K. I give up. Prince might be my last story here in Wattpad. I am still enjoying myself here but I can't really commit at anything, you see. So... tatapusin ko na lang si Prince tas baka ma-tengga na 'tong account ko. Anyways, hindi ko alam kung pano dumami ng libo ang followers ko but I'm sure not at least a quarter of them are reading my works. But for those who do... thank you very much!
---------
"Should we move somewhere? Magpatayo tayo ng magandang bahay. Tapos mag-umpisa tayo ng sarili nating negosyo. Magtayo kaya tayo ng maliit na tindahan? O kaya bakery. O mas gusto mong maging company employee? But I think it would be nice to work with you again. I want to be with you Cindy."
Hanggang ngayon ay parang nadarama pa rin ni Cindy sa kanyang katawan ang mahigpit na yakap ni Prince. Isang linggo na mula nang maganap kausapin siya nito ng ganoon.Isang linggo mula nang bigla itong magbago.
He started coming home to her house, na para bang wala itong ibang mauuwian. Nang minsan ngang bumisita siya sa hotel ay narinig niya ang mga empleyadong nag-uusap tungkol sa pagko-commute nito. May isa pa ngang nagsabing nakita nito ang presidenteng sumakay ng jeep nang walang maparang taxi, isang hapong umuwi nito na maulan.
Higit pa roon ay mas ipinag-aalala niya ang bagay na pinoproblema nito. She could tell he was forcing a smile whenever he catches her looking at him. Mas malambing ang mga yakap nito, ngunit may kalakip din iyong lungkot. Ilang beses na siyang sumubok na tangungin ito kung anong problema, ngunit laging wala ang sagot nito.
Gusto niya na ngang magalit dahil naglilihim ito at ayaw magsabi sa kanya, pero ayaw niya rin namang mag-away sila. Ayaw niya nang dumagdag sa mabigat nitong dinadala. The best thing she could do right now is stand in silence either beside or behind him. She needed to watch his back while making sure he wouldn't lose sight of her and think he was all alone.
"Ikaw ba, Aya? Anong kayang gawin ng mga magulang mo?" Curious siya sa magiging sagot nito pero parang hindi. Nakayuko lang siya sa hinahalo niyang kape. Wala sa tono niyang interesado talaga siya sa maririnig.
Nagkibit-balikat ito. "How would I know? Ganito lang ako pero sinusunod ko pa rin sila. If they tell me to quit fooling around and marry a man suited to be part of our family, I'll do as they say."
"Ganon lang? Gano'n lang kadali?" Wala pa ring nagbago sa tono niya.
"I know it won't be easy," Aya answered. "But it's not like I have a choice. It's one reason why I keep myself from falling in love. Ayokong masaktan kapag hindi natanggap ng mga magulang ko ang lalaking napili ko. And maybe, if I was so in love, mas masaktan ako kapag nilayuan niya 'ko dahil sa pera or kung ano mang rason."
"That's it!" Biglang nagkaroon ng sigla ang boses niya. "Ako ang dapat kausapin ng mommy niya. Di ba? Ako ang kakausapin niya para layuan si Prince? But she won't lay a hand on her own son? That can't be. So, siguro wala talagang kinalaman ang mommy niya sa pinagdadaanan niya ngayon?"
Muli itong nagkibit-balikat. "I don't know. But come to think of it. Sa mga dramas, kapag hindi nakuha ng nanay ng hero sa sa pera't pakiusapan ang girlfriend ng anak nila, they change to plan B. And that is—oh God, no way!" Natutop nito ang bibig sa naisip.
"What? What is it? What's their plan B?"
"They're letting their sons choose. Sila o ang babae nila. And it's always likely for the hero to choose his girl over his mother. And he ends up outcasted."
Napasinghap siya sa narinig. "Teka... sandali. Outcasted? You mean palalayasin siya?"
"Hindi lang basta pagpapalayas sa bahay ang gagawin sa kanya. Mawawalan siya ng trabaho. At haharangin ng nanay niya ang lahat ng puwede niyang apply-an ng trabaho. Pati mga kaibigan niya, tatalikuran siya. Mapi-freeze lahat ng bank accounts niya, at mawawala sa kanya ang lahat ng properties niya. Bahay, lupa, kotse. Lahat."
BINABASA MO ANG
Prince So Charming: The Wicked Continuation
Fiksi UmumTalagang ang lahat ay nag-iiba. Matapos mawalan ng alaala, bumait na ang malupit na Cinderella. Ang prinsipe niya namang dati-rati'y lagi lang sa tabi niya ay pinili nang lumayo dahil na rin sa patuloy niyang pagtulak rito. Makalipas ang apat na tao...