Author's Note

1.7K 43 10
                                    

Yeah, AUTHOR'S NOTE. Next week pa ang update.

First things first. Dahil nagkapirmahan na, aamin na ako. Yep. Na-approve ng Bookware ang manuscript na ipinasa ko sa kanila last... uhh... March? Basta, yon. That was the same reason kung bakit ako nag backout sa WWBY '16.

So thank you sa lahat ng nagbasa ng prayer na pinost ko, lalo na sa talagang isinapuso yung prayer hahaha. Hindi ko pa lang alam kung ipa-publish yung work ko sa paperback or as ebook. Yon din kasi ang sinabi sa 'kin after kong kunin 'yong paycheck ko. Babalitaan ko na lang kayo kapag binalitaan din nila ako hehe. Pag na-publish siya sa paperback, sana bumili kayo <3

Soon, I'm going to attend a writing workshop hosted by Bookware, hopefully ma-apply ko kung ano man ang matutunan ko sa workshop para mas maging mabilis ang pagsusulat ko.

'Yon nga palang Three Months After... ipopost ko na 'yon ng buo, I guess within the week. Pero buburahin ko rin after some time, kayo na ang bahala kung babasahin n'yo or hindi. Pero sana basahin n'yo yung story na susunod kong ipopost. It's entitled Til Life Do Us Part.

My plan is to make it a 20-30 part story. Ipapasa ko 'yon sa Bookware pag natapos ko na. And sana ma-approve din 'yon at ma-publish under Pink & Purple. Sa ngayon kasi, hindi ako confident na papasa sina Cindy at Prince kahit ipasa ko. Masyadong maraming holes sa story. Hindi rin realistic ang maraming eksena sa libro ni Cindy. Pero syempre lilinisin ko 'yon kapag nagka oras na ako. And hindi rin ako confident sa ngayon sa iba kong ongoing/ hiatus stories. Hopefully maituloy ko rin sila pagkatapos ng workshop.

Again, thank you for praying for me, and please keep praying for me :) Mas malakas ang prayers kapag ginagawa mo 'yon para sa iba kaya mas effective kapag iba ang nagdadasal para sa 'yo at intentions ng ibang tao ang ipinagdarasal mo :)

Ano pa ba... ah, yun lang yata hahahah.

And as a reward for all those who are reading this note... may special chapter ako para sa inyo! Yey!

Now let's see kung ilan lang talaga ang nagbabasa ng AN wahahahaha.

Feeling ko masasayang 'tong special chapter T_T 

Comment sa nagbasa ah? Wiw.

***

Special Chapter (with leche flan and vanilla ice cream on top XD)


Nakaunan si Prince sa kaliwang braso, ang kanan niya'y kanina pang nakapaikot sa manipis na baywang ni Cindy. Mataas na ang araw ngunit mahimbing pa rin ang tulog nito. Hindi niya ito masisi. Malalim na ang gabi nang magsitulog sila. Anong oras nga ba? Alas diyes? Alas dose?

Pasado ala una na yata.

Napangiti na lang siya nang maalala kung gaano sila kasaya kagabi. Moved on na sila sa mga bagay na hindi na nila gustong balikan. Wala ring ilangan sa pagitan nila. Gusto nilang bumawi sa isa't isa kaya sinulit nila ang bawat sandali.

Lumabas sila para bumili ng ice cream. Tig-isang pint sila pero pag-uwi ay inuna nilang kainin ang flavor na napili niya. Dahil hindi niya naman hilig ang matamis, mas nag-enjoy siyang makinig sa mga kuwento ni Cindy kaysa sa pagkain. Noon na lang ulit sila nakapag-usap nang ganoon—kaswal, malaya at walang ibang iniisip. Basta masaya lang sila sa piling ng isa't isa.

Hinaplos niya ang buhok ni Cindy. Nang hindi makatiis ay inilapit niya ang sarili rito. Masuyo niya itong hinalikan sa noo. Saglit na nangunot ang noo nito, nagising yata. Bakas sa pupungay-pungay nitong mga mata ang antok.

Prince So Charming: The Wicked ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon