Chapter 36

2K 48 14
                                    


PLEASE DON'T SKIP THIS ONE.

Dear Lord,

Sana po ay pumasa ang Three Months After manuscript ni author sa panlasa ng mga editors ng MSV para maging totoong author na siya. Sana rin po, kapag nangyari 'yon, tulungan n'yo po siya't gabayan para magtuloy-tuloy na ang writing career niya. At sana rin ay lagi na siyang sipagin na magsulat ng update. This we ask in Jesus name. Amen.

Ayan, dahil marami-rami na akong readers, hopefully, marami rin ang nagdasal para sa akin. Sana talaga makapasa ang MS ko. Pero kahit hindi siya makapasa, hindi pa rin ako susuko. Wait, hindi talaga yan ang AN ko. naisip ko lang isingit since malapit na ang araw kung kailan ko ipa-followup yung MS ko.

-----------

I found this paradox, that if you love until it hurts, there can be no more hurt, only more love – Mother Teresa.

Sinearch ko talaga yan. Yan ang na-google ko eh. Pero may ibang version na sinasabi yung priest namin. Something like, Love until it hurts and when it hurts, it continues to love even more until it hurts no more. Galing din daw kay Mother Teresa, baka full version kaya mahaba ahahah.

Yan lang ang pampalubag-loob na maibibigay ko kasi alam kong unreasonable na yung pinagdadaanan nila. Sino ba naman kasing tao ang kasing tanga ni Prince di ba? WALEY! Not even Patrick, for sure. One day susuko din siya kay Maru ahahahah! Kaway-kaway sa lahat ng Team BRYAN, at Team MABRY! Sa mga PatRu at walang alam sa pinagsasasabi ko, scroll down na lang.

OO NA! Alam ko namang hindi AN ang ipinupunta niyo rito eh. Walang. Nagbabasa. Ng. Author's Note. Pero magsusulat pa rin ako. Pagbigyan! Dito lang ako nakakapagkwento.

Anyways, ganito kasi yan. As of this writing... 11:10 pm na (wait! 11:11 na pala!) at may Mass pa ako bukas. Ako na ang pari! Choss. Pero may Mass talaga ako bukas... 6:00 am lang naman. At ilang araw na akong kulang sa tulog. Nauubusan na rin ako ng undies kasi hindi pa ako nakakapaglaba. Pero hindi yan dahil sa nauubos ang oras ko sa pagmi-Minion. Ang totoo... MAY TRABAHO NA AKO!

Pero part-time lang naman. At gusto ko nang sumuko agad-agad. Alam nyo naman ako, dakilang tamad! Ahahahah sana talaga pumasa yung MS ko... ang dami kong gustong isulat na bago, wala lang talaga akong oras. Kaya sana maintindihan nyo kung bakit mabagal ang update. Nakakapag-UD lang po ako kapag may naisulat. At may naisusulat lang ako pag may topak.

Also... nakalimutan ko tong sabihin sa last note ko...

HOY! Yung mga pumupunta sa message board ko!!!! Wag kayong ano.... Kinikilig ako hahahahahah

Comments? Votes? Thankies!

Nganga sa proofread.

--------

Hindi sapat ang salitang masama para ilarawan ang tingin ni Prince sa kanya. Lumala pa iyon nang bumaling ito kay Edwin. Nanlisik ang mga mata nito, kulang na lang ay magliyab ang huli.

Ilang saglit din ang lumipas bago naisip ni Cindy na tanggalin ang kamay mula sa pagkakasabit sa braso ng kasama.

"Kanina ka pa? Anong ginagawa mo rito?" awtomatiko niyang tanong, patay-malisya sa damdaming nababakas niya sa mga mata nito.

"Sa tono ng pananlita mo parang hindi ka masayang makita ako," mapaghinalang turan nito sa halip sagutin isa man sa tanong niya.

"Hindi sa gano'n." May pakiramdam siyang maganda sana ang nangyari kung hindi lang niya kasama si Edwin. Pero hindi niya ito masisi. Kailan pa naging kasalanan ang pagmamagandang-loob?

Prince So Charming: The Wicked ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon