"If you want her to grow then you wouldn't shelter her in your wings forever, Avery.."
-OracleChapter 45:
=3rd POV=
Kasabay ng pagmulat ng mga mata ni Avery ay ang agad niyang pagbangon habang sunod-sunod na nagpapakawala ng mabibigat na paghinga. Gusto niyang umiyak at sumigaw sa galit dahil sa umaapaw na emosyong nasa dibdib niya. Sinariwa niya ang bawat imahe at senaryong nakita. Kung papaanong minaliit si Averianna dahil sa anak lamang ito ng isang court maid. Kasabay din nito ang pagbalik sa alaala niya ang mukha ng yumaong ina ni Averianna. Mahahalintulad sa lupa ang mahabang mala-tsokolate nitong buhok na bumagay sa berde nitong mga mata. Para itong kumikislap sa tuwing nasasanagan ng sikat ng araw. Kung hindi lang siguro itong pinanganak na may mababang ranggo ay tiyak na papasa ito bilang isang noble. Bumalik din kay Avery ang bawat mukha ng mga taong nag-aruga at nagmahal sa kanya. Ang Emperatris na tunay na asawa ng Ama niya na pagkat hindi siya tanggap nung una ay kalaunan ding naging malambot sa kaniya. At ang kaniyang mga kapatid na hindi inalintana ang pagkakaroon nila ng magkaibang Ina dahil lubos siyang minahal ng mga ito. It would've been perfect. She would have been living a perfect life with her family. Kasabay din nun ang pagbaha ng kalungkutan sa puso niya dahil sa sinapit ng mga ito sa kamay ni Maxir. Hindi niya lubos na inakala na ang kanang kamay ng Ama no Averianna ay may tinatago pa lang kasamaan sa loob nito. Naalala pa niya kung paano ito tumawa kasama ng Ama sa ilang pagtitipon. Paanong nagawa niyang pumatay ng sariling kaibigan? Sabagay, tinuring ba talaga niya itong kaibigan? Dahil kung oo ay talagang napakabobo niya para gawin ang ganoon sa sarili nitong kaibigan.
"Avery.." pagbanggit nito ng pangalan niya saka lamang tumama ang berde nitong mga mata sa nag-aalalang mga mata ni Oracle. Binigyan niya ito ng isang ngiti upang kahit papano'y mapanatag ang kalooban nito. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama saka tahimik na naglakad papunta sa pintuan. Wala nang nagawa pa ang Oracle kundi ang sundan ito. Alam niyang bumabagabag kay Avery ang mga nakita niya ngayon kaya nararapat lamang na hayaan niya itong makapag-isip ng mabuti.
Dumiretso silang dalawa sa kusina kung saan kasalukuyang nagluluto si Charlotte. Pagkakita ni Avery sa nakangiting mukha ni Charlotte, isa lang ang napagtanto niya. Gusto na niya ng mapayapang buhay. At mangyayari lamang iyon kapag natapos na niya ang laban na'to.
"Anong ulam?" kaswal na tanong niya dito. Umupo ito sa isa sa mga upuang nasa harap ng mesa sa loob ng kusina saka patuloy na pinagmasdan si Charlotte. Gusto niya munang kalimutan ang mga memoryang nakita kaya pilit niyang ipinagsasawalang bahala iyon.
"Nagluto ako ng lugaw, Lady Solace!" kasabay ng nakakasilaw nitong ngiti ay ang nagmamalaki nitong boses. Agad na tinago ni Avery ang pagngiwi niya.
'Lugaw sa tanghalian? Sabog ata to eh!', lubos na pagtutol nito sa isipan pero sa huli ay wala na rin siyang nagawa pa at kumain na lang ng lugaw.
--
"Anong sinasabi mong may buhay pang Wilson?" bakas ang pagiging seryoso ng matanda ng tanungin nito si Denise. Dinala nila ang mga dayo sa pinagtataguan nila, sa ibabaw ng mga puno. Nagtayo sila ng ilang bahay sa ibabaw habang patuloy na nagpapatrolya ang ilan nilang kasamahan. Kasalukuyan ngayong nakatali sila Denise at ang mga kasamahan nito sa isang kahoy habang kinakausap ng pinuno ng tribo na si Áma Bug'tong na kilala din sa tawag na Áma.

BINABASA MO ANG
Paper Crown
FantasiAvery Dela Cruz. Averianna Solace Stoneheild Wilson. Two different souls that lives in two different world. One is from the world where science is the true magic that lies and sees beyond the horizon and the other where magics and power truly exist...