Mali pala ako nung sinabi kong first time maka-200 something ni Prince. Nag-back read kasi ako kanina, including ANs. Umabot na pala siya dati sa 249 bwahahahahah. Pero salamat pa rin sa inyong lahat <3
Spoilers:
1. Hindi magkakaroon ng bagong manliligaw si Cindy. (May nakapansin bang pasulpot-sulpot lang sa kwento si Johan? Walang kwenta ang role niya. Ibalik si Zach! Echos! XD)
2. Hindi yayaman si Cindy. Ayoko lang. Ayokong tumaas ulit ang ere niya. And that's so cliché. Ano, Marimar ang peg? Kailangan yumaman para makapaghiganti? Ahahahahah
3. Aalis din siya sa office (yata). Ang alam ko... kung tama ang iniisip ko. Ahahaha. Something like that.
4. Hindi na babalik ang ala-ala niya. Masyadong cliché kapag ganon. Usually kasi ang purpose ng pagbabalik ng memories ay para sirain ang current happy memories. Para ibalik ang sadness, bitterness and all... Pero kahit walang memories si Cindy, bitter pa rin siya bwahahahahah. So hindi na babalik ang memories niya. Sa totoong buhay kasi, hindi lahat ng nagkaka amnesia ay bumabalik pa ang alaala. Maiba naman!
5. Walang happy ending. Hindi sila magkakatuluyan dahil babangon sa hukay ang parents ni Cindy at kakainin ang utak ni Prince. Yes, mag-iiba ang genre ng story from genfic to zombie. I really hate cliché!
Pero syempre eching lang yung number five ahahahaha!
Hops, meron pa!
Sobrang labo-labo na talaga yung kwento dahil hindi ko nasundan ang aking imaginary outline. Pagpasensyahan na po please. I'll try to edit and sort things out kapag tapos ko na itong isulat. (Yeah right, yan din ang sinabi ko kay Cindy -_-)
Yung mga scenes dito, dapat dati pang nangyari pero hindi ko nailagay.
Ang gulo ng kwento no? Away-bati sila palagi? Nakakabobo. Pero last na 'to kasi lalasunin na ni Cindy si Prince kaya ending na. Bwahahahahahah!
LAST!
At dahil feeling famous na ako... tweet me your thoughts using the hashtag #WattpadPrinceSoCharming
I'll see you guys on twitter! :)
Pero dahil walang nagbabasa ng AN, walang magtu-tweet </3
PS. At dahil ako'y sabog, sabaw at brokenhearted (echos), short update lang....
Chapter 23: Frustrated with Prince
"Coffee? Coffee na naman? Ano bang akala niya sa 'kin, barista?"
Halos mabasag ang tasang kinuha ni Cindy mula sa dish dryer nang ipatong niya sa mesa. Padabog niya ring kinuha't isa-isang tinanggalan ng takip ang lalagyan ng kape, muscovado at creamer. Paqrang sa mga walang kalaban-labang bagay niya gustong ibunton ang asar kay Prince. Kahit pa sa totoo lang ay hindi niya alam kung kay Prince nga ba siya galit o sa sarili niya.
Tama si Prince, gusto niya ang loko. Mahal niya ito. Pero, hindi sa nagpapakipot siya, takot lang talaga siya. Paano nga kung tama ang hinala niya? Na kinukuha lang nito ang loob niya para paiyakin na naman siya?
Pagod na siyang masaktan. Ayaw niya na ring magmukhang tanga. Kahit gusto niyang patawarin si Prince at buksan ang puso niya rito, inuunahan siya ng pagdududa.
It wasn't just her pride. Her still broken heart is at stake. Hindi pa iyon lubusang naghihilom lalo't wala pang bente kwatro oras mula nang mag-sorry sa kanya si Prince. At kahit linggo o buwan pa ang lumipas, hindi madaling magamot ang nagkadurog-durog na niyang puso. Aba't ilang beses na ba iyong nabasag ng binata?
BINABASA MO ANG
Prince So Charming: The Wicked Continuation
Fiksi UmumTalagang ang lahat ay nag-iiba. Matapos mawalan ng alaala, bumait na ang malupit na Cinderella. Ang prinsipe niya namang dati-rati'y lagi lang sa tabi niya ay pinili nang lumayo dahil na rin sa patuloy niyang pagtulak rito. Makalipas ang apat na tao...