Chapter 38

2.2K 51 2
                                    

Salamat sa lahat ng naghintay, sa lahat ng may mahabang pasensya, sa lahat ng hinabaan ang pasensya, pati sa mga pilit na humuhugot ng pasensya kahit sagad na sila.

Salamat nang marami!

PS. Kinwento ko sa kapatid ko yung latest na nangyari dito sa story, siya daw magtutuloy XD. Sabi ko binato ni Cindy ng tsinelas si Prince... tas sabi niya may ganung eksena din daw sa Ex with Benefits. Waaah!!! Ba't walang nagsabi sa 'kin? Ay, di na nga pala ako nakakabasa ng comments hehe. Pero di siya sure kung sa Ex with Benefits or sa Ex-Back Formula. Pero badtrip ako kasi may kapareho yung sinulat ko T_T

Okay, mahaba na ulit ang note.

PPS. Waaah! Malapit na mag 200K yung reads ni Cindy! And oh, may nagawa na nga pala akong trailer ni Prince! Kaso nonstop surf lang yung internet ko, walang pang-Youtube kaya di ko pa ma upload...

LAST!

Sabaw talaga ako. Sorry na T_T Mas mahaba pa sana 'tong update... kaso lutang na utak ko hahaha

----

Naalimpungatan si Cindy nang makarinig ng sunod-sunod na busina. Makailang ulit siyang kumurap bago tuluyang nagising ang kanyang diwa. Madilim ang paligid pagsilip niya sa labas ng bintana. Nalingat siya sa bukas pa ring radyo at nakita ang oras. Pasado ala una pa lang pala.

Nakahinto na ang sasakyan ngunit buhay pa rin ang makina. Nakaparada sila sa tapat ng isang dalawang-palapag na bahay, puti ang haligi niyon, sa itaas ay may mahabang bintanang salamin.

"Nasa'n na tayo?" tanong niya.

"Batangas," matipid na sagot ni Prince saka inalis ang sariling seatbelt. Bumaba ito matapos patayin ang radyo't makina ng sasakyan. Noon din ay may matandang lalaking lumabas mula sa bahay.

Bumaba na rin siya. Napayakap siya sa sarili nang sandaling umihip ang malamig na hangin. May mangilan-ngilang puno ng buko sa paligid ng bahay, ang harap nama'y nalalatagan ng damuhang patag ang pagkakatabas. Batuhan naman ang kinatatayuan nila, maging ang pathwalk na kadugtong ng espasyong kinapaparadahan ng sasakyan. Ang kabilang dulo ng daana'y diretso sa bukana ng magandang bahay.

Nalingat siya ng tingin at napansin ang kalmadong dagat sa di kalayuan. Lumingon pa siya sa paligid ngunit tila walang hanggang buhanginan na lang ang natanaw niya. Nag-iisa ang pinuntahan nilang beach house sa lugar na iyon.

Balak niya pa sanang ituloy ang pagmamasid kung hindi lang siya pasigaw na tinawag ni Prince.

"Halika na," maikling anito bago naglakad pasunod sa matandang lalaki. Mukhang iyon ang katiwala ng bahay. Kinausap ito ni Prince kanina, hindi lang siya nakinig.

Muling gumala ang paningin niya nang makapasok. Puti ang tema ng bahay, maging ang mga kasangkapan sa loob ay gayon ang kulay, tulad na lang ng corner sala set na katabi ng hagdang paakyat sa second floor. Nakasilip sa gitna ng dalawang naglalakihang kurtina sa likod ng sala set ang saradong sliding door papunta sa dalampasigan.

"I forgot you don't remember this place."

Napaharap siya sa binata nang marinig ang tinuran nito. "Nanggaling na 'ko dito?"

Marahan itong tumango, ang mga mata'y lumigid rin sa kabuuan ng bahay. "Sa tuwing may tampo ka sa mga kaibigan mo, o kapag ayaw mong sumama sa summer getaway nila, dito ka pumupunta."

"Bakit alam mo?" Saglit na kumunot ang noo niya hanggang sa may maisip na sagot, dahilan para siya mapangiti. "Ikaw ang kasama ko?"

Nagkibit-balikat ito pagharap sa kanya. "Driver mo 'ko dati?"

Kasing bilis ng paglitaw ng ngiti niya kanina ang pagpait ng ngiti niya ngayon. Mali ang hinala niyang marami silang masasayang ala-ala sa bahay na iyon. Isang malaking sampal sa kanya ang katotohanang bago siya maaksidente, kulang ang salitang "masama" para ilarawan ang naging pakikitungo niya rito.

Prince So Charming: The Wicked ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon