Chapter 42

1.8K 31 2
                                    


HOPS! Huwag munang magdiwang dahil sa agarang update. Depende sa pagkakaabalahan ko next week, baka sa June na ulit ako makapag-post, and I mean second week of June. Since malapit na ang pasukan—meaning, many of you would lose the luxury of checking your libraries from time to time—I thought of making an update schedule. Para di na kayo masyadong mag-isip kung nakapag-UD na ba ang tamad na si Nhovee o nganga pa rin siya LOL.

So, ang plano ko, every Fridays na ang UD ni Prince hanggang sa matapos siya. Gaaah. I need to finish it with only 50 chapters.. hopefully magawa ko haha. Or 60 siguro?

Also....

Oh yeah, there's a new and better way to plug...

These are my two new stories OvO sana mabasa n'yo rin sila <3 (tas yung iba kong stories, hindi na nadugtungan lels)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

These are my two new stories OvO sana mabasa n'yo rin sila <3 (tas yung iba kong stories, hindi na nadugtungan lels)

Double Kill Rejection

  – teen fiction, humor, romance  

– will be updated every Mondays (hopefully) starting June 6 (hopefully ulit)

Till Life Do Us Part

– paranormal, romance, general fiction 

– will be updated every Wednesdays (hopefully na naman) starting June 8 (at isa pang hopefully)


Yown. So sana masuportahan n'yo pa rin ako kahit matapos na si Prince :)

PS. Ngayon lang ako nag-check ng hashtag... may nag-tweet pala? heartness!!!

PPS. Yes! Nakapag-UD ako... di ko kailangang i-uninstall yung minion rush at vlc player lels

#NoProofread

---------------


Chapter 42:

Bukas ang pinto pero kumatok pa rin si Prince bago pumasok sa silid ni Cindy. Parang hindi naman nito nadama ang presensya niya. Tuloy lang ito sa paglalagay ng damit sa bag. Ngayong hapon na sila bibiyahe pabalik ng Maynila.

"Anything wrong, Princess?" tanong niya matapos mabakas ang lungkot sa mga mata nito.

"Ngayon pa lang ako nag-e-enjoy dito tapos uuwi na tayo?" nakalabing anito, parang isang batang nagmamaktol dahil hindi nasunod ang gusto.

Tinabihan niya ito ng upo sa kama saka nilambing ng yakap. "Sorry Princess, biglaan kasi ang pag-alis natin eh. Natambakan na naman ako ng trabaho. Marami akong kailangang ayusin. Kaya kailangan kong umuwi. Coming to think of it, ikaw, pwede kang mag-stay kung gusto mo."

Muli itong sumimangot. "What's the point of staying here kung wala ka naman dito? Introvert ba 'ko? Hindi rin ako mag-e-enjoy kung mag-isa lang ako."

Prince So Charming: The Wicked ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon