Chapter 1: The Prince's Come Back

5.8K 138 18
                                    

Dedicated sa may mabuting loob na nagbigay ng fanfic ^_^

Basahin niyo po ang nakakakilig, nakakatuwa at nakakawindang na fanfic mula kay binibining @eNNI_29 :)

———

Chapter 1: The Prince's Come Back


"President?" kunot-noong salubong ng Human Resource Director sa lalaking naabutan niyang nakaupo sa kanyang silya. Nakataas pa ang mga paa nito sa malinis niyang mesa. May hawak itong folder, tila pinakikialaman ang mga papeles na siya dapat ang bumabasa.

Ngumiti ang lalaki sa tunay na may-ari ng opisinang iyon. "Sandra! You've arrived! Lalo kang gumaganda ah?"

Pilit ngumiti si Sandra. "May kailangan kayo sir?"

"Kabuwanan na ni Maddy di ba? Malapit na siyang mag-leave, pero wala ka pa ring pinapakilalang bagong secretary ko."

Pinigilan ni Sandra ang kagustuhan niyang paikutin ang mga mata. Kahit bastos ang lalaki ay  nakatataas pa rin ito sa kanya at dapat niyang igalang. Inulit niya ang pilit niyang ngiti. Aniya, "Naghahanap pa po ako ng pwedeng pumalit kay Maddy."

"How about her?" Ibinaba ng lalaki ang hawak niyang folder sa mesa. Sinadya niya pa iyong ilapag nang nakaharap kay Sandra.

Aynera, Cindy Romero ang mga unang salitang nabasa ni Sandra nang ibaba niya ang tingin sa resume na ihinain sa kanya.

Hindi na hinintay ng presidente ang sagot ni Sandra. Tumayo na siya para umalis matapos sabihing, "Make her report to my office as soon as possible."

Napailing na lang si Sandra matapos kunin ang folder sa mesa niya. Saglit niyang tinitigan ang nakangiting letrato ng aplikante. "Iba talaga 'tong si sir! Ang bilis ng mata sa maganda!"

Ang hindi niya alam, iba sa niisip niya ang plano ng presidente.


***

"Marunong kang magbasa at mag-analyze ng financial statements, T-accounts, yung mga ganon?"

"Yes ma'am. May 18 units po ako sa accounting kaya alam na alam ko po yan."

Malinis at simple lang ang ayos ni Cindy para sa maagang appointment niya ngayong araw. Nakasuot siya ng dark blue na blazer. Sa ilalim niyon ang isang puting blouse na tinernohan ng pink na mini skirt at pares ng itim na high heels. Malinis na nakapusod ang maikli niyang buhok. Simple't manipis na makeup lang ang gamit niya sa maputi niyang mukha, natural na natural ang dating nito. Bagay na bagay sa palangiti niyang mga labi ang gamit niyang pink lipstick.

Ngayon ang job interview niya sa La Madrid Hotel Manila. Mahigit isang buwan na rin mula nang ipasa niya ang resumé niya doon. Akala niya'y hindi na siya matatanggap pero, tadhana nga naman, nakatanggap siya ng tawag mula sa hotel kahapon.

"Good, good! Anyway hindi ka naman sa accounting mapupunta kaya kahit basics lang ang alam mo, okay na. Mostly, mga ganung bagay ang kailangan mong gawin para kay President eh."

"President?" hindi maiwasang maitanong ni Cindy.

"Ah, oo. Yung inaaplayan mo kasing position is sa sales and marketing, di ba? Bali, wala pa kaming available slot sa sales eh. Pero based kasi sa mga skills mo, mukhang pwede kang secretary ni President. Pero yon ay kung okay lang naman sa'yo."

Ngumiti si Cindy. "Okay lang naman po."

"Talaga? That's good! Kaso kailangan flexible ka pati sa time mo. Hindi ka pwedeng umuwi hangga't andyan pa si President. Though madalas naman maaga siyang mag-out kaya malamang na maaga ka ring makakauwi. But just in case lang na mag-overtime siya, kailangan mo ring maiwan. But of course, may overtime fee ka naman eh. Okay ka lang ba dun? Wala ka bang curfew or anything?"

Prince So Charming: The Wicked ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon