Avery Dela Cruz. Averianna Solace Stoneheild Wilson.
Two different souls that lives in two different world. One is from the world where science is the true magic that lies and sees beyond the horizon and the other where magics and power truly exist...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(The above picture is Eiffer's weapon. Sorry for the super late update everyone. And I hope you'll still wait for Avery to have what she truly wants. Stay safe, everyone!)
"Even monsters like us are still humans.." -Eiffer
Chapter 36:
=Avery=
Buhol na buhol ang dalawang kilay ko sa sobrang pagkakadikit nito ng marinig ang sinabi ng babaeng kaharap ko ngayon. Sino ba to? Bakit niya ako tinawag sa pangalan kong yun?
She smirked in front of me habang maangas na pinagpagan ang dalawang kamay nito.
"I was right. You're Avery." biglang naging madilim ang mga mata niya ng banggitin nito ang pangalan ko.
"Who are you?" I can feel her intense gaze and tremendous aura. Isang tingin pa lang alam ko nang delikado ang babaeng to. Pero sino ba to? Bakit parang kung makatingin siya sakin ay ang laki-laki ng kasalanang nagawa ko.
"You're here because of your friend, right?" she started to walk towards my direction pero hindi man lang ako natinag mula sa kinatatayuan ko. I remained rooted on my position while intently listening to every words she say. "Let me guess.... "
"... she lost an arm, didn't she?" agad ko siyang inatake ng suntok na agad naman niyang naiwasan ng dahil sa sinabi niya.
This bitch.
"Ikaw pala yung nag-utos." parehong napakuyom na lamang ang kamao habang nakatingin sa kanya. "Tell me. Why are you looking for me?" I asked pertaining to what Charlotte had said to me before. Sinabi niyang hinahanap nila ako at natiyempuhan ng mga demonyong to si Charlotte at pilit itong pinagsalita tungkol sakin.
"It's a secret one must keep. But if I tell it now, will you going to pay for the price?" hindi ko pinansin ang sinabi niya ng bigla akong tumalon papunta sa kanya upang atakehin siya. Bawat atake ko sa kaniya ay naiiwasan at natatapatan niya, bagay na siyang lalong nagpainis pa sakin.
"How about your life as a payment for the life you took, Avery?" saglit akong natigilan sa sinabi niya pero sapat na yun para makalusot siya sa depensa ko at nagawa akong sipain ng malakas sa tagiliran. Ilang beses akong napaatras dahil sa lakas nun.
"Anong ibig mong sabihin?" lito kong tanong sa kanya. Pagak itong napatawa ng malakas habang nanatili lamang akong nakatingin sa kanya. Nakita ko kung paanong mabilis niyang pinahid ang luhang tumulo sa mata niya bago matapang ulit akong tiningnan.