Chapter 5: Prince and I

4.1K 154 27
                                    

"Oh my God! He really did that to you?" Walang paglagyan ang tawa ni Aya nang maikwento ni Cindy ang nangyari sa restaurant noong silang dalawa na lang ni Prince.

Naroon sila ngayon sa maliit na apartment na inuupahan ni Cindy. Isang studio type na apartment na tama lang sa kanya. May dingding lang na naghihiwalay sa kusina at sala. May iisang kwarto at may maliit na banyo. Mula nang piliin niyang mamuhay mag-isa, doon na siya tumira.

"Sige, tawa pa!" asar na sagot ni Cindy. "Nakaka-badtrip kaya. Ang lakas pa niyang mang-powertrip. Imagine, may coffee maker naman sa office, pinabili pa 'ko ng kape sa Starbucks! Buti sana kung ang lapit ng Starbucks dun. Ang layo kaya ng nilakad ko. At take note, naka-heels ako ah! Bwisit talaga."

"Pero aminin mo, anong naramdaman mo nung makita mo ulit siya?"

Saglit na natahimik si Cindy. Naiiwas pa niya ang tingin kay Aya.

"Ano nga? May feelings ka pa rin ba?" pilit ni Aya. "You don't have to hide anything from me, my dear. Alam naman natin parehong kaya hindi mo magawang sagutin ang kahit sinong manliligaw mo for the past four years ay dahil sa kanya. Hinihintay mo siya. Now tell me, now that you've seen him, how do you feel? Talaga bang mahal mo pa rin siya?"

Nakalingon pa rin sa malayo, sumagot si Cindy. "Mahalaga pa ba yung nararamdaman ko? Eh ano kung mahal ko pa rin siya? Hindi naman mababalik no'n yung nakaraan. Lalong hindi no'n kayang ibalik yung dating Prince. Iba na siya ngayon, Aya. Ibang-iba na siya."

***

Nakapamulsa si Prince habang naglalakad sa mahabang hallway papunta sa kanyang opisina. Dulong silid iyon sa ikatlong palapag. Itinaas niya ang isang kamay para silipin ang oras sa suot na relo. Pasado alas nuebe na pala. Paniguradong nakarating na si Cindy.

Ang ganda ng maliit niyang ngiti nang sandaling buksan niya ang pinto papasok sa malaking silid. Para siyang sabik na sabik na makita ang dalaga. Ilang hakbang mula sa bukana, isang maikling pasilyo ang daraanan bago marating ang pinaka opisina ni Cindy. Padaan na roon si Prince nang marinig niya ang pag-uusap ng dalawang pamilyar na tinig.

"Hindi okay lang, naiintindihan ko." Boses ni Cindy.

"So, kamusta naman yung first day mo kahapon? Keri ba?"

"Hm, okay lang naman."

Agad nawala ang ngiti ni Prince nang makilala ang pangalawang boses. Sandali pa siyang huminto sa paghakbang. Seryoso na ang ekspresyon ng mukha, inayos niya ang buhol ng suot na kurbata bago siya muling naglakad.

"Medyo mahirap pero pwede na rin!"

"Ah mabuti naman."

Sabay napatingin ang dalawa kay Prince nang lumiko na ito mula sa pasilyo.

"President," si Maddison. "Good morning po!"

"Good morning sir," walang sigla't tila napipilitang bati naman ni Cindy.

"Good morning!" sagot ni Prince na may pilit na ngiti. Tumingin siya kay Maddison. "Maddy! You're here! Tamang-tama. May sasabihin ako eh." Muli, nawala ang ngiti niya. "Come to my office." Matapos ang malamig na pagpapatuloy, dumiretso siya ng lakad papasok sa sariling opisina.

Sandaling nagkatinginan ang dalawa ngunit agad ding sumunod si Maddison.

Nakatalikod si Prince mula sa pinto nang datnan siya ni Maddison sa loob. Anito, "Ano po yung sasabihin ninyo president?"

Dahan-dahang pumihit si Prince paharap sa buntis na sekretarya. Seryosong-seryoso pa rin ang mukha nito, dahilan upang makaramdam ng kaba si Maddison.

Prince So Charming: The Wicked ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon