Chapter 41:

296 14 0
                                        


"Always remember, my lady. You are bound for greatness."
-Ashley














Chapter 41:









=Avery=



"Lady Solace? Lady Solace?"



Agad akong napaupo kasabay ng paghugot ko ng malalim na hininga ng tuluyan ko nang naimulat ang mga mata. Ramdam ko ang lamig ng hangin at pagdampi nito sa basa kong katawan. I immediately look at Charlotte and notice how red her eyes were as she was soaking wet under the shady sun. May mahabang ilog ang nasa kanan ko habang kagubatan naman sa kabila.



"Where are we?" I aksed her. I still can't process what's happening around me especially when Averianna's memories keeps on popping inside of my head. I can't believe the Oracle asked for her soul in exchange for something she want. Kaya ba ako napunta sa katawang to? Dahil kinuha ng Oracle ang totoong kaluluwa na nagmamay-ari ng katawang to? Pero bakit ako? I was living peacefully in my own world! I was completely normal! Kaya hindi ko talaga magawang intindihin kung bakit sa dinami-daming ligaw na kaluluwa sa Earth eh ako pa talaga!



"I think we're inside of the forest, Lady Solace!" Charlotte's cheerful voice woke me up from my thoughts. Napabuntong hininga na lamang ako bago tumayo at pinulot ang leather bag na maliit na ginagawang sisidlan ng tubig. Nagsimula akong kumuha ng tubig sa malinis na ilog. Sinundan ko ang direksyon ng agos nito saka wala sa oras na napahigpit ang hawak sa dalang sisidlan.



'Malapit na ako, Averianna. At aalamin ko ang lahat ng sikreto mo.'



"Let's go." tumayo na ako ng mapuno ang dala kong sisidlan saka binalingan ng tingin si Charlotte. Pareho kaming nagsimulang maglakad papasok sa kagubatan. Hindi pa kami masyadong nakakalayo sa ilog ng pareho kaming napatigil ng may narinig kaming alulong di kalayuan samin. I immediately look around me while holding the dagger I hid under my clothes. "Stay back." tinago ko si Charlotte sa likuran ko habang hindi tumitigil sa pagtingin sa paligid. Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang sumulpot sa harapan namin ang isang giant white wolf. Sobrang laki nito at purong puti ang balahibo. Itim at bilog na bilog din ang parehong mga mata nito. Napapatingala na lamang kami dahil sa laki nito. Pareho kaming napaatras ng bigla nitong binaba ang ulo nito.



"Wolf.."



"Ceberaian (se-be-ra-yan).."



Pareho kaming napatingin sa isa't-isa ng marinig ang kanya-kanya naming tawag sa hayop na nasa harap namin. "Bakit mo ito tinawag na wolf, Lady Solace?" napatikom ang bibig ko ng marinig ang naging tanong ni Charlotte sakin. Nakalimutan kong nasa ibang mundo na pala ako at hindi wolf ang tawag dito kundi ceberaian!



Hindi ko na nagawang magsalita pa ng biglang umungol ito sa harapan namin. Mas ibinaba pa nito ang ulo niya dahilan para makita namin ang isang babaeng nakasakay dito. Naka high ponytail ang buhok nito na abot hanggang talampakan niya. Itim na itim din ito at mukhang di nagkakalayo ang edad namin base na rin sa mukha nito. Bumaba ito mula sa pagkakasakay sa ceberaian saka lumapit at huminto sa mismong harapan namin.



"Who are you?" I asked suspiciously. Ilang beses kong ibinaba't taas ang tingin dito. Bakit parang may mali sa kanya? And how the hell did she tame a ceberaian? That's a mythical beast for pete's sake! And I didn't even know na makakakita ako nito in real life!



"Both of you are looking for the Oracle, right?" Charlotte nodded with the woman's question habang nanatili pa rin akong nakatingin dito. "I can lead you to her. Sumunod lang kayo sakin." kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Pinigilan ko si Charlotte ng akmang susunod na ito sa babae. I can't just ignore my gut feeling! May mali talaga, eh!



Paper CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon