Not an Update. Again?!

1.6K 27 11
                                    

Yeah, not an update. Mag-e-excuse letter lang po ulit ako...

To whom it may concern, (echos!)

Higit isang linggo na po mula nang huling update. Alam kong sinabi kong babawi ako pero hanggang ngayon wala pa. Sorry po talaga. Busy lang po ako noong nagdaang Holy Week. Kasi nga (nasabi ko na ba?) projector operator ako sa parokya namin. Nung Good Friday nga eh halos buong araw ako sa labas.

6:30 am - sama sa parish wide Stations of the Cross (until around 10am)

11:30 am - nasa church para ayusin ang songs na gagamitin sa siete palabras

1:00 pm - Siete Palabras (until around 2:30pm)

3:00 pm - first day of Divine Mercy Novena 

3:30 pm - inaayos ang readings para sa Veneration of the Cross

4:00 pm - Veneration of the Cross

Around 5:30 ata natapos yung Veneration.. hindi na ako nakasama sa Procession pagkatapos kahit taon-taon akong sumasama sa procession ng Sto. Entiero, kasi kailangan ko namang ayusin yung readings para sa Easter Vigil.

The next day, 4 am pa lang gising na ako para ayusin yung powerpoint presentation ng Easter Vigil. Hindi ko pwedeng gawin yon ng hapon dahil may general rehearsal ng 9 am sa simbahan. Nakauwi ako ng around 12 nn from gen rehearsals. 

Habang nasa bahay, tinatayp ko naman yung readings para sa Sunday Mass.

4:30 pm, nasa simbahan ulit ako para sa second day ng novena. Tapos umuwi. Tapos balik simbahan na naman ng 8 pm para sa Easter Vigil mismo.

Siguro mga 11 na ako nakauwi... tapos regular Sunday schedule ako kinabukasan. Nanood lang ako ng TV sandali pero nakatulog din ako dahil ilang araw na akong puyat.


Ngayong week naman, medyo mas nakahinga ako dahil hapon na ako pumupunta ng simbahan para sa novena. Pero wala pa rin akong maisulat. 

So kung last week, oras ang problema ko, ngayon, sarili ko na mismo. Nakatanga lang ako sa laptop pero wala akong maisulat. Kapag may nasimulan ako, buburahin ko kasi may mali. Tapos gagawa ng bagong paragraph tapos bura na naman. Parang yung nangyari sa kin kahapon. Hindi ko alam kung saan ko sila dadalhin, sa Batangas ba o sa Baguio? Hindi ko rin alam kung may dagat sa Baguio.

Akala ko makakagawa ako ng update nung katapusan para may maipost ako kahapon (April 1) pero lintek na dysmenorrhea yan, muntik pa akong hindi makapunta sa novena! Kahapon naman, tinry kong magsulat pero wala talaga akong mapiga sa utak ko. Batangas ba o Baguio? Sa private vacation/ beach house ba dadalhin ni Prince si Cindy o sa isang hotel sila tutuloy? Alam ko yung mangyayari pero kulang ako sa detalye. Ayoko naman kayong tipirin sa details para lang may maging update ako. Ang laki na nga ng utang ko, kukupitan ko pa yung paunang bayad? No fair!

Siguro kinalawang lang ulit ako dahil nga nahinto ako sa pagsusulat. This week naman, *ehem* pupunta ako/ kami sa Bataan... outing ng parish staff (yahoo!) kaya baka wala pa rin akong maging update. Pero susubukan kong magsulat as soon as makabalik kaming Manila. Or baka bitbitin ko yung laptop, baka doon ako makahanap ng inspirasyong magsulat hehe.

Ayun. Excuse letter lang talaga ito. 

Pasensya na po talaga. Gustong gusto kong mag-update pero wala talaga akong pang-update. Anyway, hindi ko naman nakakalimutan yung sinabi kong babawi ako. Kailangan ko lang talagang makabalik sa "mood" and after that, mag-a-update ako once na meron na akong naisulat na matino. 

I'll also continue writing Maling Gayuma/ Love Potion Gone Wrong and Allen Miranda (plug lang.. sana basahin nyo kasi itutuloy ko na yun) once I'm back on track.

Sorry po talaga. Hanggang sorry lang ang kaya kong ibigay sa inyo ngayon. 

Hindi na naman ako nakakapagbasa ng comment kasi natatakot akong baka nagagalit na pala kayo sa tagal ng update. But... speaking of comments...


Once na matapos na itong Prince So Charming, at kapag umabot na ng 200K yung reads ni Cindy, gagawa ako ng video reaction sa mga comments sa The Wicked Cinderella. Marami sa mga comments don ang hindi ko na nabasa. Sa video reaction na lang ako magre-reply haha. 

Kaya sa mga may pahabol na comments or violent reaction kina Cindy, Prince, Stephanie, or kay Aya siguro dahil sa panlalandi niya dati kay Prince... comment nyo lang! I'll be reading them soon!

Sa susunod na lang din ako magbibigay ng dedics kapag tapos na tong story. 

Pramis malapit na malapit na itong matapos. Kailangan ko na lang ayusin yung flow ng story kasi medyo labo-labo pa siya sa isip  ko (kaya rin hirap akong ituloy ang pagsusulat).  Pero patapos na talaga to!

Kaya sana huwag muna kayong bibitiw. Kung iiwan n'yo man 'tong story dahil mabagal ang update, sana ay balikan n'yo kapag may update na. Pasensya na po talaga.


Sincerely,

Nhovee

Prince So Charming: The Wicked ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon