyos at tumahimik na si Sephora. Ni isang salita walang lumabas sa bibig niya at ang tangi lang na palatandaan na nasa tabi ko siya ay ang paghinga niya.
"May tindahan ba dito ng mga armas?" nililibot ko ang paningin ko sa buong paligid pero wala ata akong mahagilap ni isa. Yun talaga ang pinunta ko sa pamilihan. Kailangan ko kasi ng sandata. Kahit maliit na dagger lang na pwede kong dalhin kahit saan ako magpunta. Mabuti na ang sigurado kesa magulat na lang ako na namatay na ako sa mundong to dahil hindi ko naproteksyonan ang sarili ko. After all, the only thing that I can fully trust is myself and nothing else. I also don't expect someone to protect me from harm so might as well do the honour of protecting myself.
"A-armas po?" napabuntong hininga na lang ako dahil sa naging tanong ni Sephora sakin. Suko na talaga ako sa pagiging bingi niya.
"Oo day. Armas. Narinig mo naman ang sinabi ko diba?" inirapan ko pa ito ng matindi bago naghintay ng masasagot niya. I was mentally counting and swear to gods that if ever I reached the number ten, lalayasan ko na talaga ang babaitang to.
"Meron po." iminuwestra ko ang daan sa kanya bago ako sumunod ng magsimula na itong maglakad. Malayo-layo na ang nilakad namin at unti-unti na ding nawawala ang mga tindahan. Pakonti ng pakonti na din ang mga tao hanggang sa tumigil kami sa tingin ko na pinakadulo ng bayan. May gubat na sa likod ng tindahan at sa tingin ko ay iyon na ang boundary papuntang kabilang bayan.
Matataas ang mga kahoy sa paligid ng tindahan pero ang harapan nito ay para bang dinaanan ng bagyo. It was a desert place. I don't even think someone is living in here. May mga patay pang aso sa gilid na nagkakaamoy na. I scrunched up my nose and try to control my breathing para hindi ko masyadong maamoy ang baho.
Ano ba to? May lugar pa palang ganito dito? Bakit siya nagtitinda dito kung wala namang bibili sa kanya?
"Siguro ka ba dito, Sephora? Pag ako ini-scam mo, mata lang ang walang latay. Makikita mo." nakita ko pa itong napalunok ng laway ng sabayan ko ng diin at mariin na tingin ang pagsabi ko nun sa kanya.
"S-sigurado p-po.." nauna na akong pumasok sa kanya dahil parang nanginginig pa ata ang katawan niya dahil sa banta ko. Sa tingin ba niya kaya kong gawin ang sinabi ko sa kanya? Talaga? Ganoon na ba talaga ako ka nakakatakot?
Napailing na lang ako sa naisip ko bago pagtuunan ng pansin ang tindahan.
Now what the hell is this place?!
--
archangel_dina
BINABASA MO ANG
Paper Crown
FantasyAvery Dela Cruz. Averianna Solace Stoneheild Wilson. Two different souls that lives in two different world. One is from the world where science is the true magic that lies and sees beyond the horizon and the other where magics and power truly exist...