LOOOOOOONNNNNNGGGGGG NOTE.
First. During the weekend, naisip kong mag-update agad dahil maikli yung post ko nung Friday. Kaso di ko na kinaya. I am working on way too many (unnecessary) things right now. Sobrang busy ko, hindi ko na-update yung Double Kill Rejection nung Wed (pero wala namang nagbabasa nun so keri lang.)
Secondly... uh, how should I put it? Remember the last issue between PrinDy? (WTF. I really don't like the sound of their shipname. I suck at it lol) Sobrang painful yung nangyari especially sa part ni Prince. Kaya nga hindi ko na maisulat yung bagay na gusto ko dapat isulat... so ganito kasi 'yon...
Di ba bumalik na si evil witch este Madam Regina? Hindi dapat si Prince kundi si Cindy ang kakausapin niya. Same thing. She'll ruin Prince, pero bago niya gawin, ipinaalam niya muna kay Cindy. She would say stuffs like "Kamusta ka noong nawala lahat sa 'yo? Mahirap di ba? What if kay Prince naman mangyari 'yon?" etcetera, etcetra.
At dahil ayaw ni Cindy na maghirap si Prince (as in maging dukha and all), siya na ang lalayo. Kasi feeling niya, she's not worth everything he has. Parang, it would be a waste kung mawawala ang lahat kay Prince nang dahil lang sa kanya. Pero hindi siya deretsahang makikipagbreak kay Prince. At first she'll reason out na gusto niya lang ng space. Ito namang si Prince, syempre he's willing to give the space she needed. Pero sobrang sacrifice yon sa kanya kasi hindi niya pwedeng makita or kausapin si Cindy. Blah, blah, blah... sobrang daming nangyari kaya na hindi ko na itinuloy kasi lalong hahaba yung kwento. Hanggang sa one day, para hindi na humaba pa ang paghihirap ni Prince, nakipag break na si Cindy sa kanya (and mind you, nasa ospital noon si Prince for some reason. He was begging her to see him at least once but instead, she broke up with—through their phone convo. Goddamnit Cindy!)
Okay, di masyadong madrama yung pagkaka kwento ko. Pero kung sinulat ko yun, I'm telling you, may papatay na talaga sa 'kin wahahaha.
So, bukod sa ayoko nang humaba pa masyado yung story, naisip ko ring hindi fair kasi lagi na lang si Prince yung nasasaktan nang bongga (although nasasaktan din naman si Cindy. Pero mas intense talaga yung pain ni Prince). Thing is... wtf! Parang papunta na naman yata ako dun? Habang iniisip ko ang mga susunod na mangyayari, nari-realize kong si Prince na naman ang dehado. Oh Lord, ano bang kasalanan sa 'kin ni Prince at hindi ko siya kayang hayaang maging masaya???
Sagot: Hindi ko mahanap ang sarili kong prince kaya sa kanya ako gumaganti. Lol.
What the hell am I saying this? Walang may pake sa notes. A'right, here goes the update!
#NoTimeToProofread.
--------------
Parang magigiba ang pinto ng unit ni Cindy dahil sa malalakas at sunod-sunod na katok ng sinomang nasa likod niyon. May doorbell naman, pero ang walanghiya, gusto pa yatang mambulahaw ng mga kapitbahay niya. Mabuti at soundproof ang bawat unit sa Prime, hindi na niya kailangang alalahanin ang posibilidad na maeskandalo ang ibang nakatira malapit sa kanya.
Pinatay niya lang ang gripo matapos banlawan ang kamay. Habang naglalakad palapit sa pinto ay sa damit na niya ipinunas ang basang mga kamay. Hindi pa niya tapos hugasan ang pinagkainan nila ni Prince kahit higit isang oras na mula nang makaalis ito. Inuna niya kasi ang lunurin ang sarili sa facebook. Nang magsawa ay saka lang siya nagligpit.
"Shin!" sigaw ni Aya nang mabuksan niya ang pinto. "Goodness gracious, honey! Where on earth have you been?" Sa halip pumasok ay hinawakan nito ang magkabila niyang balikat saka siya pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
Napabuntong-hininga siya. "Chill nga, pwede? Kung makakatok ka, akala ko naman may sunog!" Niluwangan niya ang bukas ng pinto at hinintay itong makapasok. Nauna ito sa sala at naupo sa couch.
BINABASA MO ANG
Prince So Charming: The Wicked Continuation
General FictionTalagang ang lahat ay nag-iiba. Matapos mawalan ng alaala, bumait na ang malupit na Cinderella. Ang prinsipe niya namang dati-rati'y lagi lang sa tabi niya ay pinili nang lumayo dahil na rin sa patuloy niyang pagtulak rito. Makalipas ang apat na tao...