Chapter 34:

427 29 8
                                        


"History is a cyclic poem written by time upon the memories of man.. "
-Percy Bysshe Shelley









Chapter 34:














=Avery=



Masusi kong nilinis ang bawat sulok ng kwarto na kinalalagyan ni Charlotte. Kahit hindi ko naman talaga ugali ang maglinis dahil natural akong tamad ay ayoko din namang ma stress pa si Charlotte kakapaalala sakin na dapat marunong akong maglinis dahil pinanganak akong babae. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang logic ni Charlotte. Hindi ba niya naisip na tao din ang mga lalaki at marunong maglinis kung matututo?



Napailing na lamang ako sa naiisip. Kahit naman anong sabihin ko ay hindi pa rin naman yan makikinig sakin. Agad akong napatigil sa pagpupunas ng bintana ng may kumatok sa pintuan ng hospital room at maingat itong binuksan pagkatapos. Si Doc Sean ang doktor ni Charlotte. Dahil nga si Prince Frederick ang nagdala kay Charlotte dito ay sinagot niya na din ang lahat. Salamat na lang talaga at may tinatagong bait pa pala sa katawan ang malantod na yun.



"Bakit, Sean?" napangiwi naman ito kasabay ng pagngiwi ko din ng maalalang hindi nga pala dapat tinatawag sa unang pangalan ang kahit na sino dito bilang tanda ng paggalang. Alanganin akong napangiti sa kanya saka ko binitawan ang hawak na basahan at hinarap ito saka ako mayuming yinuko ang ulo ko. "Greetings, Lord Sean of Fordel Household." binalik ko din ang dating pustora saka ko ito sinimangutan. "What brings you here, Lord Sean?" parang tanga talag tong mga batas nila dito. Mantakin mo kailangan pang may Lord ang bawat pangalan ng mga lalaki. Aksaya lang naman yan sa laway.



"I need to talk to you, Lady Solace." biglang dinagundong ng kaba ang dibdib ko ng mapansin ang seryoso na ekspresyon ng doktor. Nauna itong lumabas ng silid kaya wala na akong iba pang nagawa kundi ang sumunod sa kanya.



"Saan ba tayo mag-uusap?" napansin kong parang natigilan ito sa uri ng pananalita na meron ako pero hindi ko na inabala pang baguhin iyon. Siguraduhin niya lang na magandang balita ang ibibigay niya kundi may mangyayari talagang masama sa kanya.



"I need to talk to you about Lady Charlotte's condition inside of my office Lady Solace, if you will agree." napa-isip naman ako sa sinabi niya. Gaano ba kaseryoso tong pag-uusapan namin at kailangan pang sa loob ng opisina niya?



Pareho kaming napatigil sa paglalakad ng tumigil sa mismong harapan namin si Alexandra. Saglit na nagbigay galang si Sean kay Alexandra habang ako naman ay tinanguan lang ito.



"Saan punta mo?" kaswal kong tanong dito. Pinigilan kong matawa sa reaksyon ni Dok Sean. Para itong hindi makapaniwala habang papalit-palit ang tingin saming dalawa ni Alexandra.



"Kay Charlotte. Ikaw? San kayo?" napa 'o' naman ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Tutal naisip ko naman na tulog pa si Charlotte at panatag naman ang loob ko dahil sa mga kawal na nakakalat sa loob at labas ng ospital (courtesy of Prince Frederick na sobrang bait) ay hinila ko na si Alexandra sa kung saan man kaming impyerno pupunta.



"Sasama siya, Lord Sean. Kaya lead the way." sandali pang napatanga si Dok Sean samin bago naglakad papunta sa kanyang opisina.



Pagkarating na pagkarating namin sa opisina niya ay agad kong nilibot ang tingin ko sa kabuuan nito. Hindi naman sa pagiging judgmental pero parang sobrang plain naman ata ng office niya? Tsk. Hindi na ako magtataka mukha din siyang boring eh. Hehehe.



Pareho kaming umupo ni Alexandra sa magkabilang upuan na nakaharap sa office desk niya. Maraming papeles ang nakapatong dito at meron pang maliit na pot na nakapatong sa gilid nito. I squinted my eyes to observe the plant more. It looked like a small tree that is being planted on the plant.



Paper CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon