A/n: This chapter will be dedicated to Danzai15. Thanks for the comments!!
"Always use your mind when in battle. Remember that wisdom outdo violence and strategy wins over wars.."
-A. Dina3rd POV
Humangin ng malakas kasabay ng pag-iba ng dalagang nasa harapan niya. Nagulat ito dahil sa nasaksihan. Kung kanina ay mukha itong pusa, ngayon ay para na itong leon na handang manglapa at umatake oras na gustuhin nito. Kinabahan ang matanda dahil sa nakita.
She looks like a king. A ruler with her dark and menacing stare.
'Delikado. Delikado ang taong to.'
Yan lang ang nasa isip ni Mang Julyo. Ang may-ari ng tindahan na pinuntahan ni Avery.
"If you don't want to teach me... then fight me." agad itong kinilabutan ng marinig ang malamig na boses ng babae. Seryoso ang pagkakasaad nito dahilan para pag-isipan mabuti ni Mang Julyo ang desisyon niya.
'She looks really determine. Ano ba ang dapat kong gawin.'
Saglit na napaisip si Mang Julyo at nang mahagip ng paningin nito ang anak na si Augusto ay alam na niya ang dapat niyang gawin.
"Sige. Payag ako sa sinabi mo." mabilis na nawala ang pagdilim sa mukha ng dalaga kaya naisip talaga niya na tama lamang ang magiging desisyon niya. "Payag ako kung matatalo mo sa isang duwelo ang anak ko.."
Malakas ang anak niya. Aminado si Mang Julyo doon pero may isa itong kahinaan. Hindi ito gumagamit ng utak kapag nasa isang laban at atake lang ng atake kaya madalas ay naiisahan niya ang anak kapag nagduduwelo sila. Ito din ang nais niyang ituro sa anak pero daig pa ng semento ang tigas ng ulo ng anak kaya hindi ito marunong makinig.
"Sige. Payag ako." mabilis na nawala ang mga naiisip ng matanda ng marinig ang sinabi ng dalaga. Hindi na siya nagulat pa ng marinig ang naging sagot nito sa halip ay isang misteryosong ngiti ang namutawi sa kanyang labi habang nakatingin sa dalaga na diretso din ang pagkakatingin sa kanya.
=Avery=
Nadito kami ngayon sa likod ng tindahan ni Mang Julyo. Nagpakilala siya sakin kanina. Pareho kaming magkaharap ni Augusto- ako habang kinakabahang nakatingin sa kanya at siya na bagot at para bang minamaliit ako gamit ang kulay lupa niyang mga mata.
Haay. I really love his eyes tho.
Sa katunayan niyan ay nagpuslit ako ng isang dagger at tinago ito sa loob ng suot kong bestida kanina nung saglit na umalis si Mang Julyo para kausapin ang anak. I actually like the design carve on the handle that's why I couldn't resist it anymore. Babayaran ko na lang mamaya. At ngayon pareho kaming nakahawak ng espada. Ilang beses ko pa itong iwinawasiwas sa ere para masanay ako sa bigat nito.
Tang-ina first time kong humawak ng espada at first time ko ding maghamon sa isang duwelo. Hindi kaya dito na ako mamamatay?
Nang mahulog na ang panyo ni Mang Julyo sa lupa, yun na ang hudyat na simula na ang laban. Agad akong sumugod sa kaniya bitbit ang mabigat kong espada. Ilang beses kong iwinasiwas ito s kanya pero lahat ng atake ko ay nagagawa niyang labanan.
Sabi nga nila sa art of war ni Sun Tzu, 'appear weak when you are strong and strong when you are weak.' Kaya kahit wala akong alam sa espada dapat hindi ko iyon ipahalata sa kalaban ko.
Ilang beses akong napaatras ng ito naman ang umatake sakin. Kung kanina ako ang nasa opensa ngayon siya naman.
3rd POV
Saglit na nainis si Augusto dahil sa isip niya ay walang kwenta kalaban ang kaharap niya ngayon.
'Bakit ba to pinalaban sakin ni Papa? Mukhang lampa!'
Tumalon ito ng mataas saka inatake sa ibabaw si Avery. Nasangga ito ng dalaga pero ng iikot pakaliwa ni Augusto ang hawak na espada ay lumuwag ang pagkakahawak niya dito hanggang sa tuluyan niya na itong nabitawan.
"Shit." she was nervous as hell. Paano pa siya makakalaban kung wala na siyang espada? Sa kabilang banda naman ay akala ni Augusto ay panalo na siya sa duwelo pero nagulat siya ng hindi pa rin tinitigil ng Papa niya ang laban nila.
"Sumuko ka na." gamit ang matalim nitong mga mata ay sinubukan niyang sindakin ang dalaga na hindi naman umepekto dito.
"Never.."
'I want to learn how to use sword. I have this strong feeling that I badly need to learn this or I will be doom in the future.'
Nang hindi pa rin sumuko si Avery ay sumugod ulit si Augusto. Inatake nito ang leeg niya na agad naman napigilan ni Avery gamit ang dagger na pinuslit niya sa loob ng tindahan kanina. Kasunod ng pagsangga niya ay ang pagpakawala niya ng sipa sa tagiliran ng kalaban. Sunod-sunod ang naging pag-atake niya. Hindi na lang sandata ang gamit niya kundi ang buong katawan niya na. Sipa, suntok, tadyak, sangga at wasiwas ng patalim na hawak niya pero mas lamang pa rin ang laban kay Augusto dahil sa espada nitong hawak.
'Paano ba kalabanin to? Kailangan maalis ko ang espada niya.'
Tumalon paatras si Avery para makaisip ng paraan para maisahan si Augusto dahil kung magtatagal pa ang ganitong laban nila ay matatalo siya dahil mas bihasa dito ang kalaban.
Nang mainip si Augusto ay ito na ang unang umatake. Mas naging marahas at mabilis ang naging pag-atake nito gamit ang espada na agad namang naiiwasan ni Avery. Nang sinubukan niya itong tamaan sa dibdib ay nagpadausdos ito pababa saka siya pinatid na agad na magpatumba sa kanya. Kinuha iyong pagkakataon ni Avery para puntiryahin ang kamay nitong mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa espada. Sinubukan niya itong saksakin gamit ang patalim na hawak pero mabilis pa sa alas kuwatro kung makaiwas si Augusto.
'Tsk. Sayang.'
Bumuntong hininga si Avery dahil wala na siyang pagpipilian pang iba kundi gawin ang nasa isip nito kanina pa. Walang nagbalak na umatake sa dalawa pagkalipas ng ilang minuto. Nagpapakiramdaman kung sino ang unang aatake. Kung sino ang dapat na manalo at...... matalo.
Patakbong lumapit si Augusto sa pwesto ni Avery habang nakaamba ang hawak na espada. Nang ilang metro na lang ang layo niya dito ay nagulat siya ng bigla itong yumuko na para bang may kinukuha sa lupa pero hindi na siya nag-abala pang isipin yun dahil ang nasa isip niya ay mananalo na siya sa laban. At yun ang naging pagkakamali niya.
Dahil nang tama na ang kanilang distansya ay sinabuyan ni Avery si Augusto ng buhangin sa mata para saglit na bulagin ito.
"Aww. Shit! I can't see anything! Fuck!" para atang mabibingi ang dalaga dahil sa sunod-sunod na mura na naririnig kaya sinipa niya ang gitna nito at nang nakaluhod na ito sa harap niya ay saka niya ito sinuntok ng malakas sa tinuhod sa mukha. She even use the famous karate chop na ilang beses na niyang nakita sa tv.
"Wag mo na akong maliitin sa susunod. Laking Jackie Chan ata ako." she proudly said to the unconscious guy in front of her. She gave her widest smile to the store owner who still look unbelievably shock because of what happened to his son.
--
archangel_dina
BINABASA MO ANG
Paper Crown
FantasyAvery Dela Cruz. Averianna Solace Stoneheild Wilson. Two different souls that lives in two different world. One is from the world where science is the true magic that lies and sees beyond the horizon and the other where magics and power truly exist...