Chapter 1:Avery's POV
Pasipol-sipol ako habang naglalakad sa gitna ng hallway ng school namin. Obviously, I am in the perfect mood to scam someone. I need money and thanks to my big fat brain, hindi ako kelan man nagutom kahit na hindi ako binibigyan ng tiya ko ng pera.
"Avery! Heeeeey!" and there goes my perfect bestfriend. Kassandra Hamilton. Perfect when it comes to physical appearance, financial status and of course in popularity.
I wonder how the two of us ended up best buddies.
"Oyy!" tamad ko lang siyang nginitian habang hinihintay siyang makarating sa pwesto ko. Although she's wearing a high heel stilletos she expertly runs towards my direction.
Buti buhay pa yung mga paa niya pag ako siguro yan, meh, baka isapok ko lang yan sa mga tao sa paligid ko.
"Have you finish the assignment on our Chemistry 1 subject? The one with the essay?" I smirk at her before raising my chin up.
"Ako pa ba? Wala na atang tatalo sakin pagdating sa academics eh. Ni hindi man lang ako pinagpawisan sa pagsagot ng essay at formula." pagmamayabang ko pa.
"How about the others then?" dinukot ko sa bulsa ko ang makapal na cash na nadekwat ko dahil sa mga studyante dito. Paano ba naman kapag mayaman ka madali na lang ang magpagawa ng assignment basta bayaran mo lang ng pera. And that my friend is my number 1 business here in school.
"You know what, you can always borrow from me naman eh. Bakit ka pa ba naga-answer their assignments?"
"Nye. Nye. Can you stop conyo me? Tsaka isa pa bakit naman ako manghihiram ng pera kung sagana naman yung negosyo ko? Baka nga ikaw pa yung pahiramin ko eh. HAHAHAHAHA." my loud laugh echoed among the hallways earning me a stare from my fellow schoolmates. But who cares? Sipain ko sila diyan eh.
"Ewan ko na lang sa'yo." my forehead knotted in confusement when my surroundings around me started to spin. Nasusuka rin ako. At parang nabibingi na ako sa paligid ko. Lumalabo na din ang mukha ni Sandra at dumidilim na din ang buong paligid ko.
What... the... hell?
"Avery?! Avery?! Avery! Hey!" and then suddenly, everything went to normal just like that. No more buzzing sounds, no more blurred visions.
What the fuck just had happened?
--
"Avery are you really okay?" mahina kong tinapik ang balikat ni Sandra bago ko tinambol ng marahan ang tapat ng dibdib ko.
"Ano ka ba naman, Sandra. Sakin ka pa ba mag-aalala? Tsaka pang ilang beses mo nang tanong sakin yan, ah." umismid pa ako sa harapan niya bago ko siya inirapan. Parang tanga ilang beses ko nang sinabi na okay na ako eh. Paulet-ulet amp.
Kinuha ko na ang bag ko saka ko ito isinukbit sa aking balikat. Itinaas ko pa ang isa kong kamay saka mayabang na lumabas ng classroom namin.
Hindi mapagkakaila na mukha talaga akong dukha sa skwelahan na to. Galing pang ukay-ukay ang mga damit ko at tuklap na din ang sapatos ko na ilang beses ko na ding nilagyan ng rugby para lang hindi na siya tuluyang bumigay. Hindi ko rin naman napapakinabangan ang perang nakukuha ko mula sa mga studyante dito dahil malaki pa ang pagkakautang ko kay Mr. Clovis.
Tsk. Naalala ko naman yung tabatchoy na yun. Baka mamaya nandito na siya para hingin yung bayad ko para sa buwan na ito.
Haayst. Sana pala nabuhay na lang ako sa ibang dimensiyon tapos nakatira ako sa malaking bahay at walang gumagambala sakin.
"Help me.." agad nanlaki ang mga mata ko ng may marinig ako na boses ng isang babae. Who the hell was that? M-multo? May multo ba dito?
Mahina kong sinampal ang pisngi ko. No, Avery. Ghost are imaginative creatures made by older people to scare the young ones. It is not scientifically proven. Tama. Tama. Walang multo.
"Help me, Avery.."
"Tang-ina!" parang gusto ko na lang tuloy umiyak ng may bumulong na talaga sa tenga ko. At tinawag pa ako! Shit. Agad kong nilibot ang paningin ko sa paligid. Madilim ang lugar at wala ng ibang studyante maliban sakin. Kinuha ko ang balisong na nakatago sa pinaka-ilalim ng bag ko bago alertong tinitingnan ang paligid. "Sino ka? Tang-ina mo. Hindi ako takot sa multo!"
"Avery.."
Shit. Shit. Shit. May namumuo na din na malalamig na pawis sa noo ko. Ilang beses niya pang pinaulit-ulit ang pangalan ko.
Ano bang kailangan ng multong to? May nagawa ba akong atraso? Parang wala naman.
Kunot noo kong binaba ang balisong saka pinalibot ang tingin bago ako humalikipkip ng mga braso ko.
"Oh, bakit? Ano bang kailangan mo?" Oh gods. Am I really talking to a ghost? This is so surreal! First time experience!
"Help me.." mas lalo naman kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Saan?" taas kilay ko pang tanong. Tiningnan ko pa ang relo ko bago humarap sa kawalan. May iilang minuto na lang pala ako para sa usapan nato. Kikitain ko pa si tabatchoy.
Nawala ang pagkakakunot ng noo ko dahil biglang umikot ang paligid ko. Parang nahihilo at nasusuka na din ako. Lupaypay akong bumagsak sa maduming daanan malapit sa skwelahan bago ko naramdaman na para bang hinihiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko.
"AHHH!!" and that was the last thing I remember before darkness embraced me. Maybe it was fate or a wish come true that I was pulled out from my cruel world but I always wish for a peaceful life and I hope.. I hope I didn't wish for it.
For every world, reality are all cruel and there is nothing but chaos in this world. A peaceful life is only a wishful thinking for a useless person like me.
--
archangel_dina
BINABASA MO ANG
Paper Crown
Viễn tưởngAvery Dela Cruz. Averianna Solace Stoneheild Wilson. Two different souls that lives in two different world. One is from the world where science is the true magic that lies and sees beyond the horizon and the other where magics and power truly exist...