Please Read

1.6K 35 30
                                    

Dear everyone, 


I have a proposal to make. Seryosong usapan ito. May nagawa na akong speech pero na-realize kong ayaw kong mag-beast mode. 

So, regarding the proposal...

Sabi ko diba aayusin ko si Cindy? At gusto ko ring ayusin si Prince once na matapos ko ang libro. 

Nasabi ko na ring maraming nangyari kay Prince na hindi naaayon sa talagang plano ko. 

Halimbawa na lang yung naging "deal" ni Cindy at Prince. Wala dapat yon. 

Medyo ganto talaga dapat ang sequence:

* Muntik masagasaan si Cindy kaya ililigtas siya ni Prince. Magkakatitigan sila (yung cliche), tapos iiwas si Cindy pero hahatakin siya ni Prince at hahalikan.

* Lalandiin ni Prince si Cindy (yung pantry scene kung saan matatapunan siya ng kape)

* Bibili ng damit si Cindy pero hindi siya makakabalik dahil mahahagip siya ng sasakyan (courtesy of the ever-jealous Stephanie) 

* Maghi-hysterical si Prince dahil sa aksidente. At this point, nagiging transparent na si Prince sa feelings niya kay Cindy.

* Aamin si Stephanie kay Cindy sa ginawa niya pero si Cindy ang palalabasin niyang masama (bibisitahin niya si Cindy sa hospital at gagawa ng kwento chorvaloo. Mahirap i-explain) kaya magdo-draw back na naman si Prince.

* For some reasons (mahirap ulit i-explain), magkakaayos si Cindy at Prince.

* Makikipag-break si Prince... at malalaman niyang "ginamit" lang siya ni Cindy para makaganti kay Stephanie (yes, that's really part of my plot)

* Then.... hindi ko pwedeng sabihin ang mga sunod na mangyayari dahil spoiler yun.


Maraming eksena ang mababawas. Like yung mga inuman nights ni Cindy with her friends. Yung mga walang kwentang suggestions nina Aya mawawala rin. Basta, maraming filler chapters ang mabubura.

Ngayon, bakit ko sinasabi ito?

Balik tayo dun sa "I have a proposal."


May nagsabi kasi sa akin na ang bagal ko na nga daw mag-update, bitin pa. (dito ako na-beast mode eh. I was like, teh, di mo ako binabayaran para mag-update!)

May nagsabi rin (nag-suggest) na huwag ko nang paikut-ikutin ang kwento (bagay na hindi ko rin naman pinlanong mangyari... nangyari lang talaga)


Ngayon, pinag-iisipan ko. 


I-unpublish ko kaya muna si Prince? 


Ia-unpublish ko rin muna yung mga chapters ni Cindy. Aayusin ko muna silang pareho. Kapag ayos na si Cindy, saka ko na lang ulit ipo-post yung chapters niya. Likewise, kapag okay na LAHAT ng chapters ni Prince, saka ko na lang din ipo-post. Para makapagbasa kayo nang tuloy-tuloy. Para wala nang mahabang author's note. Para rin maalis ko yung mga eksenang paulit-ulit lang. Para hindi nakakasawa, nakakaumay at predictable.


Ayos diba?

Pero syempre, may downside don.

1. Matatagalan bago ko ulit maii-publish yung libro. Estimate ko ay sa 2017 na. Malay ko kung anong quarter ng 2017. Haha!

2. Malamang na bago ko pa magawa yung buong libro, nakalimutan nyo na yung kwento.

3. Baka tamarin akong magsulat (kasi nga naka-unpublish yung books so walang makakapagbigay ng votes or comments... walang mangungulit ng update XD)

4. Baka dahil nagkasundo ang lahat na sa 2017 ko na ibabalik ang mga kwento, mas mag-focus ako sa iba kong story ideas. (at least kung ganitong nakakapag UD ako once a week, mapipilitan akong magsulat talaga para may pang-update)


Ano sa tingin nyo? I'm currently working on the next chapter. Hindi ko sigurado kung matatapos ko agad yon isulat. Mahirap ding magtuloy ng kwento kapag "twisty." 

Kung papayag kayo sa proposal kong itago muna ang libro at sa 2017 na lang magpatuloy, natural hindi ko muna ipopost yung next chap kahit magawa ko pa. 

I'm serious about this. Around a couple of months ago nang simulan kong ayusin si Cindy (balak ko rin kasi siyang ipasa sa Bookware for publication... subok lang). Chapter 5 pa lang yung nae-edit ko so far (nagkadagdag-bawas kasi sa mga eksena. Wala na yung kissing scene ni Prince at Stephanie sa parking lot bwahahahahahaha. Pati yung opening chapter iba na.)


Please help me make a decision. 

Itutuloy ko ba ito o ia-unpublish muna? 


Kapag walang nag-react, gora lang ako as is. Pero kapag mas marami ang nag-sabing sa 2017 ko na ituloy, edi kitakits next year! 


PS.

May story akong isinulat dati sa facebook. Patapos na dapat yun. Isang chapter na lang. Kaso nawala yung papel na pinagsulatan ko nung opening scene ng last chapter. Ayun, hindi ko na naituloy. Mga limang taon na yatang walang ending yun. I'm afraid ganon ang mangyari kay Prince bwahahahaha!


Prince So Charming: The Wicked ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon