Chapter 2:Kahit masakit ang ulo ay mas pinili kong imulat ang mga mata ko ng maramdaman kong humupa na ang sakit ko sa katawan.
Tnag-ina. Na scam pa ata ako ng multo na yun. Ano bang ginawa niya sakin? Bakit sumakit yung buo kong katawan at parang ramdam ko hanggang kaluluwa ko yung sakit?
Nang tuluyan kong maramdaman ang malambot na kama sa likod ko at makita ang puting kisame ay doon na ako kinabahan ng matindi. Nasaan ako? Bakit ako nandito? Kaninong kwarto to?
"My laaaaaaaaady!!" parang bumalik ata ang sakit ko sa ulo ng marinig ang pinaka matinis na boses na narinig ko sa tanang buhay ko. Sarap ibalibag.
"My lady!" sigaw pa niya ulit and this time ay talagang sa harapan ko na siya sumisigaw. Sino ba to? Nang hindi na ako nakatiis ay nasigawan ko na ang babaeng parang tanga na tawag ng tawag sakin ng my lady.
"Ano ba?! Tumigil ka nga! Sino ka ba?! Aish. Nasaan ba ako? Kaninong bahay to?" mabilis kong sinuot ang tsinelas na nasa gilid ng kama ng makita kong natigilan ang babae sa mga naging tanong ko. Para siyang patay na namumutla at naninigas ang katawan habang nanlalaki ang mata at nakaawang ang bibig.
"P-po?" kumunot naman ang noo ko bago ko siya inirapan. Nilibot ko pa ulit ang tingin ko sa mga bagay na nasa loob ng kwarto. Para atang nasa sinauna akong panahon dahil may nakita pa akong ink sa gilid na may nakalagay na balahibo ng manok. May mga iilang libro din sa gilid ng lamesa at dalawang pintuan at isang kabinet ang nasa loob ng kwarto. May mga kurtina din na kulay mint green. May bintana din sa gilid na mukhang kailangan mo pang i-slide pa kanan. Lahat din ng kagamitan ay gawa sa kahoy at wala na atang mas aaliwalas pa ng marinig ko ang huni ng nga ibon-bagay na minsan ko lang marinig sa tinitirhan ko noon.
So peaceful. Sana dito na lang ako nakatira.
Napakibit balikat na lamang ako at saka hinarap ang babae na parang nakapangdamit ng katulong. Nakasuot kasi siya ng damit na parang bestida na kulay puti at may nakapatong pa ditong kulay navy blue na may ruffles na ka ek-ekan. Basta. Para siyang katulong dito. Amo niya ba ang nakakita sakin.
"Amo mo ba ang nakakita sakin? Nasaan ba ako?" mas pinalumanay ko pa ang boses ko ng mapagtantong sila ang nakakita sakin sa daan dahil ang huli kong naaalala ay nawalan ako ng malay sa gitna ng madilim na daan na yun.
"M-my l-lady.."
"Huwag mo nga akong tawagin niyan. Nasaan ba amo mo?" hindi naman niya ako sinagot at sa halip ay tinalikuran pa ako nito. Parang kumibot naman ata sa inis ang kilay ko. Aba't!
Agad namang nawala ang inis ko at napalitan ng pagtataka ng makitang inabutan niya ako ng isang salamin. Aanhin ko naman yan? Para atang narinig niya ang tanong sa isipan ko ng mas inilapit niya pa sakin ang hawak na salamin. Kinuha ko na lang ito mula sa kanya saka bagot siyang tiningnan.
Ano bang trip nito sa buhay? May boses naman siya pero hindi niya magamit-gamit.
"Oh, tapos?" sumenyas naman siya na tingnan ko ang mukha ko sa salamin. Inirapan ko muna siya saka tiningnan ang sarili sa salamin pero para ata akong pinanawan ng ulirat ng makitang iba na ang mukha ko.
"What the fuck?!!" yun lang ang nasabi ko bago ako nawalan ng malay.
*-----------*
Tang-ina. Paano ako napunta dito? May kumuha ba sa kaluluwa ko at nilagay sa katawan na to? Paano ang katawang lupa ko na naiwan ko? Ano nang nangyari don? Ililibing na kaya yun ni Sandra? Wala na akong aasahan sa tiya ko dahil halata pa sa sikat ng araw na kinamumuhian niya ako.

BINABASA MO ANG
Paper Crown
FantasyAvery Dela Cruz. Averianna Solace Stoneheild Wilson. Two different souls that lives in two different world. One is from the world where science is the true magic that lies and sees beyond the horizon and the other where magics and power truly exist...