"Lahat ng ginawa at gagawin ko ay para sa sayo.."
-Prince FrederickChapter 47:
=Avery=
Tangina. Hindi ko talaga inakala na babagsak ako mula sa itaas. Bwiset na Armandong yon. Hindi man lang ako sinabihan na ganoon pala ang mangyayari pag lumunok ka ng teleportation stone! Parang kinuha ng langit ang kaluluwa ko at galit na galit na binagsak sa lupa! At ako naman tong hindi nag-iisip, ni hindi man lang nagtanong!
Nakahawak ako sa bewang ko saka dahan-dahang tumayo. Dumako ang tingin ko sa harapan ko at nakita si Denise na nakagapos kasama ang ilan pang tao habang gulat na nakatingin sakin. Inilibot ko ang buong tingin sa paligid saka napansin ang mga taong mistulang nakahubad na sa suot nito. Infairness sa teleportation stone, exact na exact talaga yung lugar na sinaad ko.
"Who are you?" napatingin ako sa matandang lalaking nasa tabi ko at pinagmasdan ito. Nakasuot ito ng bahag katulad ng iba at marami itong tribal tattoo sa katawan. May hawak din itong baston at parang papunta na sa uugod-ugod stage. Matagal kong pinagmasdan ang matanda kahit na ang postura nito. Ilang matanda na ba ang nakilala ko? Mamaya katulad din ito ng Orakulo na kaya palang magbago ng anyo at bitawan ang hawak na baston at makipagbasag-ulo sakin anytime. "Sin-o ka?" bahagya pa akong nagulat ng marinig ang naging tono nito. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko naintindihan na siya pala ang pinuno ng tribo. Mas may dating kasi siyang tingnan kaysa sa iba.
Bahagya kong iniyuko ang ulo ko sa harapan niya saka tumuwid ng tayo. Dahan-dahang sumibol ang isang ngiti sa labi ko bago ako tuluyang nagsalita.
"I am Averianna Solace Stoneheild Wilson, sir. Nice to meet you." maganda na sana kung kinuha lang niya ang kamay kong nakalahad sa harapan niya. Ilang segundo rin itong nanatili sa harapan niya bago ko ito tuluyang binaba. We were intensely staring at each other for a few seconds until he attacked me using the creeping roots on the floor. I immediately backed away and pointed my hand on his direction. Mula sa kinatatayuan niya ay biglang tumubo ang isang dambuhalang carnivorous flower plant. It started to open its mouth revealing its poisonous smell. Isang pitik ko lang ay tinikom na nito ang bibig niya. I stared at the old man standing a few meters away from me. Sinasabi ko na nga ba at hindi mapagkakatiwalaan ang mga matatanda ngayon! "Nandito ako para tumulong!" I half-shouted. I don't even know why he's suddenly attacking me eh kakarating ko lang. "Look, we need peace not war! And do you really need to attack me?"
This is nonsense! Nagmadali pa akong pumunta rito tapos madadatnan kong nakagapos pala sina Denise dito? At inatake pa ako!
I saw how the old man tap the wooden stick he's holding on the ground for two times before he finally place it in front of him. Kasabay ng pagseryoso nito ay ang biglang pag-iba ng awra nito. He definitely looks like a dignified tribe leader.
"Ako si Áma Bug'tong. Pero lahat ng mga katribo ko ay tinatawag akong Áma." nang magpakilala na ito sakin ay unti-unti akong nabuhayan ng loob. This only means we're safe, right? Hindi na ba siya aatake? Dahil doon ay napag-isipan kong pawalain na ang pinatubo kong carnivorous plant. Ang ilang katribo ni Áma ay pinakawalan din sina Denise na agad namang pumwesto malapit sakin. "Sundan niyo ko." nang mauna na itong maglakad ay sinundan ko ng tingin ang likuran nito. A smirk slowly formed on my lips as ai started to follow him inside of a tree house.
Pumasok kami sa isang maliit na bahay na sinadyang itago sa mayayabong na dahon ng mga puno. Gawa din sa kahoy ang mistulang daanan sa gitna ng bawat puno na nagkokonekta sa kanila. Noticing how vigilant the people are, I observed one thing... they're hiding. Parang may bagay silang tinataguan at pinaghahandaan. They're like eagles that continue to wait, hiding and waiting for the perfect time to attack.

BINABASA MO ANG
Paper Crown
FantasiaAvery Dela Cruz. Averianna Solace Stoneheild Wilson. Two different souls that lives in two different world. One is from the world where science is the true magic that lies and sees beyond the horizon and the other where magics and power truly exist...