Ganyan? Vote-vote na lang pag nakabasa? Ginagawang book mark ang vote?
Tss, comment naman! Please??? Haha pramis pag nagsipag kayong magbigay ng comment, magsisipag din akong mag-upload ng chapter.
Ang upload na ito ay dahil umakyat si Prince sa #176 last week kahit walang update. Kaso mababa na ulit ang rating niya. Pag umakyat ulit siya sa mataas, mag-a-update ulit ako ^_^ at syempre, depende yun sa ibibigay ninyong feedbacks wahahahahaha
PS. SPG ahead bwahahahahah
--
Chapter 3: Playful Prince
Paulit-ulit niyang sinampal ang mukha gamit ang magkabilang kamay. Mabuti at walang ibang tao sa loob ng CR nang mga oras na iyon kung hindi ay magmumukha siyang sira.
"Wake up, Cindy, wake up! Wala na siyang pakialam sa'yo. Kinalimutan ka na niya. Oo mo na lang ang kulang at gagawin niyang hobby ang paglalaro sa feelings mo at sa lahat ng pinagsamahan ninyo."
Pinagalitan niya ang sarili. Gusto niyang matauhan.
Si Prince. Sinisira niya ang mga alaala naming dalawa. Yun na nga lang ang souvenir ko sa kanya, binababoy niya pa. Ginagawa niyang katatawanan. Yung mga bagay na pinanghahawakan ko, tinatapakan niya naman.
Napasinghot na lang si Cindy. Agad niyang pinunasan ang luhang tumulo mula sa kanyang kanang mata. Pinilit niyang kalmahin ang sarili nang sandaling buksan niya ang kanyang bag. Para pagtakpan ang biglaan niyang pag-iyak, kailangan niyang mag-retouch.
***
"A-Asan si Maddy?" ang agad naitanong ni Cindy nang si Prince lang ang maabutan niya sa mesa. Wala si Maddy. Malinis na rin ang pwesto nito. Wala na ang plato nito ng pagkain, maging ang gamit nito kaninang baso.
Sa halip ay natagpuan niya sa mesa ang isang bagong plato ng pagkain para sa kanya. May paperbag naman malapit kay Prince, malamang ay ang pina-take out nitong morcon na inorder kasabay ng kanya. Nakapag-bill out na rin si Prince.
Hinintay ni Prince na makaupo si Cindy bago niya inalis ang tingin sa kinakain niyang banana split. "Umalis na."
"Umalis?"
"Yup!" painosenteng sagot ni Prince. "Naalala niyang may check up nga pala siya kaya nagmamadaling umalis, hindi na nakapag-paalam sa'yo. But don't worry, andito pa naman ako eh."
Kinilabutan si Cindy nang bigla siyang kindatan ni Prince.
"Anyway, your food's arrived. Kumain ka na bago pa yan lumamig."
Hindi umimik si Cindy. Patung-patong na ang dahilan niya para lalong mailang sa binata. Dapat yata mag-resign na 'ko hindi pa man ako pumipirma ng kontrata.
Tumungo si Cindy sa kanyang pagkain. Kinuha na niya ang kanyang kutsara't tinidor. Binuhaghag niya ang kanin saka ginamit ang kanyang kutsara para humiwa ng maliit na bagahi sa isa sa apat na hiwa ng morcon sa plato.
"Akin na." Agad napatingin si Cindy kay Prince. Kinuha ng binata ang mga kubyertos sa kanyang kamay. Nang makatapos siyang maghiwa ng maliit na piraso ng morcon, tinusok niya ito gamit ang tinidor. "Ito na, ah."
Sa halip ibuka ang bibig, napatulala lang si Cindy kay Prince.
"Ah," pilit ni Prince sabay salubong sa mga mata ni Cindy.
Nakaramdam agad ng pagkailang si Cindy kaya sinubukan niyang bawiin ang tinidor kay Prince. "A-Ako na."
"I insist," sagot ni Prince. "Susubuan kita. Ah na kasi."
BINABASA MO ANG
Prince So Charming: The Wicked Continuation
General FictionTalagang ang lahat ay nag-iiba. Matapos mawalan ng alaala, bumait na ang malupit na Cinderella. Ang prinsipe niya namang dati-rati'y lagi lang sa tabi niya ay pinili nang lumayo dahil na rin sa patuloy niyang pagtulak rito. Makalipas ang apat na tao...