Chapter 9: Prince Plays With Fire

3.3K 124 8
                                    

Agad tumikhim si Cindy para istorbohin ang pares ng ibong naaabutan niyang nagtutukaan. Kumatok naman siya pero mukhang wala na talaga sa bokabolaryo ng lalaki ang salitang privacy at hinayaan siya nitong makita ang lahat.

Sandaling naghiwalay ang labi ng dalawa ngunit nanatili silang magkayakap. Nakatanaw lang sila kay Cindy, bitbit nito ang isang tasa ng mainit na kape.

"Ilagay mo na lang yan sa table ko," utos ni Prince. "Thank you." Sa pagkakataong ito, walang naramdamang kilig si Cindy nang ngitian siya't kindatan ni Prince.

Hindi na tatalab sa'kin yan! "May kailangan pa po kayo sir?"

"Wala na," si Stephanie ang sumagot. "Pwede ka nang lumabas."

Yumuko lang si Cindy bilang paggalang tapos ay lumabas na nga siya. Sakto sa pagsasara ng pinto ang paghiwalay ni Stephanie sa fiancé. Napa-aray na lang si Prince nang hampasin ng dalaga ang dibdib niya.

"Sinadya mo yon 'no?"

"Ang alin?" painosente't nakangisi pang tanong ng lalaki.

"Sinadya mong landiin ako para makita ni Cindy. Prince, seriously? Hanggang ngayon ba naman-"

"Excuse me? Are you telling me I'm not over her yet?"

"Sa'yo nanggaling yan, hindi sa'kin," giit ni Stephanie.

Sumeryoso ang mukha ni Prince. "Wala ka bang tiwala sa'kin?"

"Wala." Diretsong sagot ni Stephanie. "And if that wasn't your intention, why would you think I was thinking that? Ano bang ginagawa mo? Ano bang gusto mong mangyari, yung bumalik si Cindy sa'yo? Duh, she was never yours in the first place!"

"Stop it, Stephanie!" Nag-iba na rin ang tono ni Prince. "Stop accusing me of stupid things." Naglakad na siya pabalik sa kanyang silya at nag-asikaso ng kung ano-anong papeles.

"Then why are you acting like you're guilty? Kung hindi yon ang intensyon mo, bakit siya nandito?"

"She's here to work, for goodness sake!"

"As your secretary? At asan si Maddy?"

"Maddy's about to give birth okay? Karapatan niyang mag-leave."

"At talagang si Cindy ang pumalit sa kanya?"

"Stephanie, stop putting it like I was the one who made her work here, okay?"

"Bakit, hindi ba?"

"Hindi." Hindi ko aaminin. "Kusa siyang nag-apply at siya ang tinawagan ng HR."

"Wala kang kinalaman do'n?" pilit ni Stephanie.

"Wala." Prince took his cup and had a sip.

"Oh, really?"

"Why can't you trust me?"

"Let's just say since you've changed, you've become not-so trustworthy."

Ngumiti lang si Prince. Inilapag na niyang muli ang puting tasa sa pares nitong platito. Kaunting-kaunti lang ang ibinawas niya sa kape, mga isa o dalawang kutsara lang siguro. "You mean you're just jealous?"

"Excuse me?" Lalong lumapad ang ngiti ni Prince nang tumaas ang kilay ni Stephanie. Tulad ng kanyang inasahan. She's guilty, he thought.

Tumayo na muli si Prince. "Come on; let's go out so I can play boyfriend to you this time."

"Play boyfriend?"

Napalingon si Prince kay Stephanie nang hindi ito sumunod sa naglalakihan niyang mga hakbang. Malapit na siya noon sa pinto. "Did I say play? Well what I mean is it's time that I play my part as your boyfriend. Come on!"

Prince So Charming: The Wicked ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon