"A king never begs, Avery.."
-DeniseChapter 49:
=3rd POV=
"Mukhang may mga ka-uri kang naligaw dito, Zammy." parehong napatigil sa ginagawa ang dalawa ng marinig ang isang tinig mula sa isang bata. Avery looked at the child hanggang sa naagaw ang pansin niya ng isang itim na ahas na nakasabit sa leeg nito. Naging alerto ang dalawa. Naging alerto si Augusto nang makita ang ahas dahil alam niyang nabibilang ito sa pinaka makandag na ahas sa buong Ergia habang si Avery naman ay dahil sa kakaibang presensya ng bata. Alam niyang hindi lang ito isang normal na bata. Kaya mas naging alerto pa siya habang pinagmamasdan ito. Nakasuot ito ng isang kimono, kaya bahagya siyang nagtaka kung saan nito kinuha ang damit na suot niya. Ang alam niya ay pambansang kasuotan ito sa bansang Japan at wala pa siyang nakikitang taong nakasuot ng nito, ngayon lang. Maiksi ang buhok ng bata at may bangs din ito hanggang sa kilay nito. At nang humakbang ito ng isang beses ay napansin niya ang suot nitong sandal na gawa sa kahoy. "Should we kill them?" both of them suddenly became tensed because of what the kid had said. Agad na pumorma ang katawan ni Avery sa kanyang fighting stance. Both of her closed fists are in front of her while her right foot are a step behind the other. She was readying herself when she heard the sound of a sword being taken out from its scabbard. At hindi nga siya nagkamali nang makitang hawak-hawak na ito ng binata habang nakatutok ito sa batang nasa harap nila. Nang makita ang ginawa ng binata ay hindi niya napigilang sundin ang ginawa nito. Nilabas niya ang sandatang bitbit saka itinutok din sa bata. Like her previous fights, ang dagger pa rin ang bitbit niya na parati niyang tinatago sa ilalim ng damit niya.
Nakita nila kung paano sumibol ang isang ngiti sa mukha nitk hanggang sa tuluyan na itong naging halakhak. It was a laugh far from the child's innocent face. Avery couldn't help but think na hindi lang pala mga witch ang kayang tumawa ng pang-kontrabida dahil obviously, kayang-kaya din yun gawin ng isang bata na parang nasa walong taong gulang lamang.
'Bakit kaya hindi ko kayang gawin yun?' she immediately tilt her head sideways to erase those thoughts and started to focus on the kid in front of her.
Sa isang iglap ay mas bumigat ang paligid habang nanatili pa ring nakatingin sa kanya ang dalawa. Mas lalong humigpit ang hawak nila sa kanya-kanya nilang sandata lalo na ng biglang umalis ang ahas mula sa leeg nito at sa isang iglap, ay lumaki ito ng sampung beses. Napaawang ang bibig niya at saglit siyang nalula sa laki nito. Bigla niyang naalala ang ceberaian na nakita niya sa gubat ng Oracle.
Iniyuko ng ahas ang malaki nitong ulo sa harap ng bata na agad naman hinimas nito na para bang isa lamang itong aso. Naningkit ang parehong mga mata ni Avery ng may mapansin siya sa bandang leeg ng bata. Kitang-kita niya ang pamilyar na tattoo nito dahil na rin sa maikli nitong buhok.
"Who are you?" that was a stupid question to ask. Avery scolded herself in secret habang paulit-ulit na pinaalalahanan ang sarili na hindi naman importante ang pagkakakilanlan ng isang tao lalo na kung kalaban niya ito! Pero hindi niya mapigilan ang sarili lalo na't naunahan na naman siya ng kuryusidad niya. The tattoo. It was always been etched in her mind.. deep within her. Bigla niyang naalala ang dalawang tao na napaslang niya na may ganoon ding guhit na nakatago sa katawan nila. A symbol that they are part of a syndicate. A syndicate called.. "Anguis Ordo." bulalas niya. Natigil sa paghimas ang bata sa ulo ng higanteng ahas saka napatingin sa dalaga.
Nabigla ang bata sa sinambit nito. Alam nito ang sindikatong kinabibilangan. Ngunit, paano? Pumasok sa isipan niya ang sinabi ni Red sa kanya noong minsan itong nakipagkita sa kanya. Isang dalagang nakatalo sa ika-anim at ika-apat na disipulo ng Heneral ng Anguis Ordo. Isang dalagang nagngangalang Avery.
BINABASA MO ANG
Paper Crown
FantasyAvery Dela Cruz. Averianna Solace Stoneheild Wilson. Two different souls that lives in two different world. One is from the world where science is the true magic that lies and sees beyond the horizon and the other where magics and power truly exist...