Hindi ko alam kung anong meron, kung anong nangyari o may sikat na tao bang nag-promote ng story ko... pero within this week, biglang nag-skyrock yung rankings ng ma-pride nating mga bida. Imagine, mula sa labas ng top 1000, as of this writing, rank #173 in Romance si Cindy. Si Prince naman ay #292 in General Fiction. Seriously, ngayon lang nila na-achieve ang mga bilang na yan. Actually, si Cindy nga never pang umabot sa #600 dati hahahah.
Hindi ako makapag-note kay Cindy para magpasalamat sa lahat ng nagbabasa sa kanya dahil tapos na yung kwento niya. Kaya dito na lang (hoping na yung mga nagbabasa kay Cindy at tutuloy dito pagkatapos).
Thank you very much sa inyong lahat. Lalo na sa mga nagbibigay ng feedbacks. In fairness ha, may 67 reads si Prince within 7 days. Dati isang buwan na wala pa sa sampu! Ahahaha! Sana sa susunod marami na ring votes and comments. Sana... pag nangyari yon, baka iwasan ko na ang super hahabang notes na tulad nito. Baka lang ha? Ahahahahaha
Last hugot. Sa lahat ng excited sa update.... ganyan? Kung kailan ako walang back up saka maraming nanghihingi ng update? Aruuy. But for the past couple of months, napansin kong weekly na ako mag-update. Wee, congrats to me XDD Mabuhay ang mga tulad kong batugan bwahahahahh!
Ipag-pray n'yo po sanang pumasa yung MS ko sa MSV. Yung MS ko kasi sa PHR hindi na pinansin eh. Ni hindi sila nagbigay ng feedback kahit isang buwan na akong nagpa-follow up T_T Kapag nakapasa yung MS ko at naging writer ako, ipapasa ko yung kwento ni Cindy for Pink & Purple publication hahaha (at hindi ko na kailangang maghanap ng trabaho bwahahahah! Ang tamad ko talaga)
Dedicated sa humihingi ng kilig moment... wala akong lablayp kaya wala akong alam sa kilig-kilig na yan hahahahah
No proofread. Sarreh
-----
Chapter 22: Bugged by the Prince
"Prince?" usal niya nang makumpirma ang mukha ng kaharap. Sa kabila ng hilo't ilang hakbang nilang pagitan, sigurado siya sa nakikita. "Anong ginagawa mo rito?"
Yumuko ito ngunit hindi sumagot. Humakbang siyang muli. Lumapit. Pinipigilan niya ang sariling abutin ang braso nito. Naroon pa rin ang takot niyang baka maglaho ito sa manipis na hangin sa oras na hawakan niya. Imposible nga naman kasing puntahan siya nito.
"I'm sorry."
Natigilan siya sa narinig. Boses iyon ni Prince. Ngayon ay talagang sigurado na siya.
"I'm sorry," ulit nito.
Bago pa siya makausal ng anuman ay natupok na nito ang distansya sa pagitan nila. Natagpuan niya na lang ang sariling kaharap ang dibdib nito. Nasa loob na siya ng mainit nitong yakap. Mainit at mahigpit. Tila sinasabing hindi na ito bibitiw pa kailanman.
"Anong ginagawa mo?" Gusto niya itong sawayin at sigawan ngunit isang mahinang tinig lamang ang kumawala sa kanyang mga labi. Tila ba lahat ng dinadala niyang galit ay naglaho nang oras na makulong siya sa bisig nito.
"I'm sorry, Cindy," hinging-paumanhin nito sa ikatlong pagkakataon. Pakiramdam niya'y lalo pang humigpit ang yakap nito sa kanya. "Mali ako. Nasaktan kita. Naging duwag ako at inuna ko ang nararamdaman ko. Pero alam ko na ngayon na mali ako. Kaya sana patawarin mo 'ko. Sana bigyan mo pa 'ko ng isa pang pagkakataon para patunayan sa 'yo ang sarili ko. Cindy, mahal na mahal kita."
Maluha-luha na naman ang mga mata niya. Naguguluhan siya sa nangyayari. Totoo ba ang lahat? Parang totoo. Nararamdaman niya ang init ng yakap ni Prince. Naririnig niya ang tibok ng puso nito. Pero hindi niya makuhang maniwala.
"T-Teka." Kumawala ang isang tawa sa bibig niya. Itinulak niya si Prince ngunit nagawa nitong panatilihin ang mga kamay sa kanyang mga balikat. "Ano ba 'to? Ginu-good time mo na naman ba 'ko?"
BINABASA MO ANG
Prince So Charming: The Wicked Continuation
General FictionTalagang ang lahat ay nag-iiba. Matapos mawalan ng alaala, bumait na ang malupit na Cinderella. Ang prinsipe niya namang dati-rati'y lagi lang sa tabi niya ay pinili nang lumayo dahil na rin sa patuloy niyang pagtulak rito. Makalipas ang apat na tao...