Chapter 21: Between Prince and Painful Memories

2.9K 97 20
                                    

Isang update dahil 25K na si Cindy. *Regine*

Comment?

Comment?

Comment?

Tatlo na yan ah... pagbigyan n'yo na 'ko please! Lol.

Hindi na talaga uso ang proofread.


Chapter 21: Between Prince and Painful Memories

Nagkakatinginan lang sina Aya, Courtney at Elise. Ngayon na lang ulit nila nakitang magpakalunod sa alak si Cindy. Kailangan nga ba ang unang beses? Ah, noong lumipad pa-ibang bansa si Prince. Noong lang.

Naniningkit na sinenyasan ni Elise si Aya. Umiling naman siya. Alam niyang hindi magpapapigil si Cindy.

"Sige na kasi," Elise mouthed.

Napabuntong-hininga siya sabay tapik sa likod ng katabi. "That's enough Shin. You've drank too much."

Cindy looked at her and smirked. "What do you know? Wala naman di ba? Ang fail nga nong plano mo eh."

Kumunot ang noo niya. "What?" Mukhang iba ang gusto nitong pag-usapan.

"Sabi mo landiin ko si Prince. Sabi mo pakitaan ko siya ng motibo. Pagkatapos pagselosin ko siya. Sabi mo 'pag ginawa ko ang mga 'yon, siya pa mismo ang hahabol sa 'kin. Pero bakit hindi naman?"

Natigilan si Aya. Hindi dahil sa paninisi ni Cindy kundi sa mga luhang nag-akyatan sa paligid ng mga mata nito. Muli itong lumagok mula sa malamig ng bote ng beer.

"Bakit ganon? Last week lang okay pa kami. Mabait pa siya sa 'kin. Ganon ba kasama 'yong sinabi ko? Nag-sorry naman ako ah? Ba't hindi niya 'ko mapatawad? Bakit, por que andyan na si Stephanie, baliwala na 'ko? Hindi niya na 'ko nakikita? Parang mas gusto ko pa yung dati na pinagtitripan niya 'ko eh. Kaysa 'yong ganito. Kaysa yung matindi pa sa hangin 'yong trato niya sa 'kin. Hindi niya ba naiintindihang nasasaktan ako sa ginagawa niya? Parang kailan lang may pa-I miss you-I miss you pa siyang nalalaman. Sabi niya pa ayaw niyang nagagalit ako. Kaya kung ano-anong ginawa niya para lang suyuin ako. Tapos ano, iiwan niya 'ko sa ere? Ano ba kasi talagang trip niya? Nakakainis na eh. Nakakasakit na siya, alam niya ba 'yon?" Tinapos nito ang lintanya sa pamamagitan ng muling paglagok ng alak.

Nanatiling tahimik ang tatlo. Si Aya'y walang magawa kundi hagurin ang likod ng kaibigan. Ngayon niya na lang ulit ito nakitang umiyak nang husto.

The last time was four years ago. And because of the same person. The same man. Ang pinagkaiba lang, alam niyang mahal na mahal ito ni Prince noon. Pero ngayon? She can never be sure.

Siguro nga bilog ang mundo.


Maagang dumating si Prince sa hotel. Si Cindy ang una niyang hinanap pagpasok sa opisina. Natagpuan niya itong nakaupo sa likod ng sariling mesa. Nagkalat ang ilang piraso ng staple wire sa harap nito. Abala ito sa pagmamaniobra sa malaking puncher. Nasa kanan nito ang nakabukas na file folder para sa mga nagdaang memo.

He didn't know if she was just too engrossed with what she was doing or she simply wanted to ignore his presence. Kanina pa siyang nakatayo sa harap nito pero nakayuko lang ito. Mukhang gumaganti, palibhasa ay ilang araw na niyang iniignora ang mga pagbati nito.

"Where were you yesterday?" pag-agaw niya sa pansin nito. He heard her smirk.

"Ayos ah? All the while akala ko hangin lang ako rito. Napansin mo palang nawala ako?" Isang sarkastikong ngiti ang nakaguhit sa mga labi nito nang umiling. Pansin niya iyon bagaman nakayuko ito.

Prince So Charming: The Wicked ContinuationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon