Chapter 44:

280 11 4
                                        


"You can never win a battle with doubts in your heart, my child."
-Oracle











Chapter 44:




=Avery=


"The General you thought who died. He's alive, Avery.."

Pareho kong naibagsak ang mga kamay sa mesa ng marinig ang sinabi ng Oracle. Samu't-saring emosyon ang nagsimulang umusbong sakin habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya.

"Ano?" tanging naibulalas ko. Muling bumalik sakin ang sinabi ni Charlotte na namatay na ang dating Emperador na si Maxir. Mismong Maxir ang pangalang binanggit niya kaya paanong sinasabi niya ngayon na buhay ang hinayupak na yun? At kung buhay man siya, sino naman yung namatay? Napatawa na lang ako ng sarkastiko dahil sa iba't-ibang tanong at ideya na pumapasok sa isipan ko. But one thing is for sure. "So that motherfvcking bastard is alive, huh." a smirk slowly formed in my lips as different scenes of me, torturing that fvcker started to play inside of my mind.

"Alam kong inakala mong patay na siya dahil yun ang gusto niya. Alam niyang hindi niya kayang manipulahin lahat ng tao lalong-lalo na ang mga malalapit sa pamilya niyo kaya yun ang ginawa niya. He killed himself in everyone's minds and he also want to bury his past. He gave his self a new name. A new identity for a new start. Emperor Aleev Matthias Syr Blood." para akong binuhusan ng tubig ng dahil sa narinig. Blood? Of course, he's a Blood! I'm so stupid to not even think that he can be his father! Hindi ko ba talaga naisip o iniwasan kong isipin? Pero isn't this too much? Bakit parang sobra naman ata tong nangyayari sakin? Alaric..... siguro nga isa na itong senyales. Hindi kami ang para sa isa't-isa dahil sa kasalanan ng nakaraan. His Father killed Averianna's Father. Hindi man ako direktang involve sa kanila, ay konektado pa rin ako kay Averianna. At pinangako kong bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay niya pati na ang buong pamilya niyang nadamay dahil sa kahayupang ginawa ng Heneral. Kaya dapat ko yung tuparin kahit ano pang maging kalabasan nito. Lalo na't buhay ang taong pumatay sa pamilya niya at nagpahirap sa kaniya.

"W-what are you talking about, Oracle? A-anong kinalaman ng Emeperador sa nangyari sa pamilya ni Lady Solace? A-and what G-general?" mas pinili kong manahimik na lamang habang patuloy na nag-iisip ng iba't-ibang bagay. Narinig ko pa kung paanong pinaliwanag nang Oracle ang nangyari kay Charlotte. Lahat nang yun ay pumasok sa tenga ko at lumabas lang sa kabila.

Alam na kaya ito ni Denise? Does she even know that the one who massacred my family... Averianna's family is still alive? And Alaric.. mabuti na rin na iniwasan ko siya. Tama lang ang ginawa ko. Dapat ko nang alisin lahat ng pag-aalinlangan sakin dahil tama lang ang naging desisyon ko. Tama lang na iniwan ko siya dahil hindi kami pwede. Pinatay niya ang Ama ko.. ang Ama ni Averianna at sisiguraduhin kong mapapatay ko ang Ama niya. At kung mangyari man yun ay wala na talaga akong mukhang ihaharap pa sa kanila. Kaya mas mabuti nang magkalimutan na kami. Ang dapat kong gawin sa ngayon ay mag-isip ng plano. Kailangan kong pag-isipan ng mabuti ang bawat hakbang na gagawin namin lalo na't hindi basta-basta ang kalaban namin. I need to be wiser than him. I need to be stronger than him.

"Avery." agad akong napatingin sa Oracle ng marinig ang pagtawag niya sakin. I turned to my left only to find out that Charlotte have already left the room. Na kaming dalawa na lamang ang nandito. "Where's Charlotte?"

"Pina-alis ko. I need to talk to you. Privately." para na akong sasabog ng marinig ang sinabi niya. Bakit? May idadagdag pa ba siya? May ibabalita na naman ba siyang ikakadurog ko? Sinenyasan niya akong tumayo mula sa pagkakaupo at sundin siya ng magsimula itong maglakad. Kahit na mabigat ang loob ko at parang gusto ko na lamang manatiling nakaupo ay sumunod pa rin ako sa kanya. She opened one of the doors located at the far side of the room. Nakasunod lang ako sa kanya at nang tuluyan na akong makapasok sa silid ay saka ko lamang napagtanto na puno ng salamin ang buong kwarto. Bumungad sakin ang sariling repleksyon mula sa iba't-ibang bahagi ng kuwarto. Nagtaka ako ng hindi ko makita ang Oracle. Ilang beses akong nagpaikot-ikot sa buong kwarto pero hindi ko talaga siya makita. Kahit ang mismong pintuan na pinasukan namin ay wala na rin. What the hell?! Dinala ba niya ako dito para iwan at ikulong? Sa mismong oras na gulong-gulo ang isipan ko? Nagpapatawa ba siya?

Paper CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon